Kanina ko pa napapansin ang pagsulyap sulyap ni Akiro sakin, napansin ko na sya kanina pa sa opisinang pinapasukan namin bilang accountant. Kakaiba sya ngayon, hindi sya palasalita, hindi nagbibiro, hindi nang aasar, hindi nang iinis. Seryoso lang ang mukha nyang nakatingin sakin.
"Akiro! Hoy Akiroo! Ano bang nangyayari sayo?'
Hinampas hampas kong braso nya pero no reaction pa rin, nakatitig lang sya sakin.
"Akiro, pangit ng contact lenses mo ha, red talaga! para kang adik."
Nagulat na lang ako ng bigla nyang hawakan ang braso ko, saka hinila ako patungo sa kanyang sasakyan at basta na lang ako tinulak sa loob na ikinasobsob ko sa upuan. Bibigkasin ko na sanang pangalan ni Valentina ng may maamoy akong masangsang na usok pagkatapos nun nawalan nako ng malay.
?
"Axis, ano nahanap nyo na ba si Lentina?"
"Hindi pa Fierah, pero may naisip na kami kung bakit hindi natin sya mahanap at matagpuan."
"Si Farah ba? sya bang may kagagawan ng pagkawala ni Lentina?"
"Kelangan nating bumalik ng Secrecy Fierah, kelangang malaman ito ng Hari at Reyna."
"Wag muna Axis, may alam akong lugar kung saan maaaring dinala ni Farah si Lentina."
"Sphinx, mahal kong alagang pusa, maaari mo ba kaming dalhin sa kinaroroonan ni Lentina?"
"Mimimeow"
"Karamel, maaari nyu bang sunduin si Akiro!"
"Sige, mauna na lang kayo ni Axis at Rios dun, susunod na lang kami ni Kiana kasamang tagalupa."
?
"A -- Akiro! psst..."
Bakit parang iba si Akiro ngayon? Pati hitsura nya ibang iba, anubang nangyayari sa kanya? Iba talagang trip nito eh! Hirap hulaan ang takbo ng utak. Teka, anong lugar naman kaya 'to? Anong ginagawa namin sa kakahuyang ito? At bakit hindi ako makagalaw?
"Akiroo.. Hoy!"
Napakalayo ng tingin ni Akiro, napansin kong iba na naman ang damit nya. Iba na rin ang buhok nya. At ng bumaling sya sakin bigla akong kinilabutan. Iba na rin ang kulay ng mga mata nya asul naman ngayon. Kelan pa nahilig sa contact lenses si Akiro? Tila naging sosyal na yata sya ngayon, papalit palit na lang ng contact lenses.
"Binabati kita sayong tagumpay Ezra, Sa wakas nabihag rin natin ang isa sa kambal"
Napamulagat ang mga mata ko ng makitang pagbabago ng anyo ni Akiro. Naging magandang babae ito. Hinarap nitong nakapamewang si Farah na ngiting ngiti habang nakatitig sakin.
"Siguro kung ikaw pa rin ang nagpaplano aabutin lang tayo ng deka dekadang pagtutugis kay Fierah. Palibhasa gamunggo lang kalaki yang utak mo Sierra, ginamit mo ng mukha ni Farah wala kapa ring napala. Puro ka lang salita kulang ka naman sa gawa."
"Bunganga mo, Ezra!"
"Wala ng dahilan para ituloy mo pa yang pagbabalatkayo mo Sierra. Tapos na oh! ayan ng isa sa mga kambal, kaya kumilos na tayo bago pa bumalik yan sa katinuan."
Pagkarinig ko sa usapan nila, kaagad akong humiling at sinambit ang pangalan ni Valentina. Pero ilang minuto ng nakakalipas dipa rin nagbago ang aking anyo. Hanggang sa makita kong nagpalit ng anyo si Farah. Nahindik ako ng makita ang tunay nyang anyo. May pakpak at matulis na sungay ito saka may hawak na mahabang sandata. Pulang pula ang kulay nito lalo pa't nakatapat sya sa bilog na bilog na buwan.
"Handa kana bang mamatay Lentina?"
Hindi ako nagpakita ng kahinaan, inalala ko ang sinabi ni Inang sakin na..
'Walang sinuman ang makakapanakit at makadadaig sakin. Dahil ako si Valentina ang magpaparusa at hahatol sa lahat'
Pumikit ako ng mariin saka umusal ng isang orasyon para mapalabas ko agad si Valentina.
'Makapangyarihang orkidyas ng kahariang Secrecy..
Pakinggan ang aking pagsamo at pagdadalamhati..
Palakasin at pagtibayin ang aking minimithi..
Nawa'y maalis ang salamangkang bumabalot samin ni Valentina at ito'y iyong iwaksi..
Pagsamahin si Valentina at dambuhalang ahas na kanyang pag aari..
Upang maipagtanggol sa kampon ng dilim na kami'y inaari..
Valentina, lumabas ka na't ipagtanggol mo kami!'
Ramdam ko ang pagbabago ng aking katauhan, sa isang iglap lang ay naging si Valentina na ako, pero iba ngayon, dahil nahati sa dalawang uri ang aking katawan , ang itaas kong katawan ay si Valentina at ang ibabang katawan ko naman ay dambuhalang ahas. Narinig kong pagsinghap ng dalawang salamangkera.
"H- Hindi ito maaari! Paanong nagawa mo pa ring maging Valentina gayung binalot kana namin ng malakas na salamangka?"
Nginisihan ko ang dalawang titig na titig sakin.
"May nakaligtaan yata kayong dalawa, kaya nagawa kong makawala sa salamangka nyong dalawa"
"Hah, Hindi mo kami kaya, Valentina!"
Itinaas kong aking kamay at ibinukas ang aking palad, ng may lumitaw doong mahanang sandata, mabilis ko iyong iwinasiwas saka itinutok kay Ezra at Sierra.
"Nakalimutan nyo yatang ako si Valentina, Walang sinuman ang makakapanakit at makadadaig sakin. Dahil ako, ang magpaparusa at hahatol sa lahat."
Nakita kung lumipad si Sierra pahimpapawid, kaagad pinatamaan ko ng kidlat ang kanyang pakpak, naputol yun at nalaglag, dahil sa nangyari nawalan ng balanse si Sierra, mabilis itong bumulusok pabagsak sa lupa.
"Ahhh.."
Nagpaulan ng matatalim na sandata si Ezra papunta sakin, nailagan ko man ang iba dun may mga tumama at bumaon pa rin saking katawan. Hinampas ko sya ng aking buntot, talsik ang katawan nya palabas ng kakahuyang pinagdalhan nila sakin. Natutok ang tingin ko kay Sierra na nagbabaga ang mga matang nakatingin sakin.
"Ano Sierra? tapusin na natin to ngayon din."
Bumuo ako ng maliliit na apoy at akmang ibabato ko na kay Sierra ng may biglang pumigil sakin.
"Wag! Kami ng bahala sa kanila Valentina, ipaubaya mo ng lahat samin."
Nilingon kong pinanggalingan ng boses, nakatayo dun si Inang, Rios, Axis, Karamel at Kiana, seryoso ang mukha ng mga ito. Magtatanong sana ako kung bakit nila ako pinapatigil ng may dumapong pusa saking balikat. Nilingon ko ito para mapagmasdang mabuti ng sa pagharap ko dito ay dinilaan nyang ilong ko.
"Sphinx!"
Lumipad lipad sa harapan ko ang puting cute na pusang inaalagaan ko kapag naging si Valentina na ako.
"Mimieoww"
"Miss na miss kita Sphinx.. hmmm."
Makabuluhan talagang araw na ito sakin. Dahil pagkatapos ng sagupaan heto ang gantimpala ko.. si Sphinx.
?MahikaNiAyana