Tunay na mga Magulang

742 Words
"Sundan nyo si Rue, syang gagabay sa inyo patungo sa kinaroroonan ni Farah. Panahon na para maibalik sya dito sa Secrecy." Palipat lipat ang tingin ko kay Reyna Kleio at sa malaking ibon na lumilipad lipad sa paligid, napakaganda ng magkahalong kulay nitong blue at red lalong tumitingkad ang kabuoan nito dahil sa kuryenteng dumadaloy sa kanyang balahibo. "Aalis na po kami Ina, Para agad po kaming makabalik dito." "Val, palabasin mo si Valentina para may magtatanggol sa inyong mag Ina." "Masusunod po, Mahal na Reyna" Ng magkapalit na kami ng katauhan ni Valentina. Tanging ang diwa ko ang naiwan sa katawan nya na aking kanlungan sa mahabang panahon. Lumabas na kaming palasyo nila Inang at Adrea. Nasa labas na si Rue palipad lipad na sa himpapawid. "Malayo at mapanganib ang ating paglalakbay, kaya maging alerto at maghanda sa kadilimang ating tatahakin at susuungin. Mapapalaban na naman tayo Fierah." "Kinagagalak kong makasama kita ulit sa isang labanan kaibigang Adrea." Nakasunod lang ako sa dalawa. Paminsan minsan tinitingala ko si Rue. Papasok pa lang kami ng kakahuyan may mga natatanaw na akong iba't ibang uri ng salamangkera, hindi ko tiyak kung sila ba ay kakampi O aming kalaban? kaya naghanda na ako kaagad. Naging alerto ang aking mga mata at pakiramdam ng bigla na lang sumugod samin ang tatlong salamangkera. Walang usap usap na nakipag sagupaan sila Inang at Adrea sa nakakulay berde at purple ang damit na mga salamangkera. Malalakas sila basi sa mga amoy nilang umaalingasaw sa baho. "Sa wakas nagkita rin tayo Valentina, matagal ko ng pinanabikan ang pagkakataon na ito, para ako mismo ang papaslang sayo." Pinakatitigan ko ang salamangkerang nakalutang sa hangin, puti ang kanyang mahabang buhok na nililipad lipad ng hangin. May dalawang puting fox na nakaalalay dito. Ng makita kong pagsugod nila, naglabas ako ng kuryenteng kapangyarihan saking mga kamay ng akmang sasakmalin nako ng mga alaga nito. Nagkakawag ang dalawang fox habang unti unting tinutupok ng apoy. Taka ko lang ng hindi man lang tumulong ang salamangkera, para puksain ang apoy na nagliliyab sa katawan ng mga alagad nito. "Malakas ka nga Valentina, di man lang umubra sayo ang mga alaga ko.. Pero ang ipinagtataka ko lang kung bakit mo kinokontrol ang yong kapangyarihan?" Misteryoso akong ngumiti, handa na sana akong sumugod ng marinig kong boses ni Inang. "Valentina, halika na!" Sabay sa pagtalikod ko sa kalaban ang pag ihip ng mabangong hangin. "Ahhh." Hindi ko na nilingon ang kalaban kong humihiyaw sa nararamdamang sakit. Ang panaghoy ng boses nito ang naging patunay sa mabilis nitong kamatayan. Tinahak kong daan patungo sa pinasukang kasukalan nila Inang. Malayo layo pako sa kinaroroonan nila rinig ko ng mga pagsabog at ingay ng mga sari't saring hayop. Basi sa mga naririnig ko marami raming aming mga kalaban, kaya naglabas nako ng sangkatutak na orkidyas na iba't iba ang taglay na kapangyarihan. Umusal ako ng engkantasyon saka ipinatangay kasabay ng hangin. 'Orkidyas na humahalimuyak.. Kariktan na taglay iyong ipamalas.. Maiitim ang budhi iyung iparanas.. Walang kapantay na sakit nilang wakas..' Ng marating kong kinaroroonan nila Inang hindi lang si Adrea ang kanyang kasama. Nandun na rin sina Karamel, Axis, Kiana, ang Ama kong si Rios at ang tunay kong Ina na si Farah. Nakangiti silang lumapit sakin, mahigpit na yakap ang isinalubong ko sa kanila. "Valentina! Anak ko." Umiiyak si Inang Farah habang yakap yakap ko. Inaalo naman sya ni Amang Rios. "Masaya po ako, dahil sa wakas makakasama na po namin kayo Ina." "Oo, Anak mabubuo na rin sa wakas ang ating pamilya. Ang yong Ama na si Rios, Ako, Ikaw at ang kambal mong si Lentina. Magkakasama sama na tayong apat." "Ha, apat? Ano po ang ibig nyong sabihin Ina?" Nagkatinginan ng may kahulugan ang aking Ama't Ina na lalong nagpaisip sakin ng mas malalim pa. Ng ibaling ko sa mga kasamahan namin ang nagtataka kong mukha, makahulugang ngiti lang ang isinukli nila sakin. Ano pa kayang inililihim nilang lahat sakin? May sekreto pa ba silang itinatago? Hindi na ako makapaghintay nasasabik na akong malaman ang lahat. "Tayo na sa Palasyo, dun masasagot ang lahat ng katanungan mo." "Opo, Ama." Nais ko mang magtanong pa sa kanila, pinigilan kong aking sarili. Nakaramdam ako ng sobrang kaligayahan ng pinagitnaan ako ng aking tunay na mga magulang, masuyong inakay palabas ng kagubatan, para tunguhin ang aming tahanan.. Kung saan paniguradong naghihintay na saming pagbabalik ang Hari at Reyna ng kahariang Secrecy. Excited na akooo... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD