"Inang, ok lang po ba kayo? Kanina pa po kayo tulala, may nangyari po ba?
Nakita kong pagpiksi ni Inang ng tangkain kong hawakan ang kanyang kamay. Napatingin sya sakin na blanko ang mukha, walang emosyon at walang kulay ang aura na nakapalibot sa kanya.
"Inang!"
Tinapik tapik kong kanyang mukha, nag aalala nako sa kanyang kalagayan. Ilang araw na syang di mapakali, parati ko na lang syang nakikitang tulalang nakatingin sa kawalan. Kumurap kurap sya't napatingin sakin, nakita kong kalituhan sa kanyang mga mata.
"L- Lentina... Nandito na sila"
"Ha! Sino po, Inang?"
Biglang lumikot ang kanyang mga mata, dina sya makatingin sakin ng deretso. Panay ang pagkiskis nya sa kanyang dalawang palad. Bahagyang nanginginig ang kanyang katawan, ramdam ko ang kanyang takot, pangamba at pag aalala. Diko na natiis na tingnan si Inang ng ganun ang kalagayan, kaya niyakap ko sya ng mahigpit, sinikap kong pakalmahin sya.
"Nagpaparamdam na si Farah, natunton nya na kayo Lentina, natatakot ako para sa inyo ni Val. Hindi pa dapat"
Napailing iling si Inang, maya maya nanigas ang kanyang katawan, kaya pinakawan ko sya sa pagkakayakap.
"Inang, pakiusap kumalma po kayo Inang!"
Nakita kong unti unting nagbabago ang hitsura ni Inang, napaatras ako palayo sa kanya, natakot ako bigla ng makita ko ang kanyang noo, may kulay pula na bilog na parang nunal ang lumitaw dun, ang kulay itim nyang buhok ay naging puti. Kahit ang kasuotan niya ay biglang nagbago at may lumilipad na kulay puti na paro paro sa kanyang tabi. Dahan dahang nag angat ng mukha si Inang mula sa pagkakayuko. Ng magtama ang aming mga mata lalo akong kinabahan ng makitang iba na rin ang kulay ng kanyang mga mata. Naging kulay abo ito. Parang ibang tao ng kaharap ko at hindi na ang Inang ko.
"Lentina, wag kang matakot! Nag iba man ang aking anyo, pero ako pa rin ito, ang Inang mo. Ito ang tunay kong anyo at ang nakasama't nakikita mo nun ay isa lamang ilusyon, tanging ang diwa ko lang ang gumabay sa inyo ni Val. Pero ngayong natuntun na kayo ni Farah, hindi na ako dapat magpaka kampante, lalo na't may tumutulong na sa kanya."
Tulala lang akong nakatitig kay Inang, ang hirap paniwalaan ng kanyang mga sinasabi sakin ngayon. Nakita kong kinausap nyang puting paro paro, maya maya naglaho na ito. Ilang segundo rin ang lumipas bago lumitaw ulit ang puting paroparo, pero hindi na ito nag iisa may mga kasama na ito.
"Fierah, kumusta kana? Medyo matagal tagal na rin nung huli tayong nagkasama."
"Sya na ba yun, Fierah?"
Nakamasid lang ako sa pag uusap nila Inang at mga panauhin nya. Nakakailang kasi ako ang pinag uusapan nila. Ng humarap silang tatlo sakin, mas lalo pa akong kinabahan dahil sa mapanuri nilang mga tingin.
"Karamel, sya si Lentina"
Pakilala ni Inang sakin dun sa babaeng kulay pula ang damit, mata lang ang makita ko sa kanya dahil may takip ang ilong nya hanggang baba. Bumaling si Inang sa isa pang babaeng nakasuot naman ng asul na damit, ganun din mata lang ang makikita dito.
"Kiana, si Axis?"
Nagtinginan silang tatlo at tila ba nag uusap ang kanilang mga mata, sa ganun lang nagkakaintindihan na sila. Nabaling ang tingin ko sa madilim na sulok ng aming bahay, ng may masulyapan akong nakaupo dun.
"Nasasabik kana bang makita ako, Fierah?"
"Axis!"
Tumayo mula sa pagkakaupo sa madilim na sulok yung lalaking nakaitim at naglakad palapit kay Inang, na malapad ang pagkakangiting sinalubong ang lalaking bukod tanging walang takip ang mukha, kaya malinaw kong nakikita ang kabuoang anyo nito. Nagyakap muna ang dalawa bago bumaling sakin.
"Inang?'
"Lentina, silang tatlo ang poprotekta sa inyo ni Val kapag nagbagong katauhan kayo. Dahil sa wala kayong kapangyarihan para lumaban kapag hindi kayo naging si Valentina, kaya wag kang mailang at matakot sa kanila, dahil galing din sila ng Secrecy. Kauri natin sila, tayo ay mga Secrecian, hindi tayo mga ordinaryong tao, Lentina, mga salamangkero tayo."
Pinaglipat lipat kong tingin sa kanilang apat. Ngayon unti unti ng lumilinaw ang lahat sakin, kung bakit kami nagpapalit palit ng katauhan ni Val, dahil dalawa kaming nananahan sa katawan ni Valentina.
"Kambal kayo ni Val na isinilang sa iisang katawan lamang at yun si Valentina, sya ang inyong tagapagligtas. Lalabas lang sya kapag isinusuko nyung inyong sarili sa kanya, pero ang inyong diwa pa rin ang mangingibabaw kahit na maging si Valentina na kayo."
Yumoko ako at napaisip ng malalim, mahirap man paniwalaan ang lahat ng sinasabi nila, pero ramdam kong katotohanan sa mga binitawan nilang salita. Saka, mahal na mahal ko si Inang, teka! Eh si Inang nga ba ang tunay kong Ina, O baka naman may iba pakong mga magulang? Bigla akong nag angat ng tingin saka humarap kay Inang at seryosong nagtanong.
"Inang, maaari po ba akong magtanong sa inyo?"
"Oo naman anak, lahat ng gusto mong malaman itanong mo na ngayon samin."
"Kayo po bang totoong Ina namin ni Val?"
Ngumiti si Inang, saka lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Hindi ako ang Ina nyo ni Val kundi ang kapatid kong si Farah, at ang Ama nyo ay si Rios. Nais kayong patayin ni Farah mula pa nung sanggol kayo, nalaman kasi nya ang kahalagahan nyo ni Val sa Secrecy, pero hindi sya nagtagumpay dahil itinakas kayo ni Rios at pinaalagaan sakin. Nung una tumanggi ako, pero dahil sa utos ng Ama't Ina naming Hari at Reyna ng Secrecy, wala akong karapatang tumanggi. Lalo na't sumang ayon ang Asawa kong si Axis."
Naramdaman kong may isa pang yumakap samin ni Inang, napakainit ang singaw ng katawan nitong nakadikit samin ni Inang. Saglit lang naman yun bumitaw rin kaagad si Axis gayun din si Inang.
"Bakit po kami papatayin ng sarili naming Ina, Inang? Ano po ang dahilan nya para gawin po yun samin ni Val?"
"Dahil si Valentina ang susi sa mundo ng Secrecy. Kapag isa sa inyo ni Val ang napatay ni Farah, hinding hindi na mabubuo si Valentina at kapag nangyari yun babagsak ang mundo ng Secrecy. At maghahari ang maiitim ang budhi sa mundo ng salamangka. Sakim sa kapangyarihan ang kapatid kong yun na kahit tayong pamilya nya makakaya nyang patayin, makuha't masunod lang ang lahat ng kanyang naisin at gustuhin"
Ganun kasama ang Ina namin ni Val? Wala syang puso kapag ginawa nya yun saming mga anak nya. Magkaganun man kelangan naming mag ingat ni Val, lalo na't wala kaming laban sa kanila.
"Lentina, kapag nakaramdam ka ng panganib at wala kami sa tabi mo, humiling ka't bigkasin ang pangalan ni Valentina, agad kayong magkakapalit ng katauhan at sya ang makikipaglaban para sa inyong kaligtasan"
"Tatandaan ko po lahat ng bilin nyo Inang. Ngayong alam ko na po ang buong katotohanan gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para manatiling buhay. Hinding hindi po ako magpapahuli kila Farah"
Kahit na sya pa ang tunay kong Ina, papatayin ko sya kapag nagkaroon ako ng pagkakataon. Sa tulong ni Valentina mangyayari ang nararapat na kaparusahan sa Farah na yun.
'Hihintayin ko ang panahon na tayo'y magkakaharap Farah... Aking taksil na Ina.'
?MahikaNiAyana