"Val! Ano sama kana ba samin mamya ha?"
Diko pinansin si Rio, tuloy lang ako sa paninigarilyo habang sinusundan ng tingin ang grupo nila Maxine na palabas ng disco bar.
'Hayop kang babae ka, may araw ka rin sakin. Anlakas ng loob mong ipahiya ako. Tingnan lang natin kung makapagyabang kapa sa gagawin ko sayo.'
"Hoy! Tama ng titig na yan kay Maxine, hindi ka matitipuhan nyan, eh matayog ang ihi ng babaeng yan. Dika papasa sa matapobreng yan."
Napaismid na lang ako sa sinabi ni Z. 'Hah! Kelan bako nagpaapi at nagpa apak sa iba? Ako si Val, at katulad ni Lentina, walang makakahigit na kahit sino at kahit na ano, kapag nagsanib kaming dalawa at naging si Valentina.'
"Oy! Val, ngayon ko lang napansin, ganda ng contact lens mo ha! Purple ba yan? Astig! bagay sayo."
Pumikit ako bigla para pakalmahin ang aking sarili , minsan talaga nakakalimutan kong pag iiba ng kulay ang aking mga mata. Ewan ko ba kung bakit nag iiba ang lahat sakin kapag nagbabago ang emosyong nararamdaman ko? Nabalik ako sa kasalukuyan ng tapikin ni Rio ang balikat ko.
"Tara na Brod, may gig pa tayong pupuntahan, sayang din ang kikitain natin dun."
Dinampot kong electric guitar na isang linggo ko pa lang ginagamit, pinaka iingatan ko ito dahil regalo ito ni Inang sakin nung birthday ko. Alam kong matagal nya itong pinag ipunan at nakita kong pagsisikap at pagsasakripisyo nya sa paglalabada mabili lang ang gitarang ito.
"Sabi pala ni Vane del Valle, yung may ari ng Boyzone, regular na raw tayong tutugtog dun at titigil na raw sila sa pagba banda."
"Good news ito Rio! Makakaipon nako para sa kasal namin ni Pangga."
"Imbitado kami sa kasal Enzo ha! At kung kami ang tutugtog dapat may talent fee Brod."
"Syempre naman Rio, sino pa bang magtutulungan at magdadamayan kundi tayo tayo lang.. Diba, Val?"
Tumango na lang ako saka sumampa sa likurang upuan ng sasakyan ni Eman. Katropa rin namin.
"Archie, naayos mo na bang venue natin? Baka gulo gulo pa ha! Wala na tayong oras para mag ayos."
"Oo naman ako pa ba! Malinis at pulido pag akong gumawa. Kaya wag mo ng alalahanin pa yun."
Nakikinig lang ako sa usapan ng apat kong ka tropa. Abala ang isip ko kakaplano ng gagawin kong pagpapahirap kay Maxine oras na matyempuhan ko ito. 'Si Valentina ng maghahatol sa buhay nito.'
9:00 pm, last set na namin, wala akong pakialam sa aking paligid tuloy lang ako sa pagkaskas ng aking gitara habang sinasabayan si Rio sa pagkanta. Naririnig kong sigaw ng mga kababaehan sa pangalan ko, pero kahit sulyapan diko ginagawa. Ayaw ko ng masaktan tama ng minsang nadurog ang puso ko. Hindi lang puso kundi higit ang aking pagkatao.
"Maxine, mamya ha! punta kang despidida ni Chanda, dun na lang tayo magkita."
"Okey!"
Nabaling ang tingin ko sa mesa nila Maxine, kahit pa na medyo may kalayuan ang pwesto nila sa entablado, malinaw at dinig na dinig kong usapan nila. Saktong patapos ng tinutugtog namin ng makita kong nagsitayuan na sila Maxine. Sinundan ko ng tingin ang paglabas nila ng Boyzone.
'Kita na lang tayo mamaya Maxine, magpakasaya ka muna dahil ito ng huling gabi mo sa mundong ibabaw.'
"Val, sama kaba samin mamaya?"
"Kayo na lang muna Rio, kelangan kong tulungan si Inang, marami syang plantsahin kasi."
Tinapik ni Enzo ang balikat ko saka nauna ng naglakad matapos ligpitin ang instrumento nito.
"Sige, Brod, mauna na kami kita na lang tayo sa linggo."
Tumango ako kay Archie saka bumaba na rin ng entablado. Dere deretso akong lumabas sa backdoor. Naririnig ko pa rin ang usapan nila Maxine. Ganun katalas ang pandinig ko, na kahit milya milya pang layo na kinaroroonan ng taong ninanais kong marinig, ay maririnig ko pa rin ang bawat bigkasin nitong salita. Sumampa nako saking motorsiklo at pinaharorot ito patungo sa kinaroroonan ni Maxine. Dun na ako maghihintay sa pagsapit ng hatinggabi.
'Kelangan mapalabas ko si Valentina mamaya, dahil tanging sya lang ang makakapagbigay ng tamang parusa sa ipokritang Maxine na yun.'
Ang bilis ng takbo ng oras diko namalayang 12 midnight na pala. Sumilip ako mula sa pinagkukublihan ko, mula dito ay malinaw na nakikita ko si Maxine at ang kahalikan nitong manyak, na halos mayupi ng katawan ng dalaga sa higpit ng pagkakayakap nito. Kumuyom ang kamao ko at mula dun ay may lumitaw na kulay purple na usok, bumalot ang makapal na usok saking katawan, saglit lang yun at nawala rin. Humalimuyak ang bango ng purple orchid sa paligid kasabay ng pagpapalit namin ng anyo ni Valentina. Tanging diwa ko na lang ang gumagabay kapag sumanib nako kay Valentina. At kapag ganap na naging Valentina nako, madali na para sakin ang gawin kung anumang naisin ko. Nag umpisa nakong maglakad bilang Valentina patungo sa dalawang abala sa makamundong kaligayahan.
"G -- Gary, umuwi na lang kaya tayooo.. ohhh, b -- baka kasi may makakita satin ditoo... haaah."
"f**k! Sa susunod wag ka ng magsusuot ng pantalon, ang hirap hubarin fitted pa, shit."
"Aray! Dahan dahan naman sa paghuhubad sakin Gary, magsusugat na naman yang balat ko sayo eh."
"Puro ka satsat, tumulong kana lang kaya, para mahubad na nating sabay ang mga damit natin."
'Sige lang ipagpatuloy nyu lang yang ginagawa nyu, dahil ito ng huling kaligayahan na mararanasan nyo.'
Umusal ako ng isang orasyon, hawak ang purple orchid ay dahan dahan akong naglakad ng may distansya sa dalawang abala pa rin sa kanilang romansa.
'Orkidyas na walang katulad ang bango..
Sumabay ka sa hangin isabog ang kariktan mo...
Insektong korting uod ay isabog mo...
Sa maiitim ang budhi, sila'y burahin mo sa mundong ito.'
Ramdam kong pagkalat ng kariktan ng purple orchid sa paligid, ibinubulong ng hangin ang panaghoy ng kamatayan na magaganap maya maya lang. Patuloy lang ang aking mabagal na paglalakad habang malinaw kong naririnig saking isipan ang boses ng dalawang nilalang na maglalaho ngayong gabi.
"Hmm ambango naman, kaya ako nababaliw sayo Maxine eh, napakabango mo talaga... Hahh haahh."
"G - Gary, sandali! Time first muna't nangangati ang balat ko."
"Aray! Ako rin Maxine, parang may nangangagat at sumisipsip sa balat ko. Ansakit pucha! ahhhh."
Dinaanan ko lang ang dalawang hubo't hubad na namimilipit sa sakit. Ni hindi na ako nag abalang lumingon pa kasi alam ko namang saglit na lang at maglalaho na silang dalawa. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, habang unti unting naglalaho ang halimuyak ng purple orchid, nagbabago na rin ang aking katauhan. Bumabalik nako sa pagiging Val.
"Tulooonng! Miss, please tulungan mo naman kamiii.. Araayy.. Gary, andaming uod eeeehh.. araayy."
Patas na tayo Maxine, bayad kana sa lahat ng pang aalipusta at pang mamaliit mo sakin. Yan ang nababagay na kaparusahan sa mga katulad mong maiitim ang budhi. Sumalangit nawa ang inyong kaluluwa, kahit na hindi naman kayo nararapat na mapunta doon. Dahil ang mga katulad nyung maiitim ang budhi ay matagal ng nakatala sa impyerno.
Naningkit ang aking mga mata
Sumilay ang misteryosong ngiti sa aking labi
Sumabog ang halimuyak ng purple orchid sa aking paligid
Sa mga oras na ito nagdidiwang ang buo kong pagkatao
Walang sinuman ang makakapanakit at makakadaig sa akin. Hindi ko hahayaan ang sinuman na ako ay sirain, Dahil...
Ako si Valentina
Ang magpaparusa at hahatol sa'yong hiram na... Buhay.
?MahikaNiAyana