Ang sekreto ni Valentina

1331 Words
"Pinagbubuntis ko pa lang ang mga Anak ko ng dinalaw ako ni Chloe, isa sa malalapit kong kaibigan na may kapangyarihang alamin ang hinaharap. Pinasilip nya sakin ang kinabukasan pag naipanganak ko na ang kambal. Sinabi nya sakin na may kasamang sumpa ang kambal, na may mahikang bumabalot sa pagkatao ng mga ito. Pero pinangako nya sakin na tutulongan nya akong mapalaya ang aking mga anak, na gagawin nyang lahat ng kanyang makakaya maging maayos lang ang kambal. Dahil sila ang itinakda na tagapangalaga ng Secrecy.. Sila ang magiging susi ng ating mundo." Pinalibot ni Inang Farah ang kanyang tingin sa buong bulwagan kung saan kompleto kaming lahat, huminto ang tingin nya sakin, nginitian nya ako, yung ngiti na may kasamang pagmamahal at pagsuyo. Habang magkatitigan kami pinagpatuloy nyang pagkukwento. "Dumating ang araw ng pagsilang nyo Val at Lentina. Nagulo ang orasyon na ginawa ni Chloe ng biglang maglaho ang tungkod nyang ahas na mahiwaga at makapangyarihan. Wala na kaming alam na iba pang paraan para mailigtas kayong dalawa, kundi ang sakupin kayo ni Chloe at pinagsama sa katawan nya bilang Valentina, ang inyong naging kanlungan. Ang kanyang diwa ay naglakbay para hanapin ang kanyang ahas na tungkod. Dahil sa ninanais kong maging normal kayong dalawa, bumuo kami ng plano ni Chloe na tanging dalawa lang kami ang nakakaalam. Subalit saming paglalakbay may bumihag sakin kaya kami nagkahiwalay." Lahat kaming nasa bulwagan ng Inang Reyna ay tutok na tutok kay Ina, habang isinasalaysay nyang buong katotohanan samin. "Bakit dimo sinabi samin ang lahat ng ito Farah? Sana nakatulong man lang kami sa inyo." "Napakakomplekado po Mahal na Reyna, Dahil natukoy namin ni Chloe ang may pakana ng lahat, kaya kaming dalawa na lang ang nagplano at kumilos. Natagalan man kami bago magtagumpay nagpapasalamat pa rin ako dahil buhay at maayos sila Val at Lentina. Salamat kay Chloe naging tapat syang kaibigan ko. At para makabawi naman ako sa mga nagawa nyang kabutihan sakin, sinikap kong mahanap at makuha ang kanyang mahiwagang ahas na tungkod, inabot man ako ng deka dekada sa paghahanap dito hindi naman ako nabigo." Nakangiting nilapitan ni Inang Farah si Amang Rios na naluluha sa narinig na salaysay nito, hinalikan at niyakap nya ito. "Anong ibig mong sabihin Farah?" Pinunasan ni Inang Farah ang mga luhang dumadaloy sa magkabilang pisngi ni Amang Rios. "Panahon na para mapalaya kong ating mga Anak Rios." Nakangiti si Ina na humarap sakin saka tumango, "Maaari bang magpalit muna kayo ng katawan ni Valentina, Anak? Kelangan ko ang presensya ng kanyang katawan." Tumango ako saka pinalabas si Valentina. "Katawan ni Valentina, nasa akin ng iyong tungkod, maaari na kayong makabalik ni Chloe sa dati." Inilahad ni Ina ang kanyang kamay, may tungkod na lumitaw sa kanyang palad, saglit lang yun.. dahil ang tungkod naging isang malaking ahas na pumulupot sa katawan ni Valentina. Isang orasyon ang sinambit ko bilang si Valentina. "Ako na kanlungan ng inyong diwa.. Binabasbasan ko kayong lumaya.. Sariling katauhan sa inyo'y pinagpala.. Namnamin ang hiwaga ng orkidyas na sa inyo'y nagtitiwala." Matapos kong sambitin ang orasyon ni Valentina, biglang kumawala ang diwa ko sa kanyang katawan. Isa pang orasyon ang narinig ko at sigurado akong boses na ni Valentina yun. "Ikaw, Ako, Tayo.. Mula ngayon kapalaran magbabago.. Sariling katauhan yakapin mo.. Kalayaang inaasam mapapasa'yo." Ako'y namangha ng magkaroon ako ng sariling katawan na nakayakap kay Valentina at habang yakap yakap ko pa sya. Unti unti nyang idinistansya sakin ang kanyang katawan, Hindi pa nga ako tuluyang nahihimasmasan. Umusal na naman sya ng isa pang orasyon. "Ikaw at Siya - Yun ang gusto mo.. Ikaw at Ako - Yun ang pinapangarap ko." Sa isang iglap iba ng kayakap ko. Sinundan ko ng tingin ang isa pang nilalang na humiwalay samin ng kayakap ko. At ang nilalang na yun ay naging dalawang salamangkera. Isang may nakapulupot na malaking ahas at yung isang napakagandang dilag na ngayon ko lang nasilayan. May orkidyas na nakapulupot sa kanyang braso at dun nagmumula ang walang kasing bango na halimuyak na pumupuno sa kapaligiran, Isang orasyon ang muli nyang binigkas samin ng kayakap ko na hinuha ko'y ang aking kakambal na si Lentina. "Sa taglay kong kapangyarihan.. Lahat ng orasyon binabasbasan.. Walang makakapagpabago na kahit sinuman.. Mananatili ito magpakaylanman." Lahat nakatingin saming apat, kagaya namin ni Lentina na manghang mangha sa lahat ng nagaganap. Kahit kami ni Lentina ay hindi alam ang gagawin, pareho kaming titig na titig sa isa't isa, mabuti na lang nagsalita si Inang Farah, narelax kami ni Lentina. "Chloe! Natutuwa akong nakabalik kana." Tinakbo ni Ina ang napakagandang babae na nakita ko sa balat ng lupa. 'Dyata't sya si Chloe? ' Nagyakap ang dalawa. Nanatili lang akong nakatitig sa salamangkerang walang katulad ang taglay na kagandahan. "Farah! Nagtagumpay tayo kaibigan. Salamat sa pagbabalik mo ng aking tungkod, mula ngayon mabubuo na si Valentina dahil nakabalik na ang kanyang diwa sa pamamagitan ng tungkod na makapangyarihan. At maging ako ay nakabalik na rin ng buong buo. Salamat at hindi ka bumitaw at sumuko, lalong lalo na sa'ting pangako." 'Syempre naman kaibigan, may tiwala ako sayo, na makakaya mong baguhin ang kapalaran ng mga anak ko. Masayang masaya ako, dahil makakasama ko na sila pareho, nabuo ang pamilya ko ng dahil sa'yo Chloe. Maraming maraming salamat sayo kaibigan ko." Nilapitan ni Reyna Kleio ang dalawang nagyayakapan, tinapik nito ang balikat ni Ina, saka inabot ang kamay ni Chloe, hinawakan nya yun ng may masuyong ngiti sa labi. "At bilang pasasalamat sa nagawa mong kabutihan sa Anak ko Chloe, humiling ka lang ng kahit ano, ipagkakaloob ko kaagad sayo." "Maraming salamat Mahal na Reyna, Mahal na Hari. Hindi po ako humihingi ng kahit na anong kapalit, masaya't kontento na po ako na nakatulong po ako sa inyo, wag nyo na po akong alalahanin, ikinagagalak ko ang kayo'y matulungan." 'Napakabait at napakabuti naman nya, sya ang pangarap kong makasama habang ako'y nabubuhay' "Tama ng titig Val, baka matunaw yang si Chloe sa nagbabaga mong tingin." Napabaling ako sa katabi kong nagsalita. Nakakailang ang kanyang presensya, pero masasanay din ako sa kanya, masaya ako't makakasama ko ng aking kakambal. Napakurap kurap pa ako ng mapagmasdan kong maigi si Lentina, 'Aba'y napakaganda pala ng aking kakambal, ibig sabihin gwapo rin ako! hmm.' Napatingin ako kay Chloe na nakatitig pala sakin. May kakaibang kislap ang kanyang mga mata na tila ba may nais syang ipahiwatig sakin. Kasunod nun may narinig akong boses saking isipan. 'Val, ako ito si Chloe, maaari ba tayong magkita sa talon? hihintayin kita dun..' 'Huh! Bakit naririnig kong boses mo saking isipan?' 'Dahil pinasok kong isipan mo para makausap ka ng sarilinan. Maghihintay ako sa talon Val, wag mo akong biguin dahil labis akong masasaktan. May nais lang akong tiyakin tungkol sating dalawa, kaya pakiusap puntahan mo ako sa talon!" Wala akong maisip na sasabihin kay Chloe, kaya tumango na lang ako. "Ngayong naganap ng dapat maganap, kami'y lilisan na ni Valentina, babalik na kami saming pinagmulan. Sakaling kakailanganin mong muli ang aking tulong Farah, alam mo kung san ako matatagpuan. Hanggang sa muli.. aking kaibigan, Paalam." "Maraming salamat sa inyo Chloe at Valentina. Hanggang sa muli nating pagkikita mga kaibigan, pagpalain kayo sa inyong paglalakbay, Paalam." Sa pag ihip ng mabangong hangin, sumabog ang halimuyak ng purple orchid, Kasabay nun ang paglaho nila Valentina at Chloe. "Val, Lentina! Mga Anak, sa wakas naging normal.din kayong dalawa. Masayang masaya ako ngayong buo na ang ating pamilya." "Napakaganda mo Lentina, mana ka sayong Ina" "Salamat po Ama." "At napakagwapo mo Val, manang mana ka sakin hahaha." Natatawa kong niyakap ang aking mga magulang, ganun din ang ginawa ni Lentina. Na ginawa rin ng Hari at Reyna. Napuno ng tawanan ang buong paligid ng bulwagan. Nasulyapan ko pa sina Inang Fierah at asawa nitong si Tiyo Axis, sina Karamel, Kiana at Adrea. Masaya kaming nagdiriwang ng muli kong marinig ang boses ni Chloe saking isipan. 'Val...' 'Chloe... parating na'ko.' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD