Secrecy

765 Words
"Lentinaaa, yuhooo.. Gising kapa ba? Si Akiro to." Hanep talaga tong syota ni Lentina Oo, hatinggabi na nambubulahaw pa. Hindi ko na sana papansinin eh, ang kaso sigaw ng sigaw sa labas ng bahay namin kaya napilitan nakong labasin. "Dude, gabi na ah, bakit nandito ka?" "Ikaw siguro si Val, ahm.. " Napakamot ito ng ulo. "Ako nga pala si Akiro." "Narinig ko! sinigaw mo na kaninang pangalan mo. O, anong atin? ba't ka napasugod dito? eh hating gabi na ah! dimu ba alam na nakakabulahaw yang boses mo ha?" Nagkamot na naman ito ng ulo. Mannerism na yata ito ni Akiro. "Pasensya na Val, gusto ko lang sanang makausap si Lentina. Maaari ba?" 'Ang kuleeet..' "Diba pedeng bukas na lang kung anuman yang gusto mong sabihin sa kanya? Tulog na kasi sya, saka magagalit yun kapag ginising ko pa, baka sipain pako nun." Kamot ulit... Hala sige, diba nagsusugat ang ulo nito? Panay kamot eh. "Kasi di nya sinasagot mga text at tawag ko sa kanya. Gusto ko lang malaman kung may nagawa bakong kasalanan, bakit nya ako iniiwasan? bakit nya ako pinahihirapan?" 'Wow ang drama nya ha! "Baka naman nakita ka nyang may kasamang ibang babae, di kaya ha?" "Di ah! Loyal kaya ako kay Lentina." Kamot na naman.. "Sure ka?" "Oo, bakit feeling ko pinag didiinan mong nag tataksil ako sa kapatid mo?" Tumaas ang kilay ko sa ending ng pagdadrama nya. "Ikaw nagsabi nyan di ako. Uwi ka na! bukas na lang kayo mag usap, agahan mo na lang ang punta dito para maabutan mo sya." Tinapik tapik kong balikat ni Akiro. Nakakaawa din ang lalaking ito. Nakayukong tumalikod na ito saka naglakad patungo sa sasakyan nyang nakaparada sa kabilang kalsada. "Val, samahan mo ako, Anak." Nagtatakang napalingon ako kay Inang, bakit gising pa ito? Saka parang balisa na naman. "Saan po Inang? Hatinggabi na po aalis pa tayo?" "May kelangan tayong puntahan, may gusto lang akong tiyakin, kaya tayo na Val." Wala nakong nagawa ng hilahin ako ni Inang patungong likuran ng bahay namin. Sumusunod lang ako sa bawat hakbang nya. "Karamel, halika na, kelangan nating magmadali baka mahuli tayo." Nalingunan kong sumusunod na samin si Karamel, wala itong imik na tila ba kaylalim ng kanyang iniisip. May hinawakan si Inang sa gilid ng pader na nagpahati dito. Tumambad sa harapan namin ang masukal na kagubatan na sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nakita at nalaman ang tungkol dito. "I-Inang" "Sssshh.. Sumonod kana lang." May biglang sumulpot na halimaw saming harapan. Napapiksi ako ng bigla nya akong lundagan. Napapikit ako't hinintay ang paglapa nya sakin, pero lumipas ng ilang minuto wala pa rin akong maramdaman, kaya idinilat kong aking mga mata. Nakita ko si Karamel na nakikipaglaban sa halimaw. "Val, halika na!" "Panu po si Karamel, Inang? Panay ang lingon ko kay Karamel na singbilis ng kidlat ang galaw at kilos. habang nakikipagtunggalian sa mabangis na halimaw. "Ayos lang sya, kaya wag mo syang alalahanin." Nagpatuloy kaming maglakad ni Inang, napatingala ako sa buwan ng magkulay purple ang paligid. "Inang, ang buwan! Bakit ganyan ang kulay ng buwan, Inang?" Hindi man lang huminto si Inang sa paglalakad pero sinagot nyang tanong ko. "Kasi Anak, nasa Secrecy na tayo." "Po!" "Marami ka pang makikita at matutuklasan sa paglalakbay nating ito. Adrea! Kumusta kana kaibigan.?" Bati ni Inang sa isang magandang babae na nakaupo sa damuhan at nakikipaglaro sa isang ibon.. Tumayo ito saka niyakap si Inang. "Mabuti naman ako kaibigan. Antagal na nung huli tayong nagkasama sa pakikipaglaban. San kayo patutungo Fierah?" "Sa palasyo kaibigan, gusto mo bang sumama?" "Oo naman, nasasabik na rin akong makabalik sayong tahanan Fierah." Nakasunod lang ako sa dalawang di maputol putol ang usapan. Nilibot kong aking tingin sa kapaligiran, mula kanina sa nadaanan naming masukal na kagubatan na ngayon ay napakagandang kapatagan. Napatutok ang tingin ko sa isang babaeng nakaupo sa lilim ng isang puno, puti ang mahabang buhok nito at sa kanyang harapan ay himas himas nya sa ulo ang isang puting aso. Mahaba haba na rin ang nalalakad namin at marami rami na rin ang mga nakikilala ko. "Val, nandito na tayo." "Po?" Tinuro ni Inang ang isang palasyo na lumitaw na lang bigla saming harapan. Diko man lang ito napansin dahil sa abala akong magmuni muni at tumingin saming kapaligiran. "Nandito na tayo sayong tahanan, Anak." Kaylapad ng pagkakangiti ni Inang sakin. Ganun din ang kanyang kaibigang si Adrea. May konting luha pang nakasilip sa gilid ng kanyang mga mata. Masuyo akong niyakap ni Inang saka sinabing... "Maligayang pagbabalik sa Secrecy, Valentina." ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD