Synopsisđ
"Araykupo! lnang, bakit po ba tayo nagmamadali?"
Halos madapa dapa nako kakalakad takbo masabayan ko lang si lnang sa mabilis nitong paglalakad.
"Basta! bilisan mong paglalakad mo dali! Baka maabutan tayo ni Farah."
Panay pang lingon ni lnang sa pinanggalingan naming lugar, halata sa mukha nyang takot at pangamba. Hinawakan nyang kamay ko ng mahigpit.
"Eh lnang, ano naman po ngayon kung maabutan tayo ni Tiya Farah, bakit tila kayo po ay natatakot sa kanya?"
"Hindi ko hahayaang mapahamak ka Valentina, at mas lalong hindi ako makakapayag na gamitin ka ni Farah sa maitim nyang mga balak. Kaya pakiusap bilisan mong kilos anak!"
"Saan po ba tayo patutungo Ina? Pagod na po kasi ako, saka gutom na rin."
Napahinto kami't natigilan ni Inang ng pareho naming marinig ang boses ni Tiya Farah.
"Fierahhhh... alam kong naririnig mong aking tinig, akala mo ba matatakasan mo ako ng ganun ganun lang ha? Papatayin kita sa oras na mahuli kitang impakta ka."
Nagkatinginan muna kami ni Inang bago kami sabay na kumaripas ng takbo habang mahigpit na magkahawak ang aming mga kamay. Huminto lang kami ng hindi na namin kayang maihakbang pa ang aming mga paa.
"Inang, bakit po tila galit na galit po sa inyo si Tiya Farah? Bakit po pati buhay nyo pinagbabantaan nya?"
Napahiga nako sa damuhan dahil sa matinding pagod na nararamdaman. Ganun din ang ginawa ni Inang humiga rin sya sa tabi ko ng nakaharap sakin, bago nagsalita at titig na titig sa mukha ko.
"Valentina, kahit anong mangyari wag na wag kang sasama kay Farah ha! Mangako ka sakin anak!"
"Bakit naman po, Inang?"
"Basta! Sundin mo na lang ang sinasabi ko. Wag ng maraming tanong."
Bumangon na si Inang saka hinatak akong patayo.
" Halika na Valentina, maghanap na tayo ng matitirhan. Bawal tayong magtagal dito sa daan."
Kahit nananakit ng buo kong katawan pinilit kong kumilos.
"Valentina, dika pa nangangako sakin."
Kahit na gusto kong magtanong pinigilan kong aking sarili, hindi ko ugaling ilagay sa alanganin ang aking Inang, kaya gaya ng nakaugalian ko bilang masunuring anak sinusunod ko ito.
"Pangako po, Inang."
Nagniningning ang mga mata ni Inang sa saya dahil lang sa tinuran ko na lalo kong ipinagtaka. Napaisip tuloy ako ng malalim saka binalikan saking alaala ang panahong kasama pa namin si Itang. Masaya kami kahit payak man ang aming pamumuhay. Mapagmahal at maalalahanin ang aking Itang. Ngunit sa isang hindi malinaw na pangyayari natagpuan na lang namin syang wala ng buhay sa kabukiran. Labis kong dinamdam ang pagkawala ng aking Itang. Limang taong gulang pa lang ako nun pero nakakaintindi nako.
"Halika na Valentina, mag gagabi na kaya bilisan na natin, kelangang marating natin ang syudad dahil dun nakatitiyak akong ligtas tayo kahit na papano."
Tumayo na'kot niyakap si Inang,. Ang mahal na mahal kong si Inang. Na kahit anupang pagsubok ang binabato samin, magkatuwang naming hinaharap ito. Masalimuot man ang daang tinatahak namin sa buhay , nakakaya't nalalampasan naming dalawa na may pananalig at pananampalataya. Alam kong sa dulo ng mundo makakamit at maaabot rin namin ang...
Kaligayahan
Kapayapaan
Kaluwalhatian
At ang buhay na walang hanggan, Sinisigurado ko yan.
Dahil, AKO si....
VALENTINA?
At ito ang storya ng aking sekreto sa buhay..
Kung...
Ako ba'y totoong tao?
O
Baka naman ako'y isang engkanto?
?MahikaNiAyana