Marka

1281 Words
"Halika na Valentina, baka di natin maabutan si Rios." Nagtatakang bumaling ako ng tingin kay Inang na aligagang nagliligpit ng mga gamit namin, pinagsasalpak nya lang sa isang malaking bag ang sa tingin nyang kakailanganin namin. "Eh Inang, may pasok pa po ako, dina ako pwedeng umabsent at baka po masensante ako, mahirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon." "Wag ka ng magreklamo Valentina, mas mahalaga pa sa trabaho mo itong lalakarin natin." Napakamot na lang ako ng leeg ko sa inis, siguradong wala na akong babalikang trabaho nito. "Tao po! Lentina nandyan kapa ba? Si Akiro ito, tao po!" 'Naku! Isa pang stress ng buhay ko itong si Akiro, ang kulit naman kasi sinabi ng no love life muna ako sige pa rin ng sige, hayy.. buhay parang life lang.' "Wala ako dito, kaya umuwi kana Akiro. Ke aga aga sinisira mo ng araw ko." Natisod ko pang paanan ng upuan ng hilahin nako ni Inang palabas ng bahay namin, huuu.. sakit ng paa ko huhu. bitbit nyang malaking bag na kinuha ko sa kanya habang ikinakandado nyang pintuan namin. "Lentina! Ang ganda ng araw ko, kasi nasilayan kong isang dyosang kagaya mo." Hinarap ko si Akiro at tiningnan mula paa hanggang ulo. Sa totoo lang pasadong pasado naman sa standard ko itong singkit na ito, gusto kong porma nyang rugged, looks nyang pang goons, medyo mahangin nga lang, pero may ipagmamayabang din naman. Kaya lang walang spark eh, diko maramdaman yung sinasabi nilang naghahabulang daga saking dibdib, yung nagliliparang paroparo saking tiyan, yung kuryenteng magpapanginig sakin at yung bituin na kikinang saking paningin. In short.. waleey talaga. "Tita Fierah, magandang umaga po sa inyo, may lakad po ba kayo? Ako na lang po maghahatid sa inyo." Pa impress pang loko, kala mo naman makakalusot kay Inang ang kahanginan nito. "Salamat na lang Iho, kaya na namin ni Valentina ito. Ay Sige, mauna na kami sayo ha, mag iingat ka sa pagmamaneho." Kakamot kamot pa ng kanyang ulo si Akiro, siguro may kuto haha, nagpapaawang tumingin pa sya sakin, kaagad ko namang inilabas ang dila ko. "Beeh, belat mo.. haha uwi kana lang Akiro, bye bye." Tumalikod na kaagad ako't nagmadaling sumunod kay Inang, na diko maintindihan hanggang ngayon kung bakit napakabilis talaga nitong kumilos, ang paglalakad nya ay pagtakbo na sakin. Ganyan si Inang kapag may inaalala O mas tamang sabihin na may iniiwasan at kinatatakutan. "Inang, sino naman po si Rios? Kamag anak po ba natin sya?" Hindi man lang umiimik si Inang, tuloy lang ito sa paglakad at ako naman ay sa pagtakbo, napansin kong mailap ang kanyang mga mata at napamulagat ako ng makita kong biglang nagkulay purple ang mga mata nito. May naamoy akong kaiga igayang halimuyak ng orchids. Napahinto ako sa paglalakad ng may lumitaw na isang nilalang saming daraanan, kasabay nun ang makapal na puting usok na pumalibot samin "Inang!" Nahihintakutang tawag ko bigla kay Inang, hinawakan ni Inang ang aking mga kamay, napakainit ng kanyang palad, ramdam ko ang tensyon saming paligid. "Rios! Pasensya na kung nahuli kami ng dating." 'Hala! Sya si Rios? Bakit kakaiba ang kanyang kasuotan? Kahit ang kanyang anyo ay kakaiba, perpektong perpekto, napakakinis. At ang kanyang buhok ay kay puti na kumikinang kinang kapag tinatangay ng hangin. Hindi sya tao lalo na't kakaiba ang amoy nito, humahalimuyak ang dapyo ng hanging napakabango, tila pinapakalma nito ang nanginginig kong mga laman. ' Tumingin ako sa white fox sa kanyang kanang balikat, hindi ito peke totoong totoo ito. "Fierah" "Maaari na ba kaming bumalik sa Secrecy Rios?" "Hindi pa maaari Fierah! Hanggang ngayon tinutugis pa rin kayo ni Farah. Mag doble ingat kayo dahil nakuha na nyang simpatya nila Quinn at Reil." Lalong dumami ang usok na pumapalibot samin. Nakita kong pamamawis ni Inang na ipinagtaka ko, dahil kahit kelan hindi ko pa sya nakitang namawis ng ganito kahit marami syang trabaho hindi pinapawisan si Inang ng basta basta. Bawat butil ng pawis ni inang ay kumikinang na parang isang brilyanteng may kalidad, ika nga kung isasanla sa Cebuana O Palawan malaking halaga ang kapalit ng bawat butil nito. "Anong gagawin ko Rios? Habang tumatagal lalong nadadagdagan ang suliranin ko, lalong bumibigat ang tungkuling iniatas sakin. Hindi ko ito makakayang mag isa Rios, hindi ko kaya." Yumuko si Inang kasabay nun ang paglaglagan ng mga brilyanteng iba't iba ang kulay. Anong nangyayari, bakit ganito ang mga nagaganap? Bakit ang mga luha ni Inang ay nagiging brilyante kapag bumagsak na sa lupa? Ano ba si Inang? Anong klase ba kami na nilalang, tao ba talaga kami O engkanto? Anuba talaga? Mababaliw nako kakaisip ng biglang maglaho si Rios saming harapan, napaawang na lang ang bibig ko ng lumitaw ulit sya, at ngayon ay yakap yakap na nya si Inang, pinapakalma. "Huminahon ka Fierah, pakiusap! Hindi makakabuti kung paiiralin mong iyong emosyon, alalahanin mo si Valentina, hindi pa napapanahon para matunton sya nila Farah. Alam mong mahalaga sya sa Secrecy kaya pakaingatan mo sana sya." Nakatingin lang ako sa dalawang tila solo ang mundo, nag momoment ang mga ito samantalang ako, parang mabibiyak ng ulo ko kakaisip ng sagot sa mga tanong na gumugulo sa utak ko. "Paano Rios? Paano ko sila lalabanan sakaling masukol na nila ako? Anong magagawa ko sa tatlong makapangyarihang yun, ha Rios? Ni wala akong sandatang panlaban, kulang ang kapangyarihan ko kumpara sa tatlong yun na nagsasanib pwersa laban sakin. Rios naman... para lang akong langgam sa paningin nila alam mo ba yun?" "Magtiwala ka lang sa kakayahan mo Fierah, asahan mong sa oras ng yung kagipitan may tulong na dadating tandaan mo yan. Hanggang sa muli nating pagkikita, Paalam na muna Fierah, mag iingat kayo ni Valentina." Sa paglaho ni Rios, naglaho na rin ang makapal na puting usok na kumubli samin. Nilapitan ko si Inang na ngayon ay nagpapahid ng kanyang mga luha. Ang mga brilyante na nagkalat sa lupa ay kusang naglalaho. Napapalatak na lang ako habang pinagmamasdan ang paisa isang paglaho ng mga brilyante. "Sayang.. di man lang ako nakakuha kahit isa man lang, sana may naisanla nako sa Cebuana solb na sanang aking problema sa pera. pufff.." Narinig kong pagtawa ni Inang kaya natawa na rin ako. Ramdam kong ok na sya ulit at masaya ako, kasi bumalik na sa dati ang Inang ko. "Ikaw talagang bata ka! Hindi naman maaaring biglang yayaman kana lang ng hindi mo pinaghihirapan, alam mo ang buhay dito sa mundo ng mga tao, ibang iba sa mundong pinanggalingan mo." "Ano ho yun Inang? Diko po na gets ang ibig nyung sabihin sakin, paki simplehan naman po, para maintindihan ko po kaagad!" Nakita kong ngumiti si Inang ng may kislap ng paghangang mababasa sa kanyang mga mata. Niyakap nya ako ng mahigpit saka hinalikan ang gilid ng aking ulo. "Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mong lahat Valentina, dadating ang araw na kusang matutuklasan mong hiwagang bumabalot sayong tunay na pagkatao." "H- Ho?" Biglang umihip ang malamig na hangin napapiksi ako ng may dumikit saking braso, sinalat kong aking balat at sinuri, isang marka ang nakadikit dun. Napabaling ang tingin ko kay Inang na nakangiti sakin, hinaplos nyang aking braso kung saan dumikit ang marka. "Secrecy." Kasabay ng pagbigkas ni Inang nun ang pagdilim ng aming paligid nasapo kong aking baba ng may lumitaw na purple orchids saking kamay. Naluluhang aking mga matang tumingin kay Inang na kaylapad naman ng pagkakangiti sakin. "Palagi mong tandaan ito Anak, Ikaw si Valentina. Walang sinuman ang makakapanakit at makadadaig sayo. Dahil ikaw ang magpaparusa at hahatol sa lahat." "Po! Anu pong ibig nyung sabihin Inang?" "Malalaman mo rin, sa takdang panahon, Anak." Nakangiting hinila na'ko ni Inang pabalik sa bahay namin. 'Wow! Meganun talaga? Wafak! Ahuhuuy...' 💃MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD