Larawan

783 Words
Kanina ko pa tinititigan ang kwadrong ikinabit ni Inang sa sala namin. Talagang nag effort si Inang sa pagpagawa nito, kasi napaka ganda ng kuha ko sa studio nila Darius sa bayan. At take note! libre yan, walang bayad. "Baka maglaho na iyang larawan kakatitig mo dyan, Lentina hahaha." Inis kong nilingon si Akiro na bigla bigla na lang sumusulpot na parang kabute. Ni hindi man lang kumatok sa pintuan namin, basta na lang pumasok ang kumag nato, ah. "Hoy, ikaw ha, napipikon nako sayo, ba't ka basta na lang pumapasok sa bahay namin ha? Feeling mo close tayo, na dere deretso ka lang dito sa loob ng bahay namin." "Teka lang naman Lentina, kanina pa kaya ako kumakatok sa pinto nyo. Eh, parang wala ka naman kasing naririnig eh! kaya, pumasok na lang ako. Sorry!" "Bakit ba nandito kana naman? Bubwesitin mo na naman ba ako, ha? Umalis kana nga." 'Lentina, hindi ganyan ang tamang pagtrato sa bisita.' Natahimik ako bigla ng marinig kong boses ni Inang, luminga linga ako sa loob ng bahay pero diko naman makita si Inang. Pero dinig na dinig kong boses nya, malinaw na malinaw ang pagbigkas nya ng mga salita. At alam kong di nya nagustuhan ang inasal ko kay Akiro. Naku! naman.. baka parusahan ako ni Inang. "Anong sadya mo dito Akiro? Anu na naman yang binabalak mo ha?" Napakamot na naman sa ulo, naku! siguradong marami itong koto, O baka balakubak, kaya parating nagkakamot ng ulo. "Wala naman, gusto ko lang yayain kang mamasyal, Ahm... kung gusto mo lang naman, kung ayaw mo, di kita pipilitin. Sige, alis nako, Lentina." Abah at nag drama pang bakulaw na ito ah, teka nga't masubukan kung hanggang saan ang tiyaga nito sakin. "Tara pasyal na tayo, pero libre mo lahat ha!" Kitang kita ko ang pag ngiti ng malapad ni Akiro, napatalon pa ito at napasuntok sa hangin. Pambihira, ibang klase talaga ang isang 'to, may sayad. "Yes! Yes, yahooo.." "Ansaya natin ah! Parang nanalo lang sa lotto ganun! Over kana Akiro, Owber.. kana." Pigil ko ang tawa sa nakikitang reaksyon ni Akiro, mababaw lang talaga ang kaligayahan ng lalaking ito. Si Akiro, ang klase ng lalaking madaling patawanin, madaling pasayahin, madaling palungkutin, madaling utuin at higit sa lahat madaling saktan ang damdamin. Malakas ang aura na nakapalibot dito, yun ang makikita sa panlabas nitong anyo, pero sa kaloob looban ni Akiro, para itong isang bulak.. napakalambot. "Basta't pagdating sayo Lentina, Over talaga ako. Over protective, over reacting, over flirting, over caring, over understanding at higit sa lahat over loving hahaha." "Hep! may nakalimutan ka pang banggitin." Kumunot ang nuo ng loko saka malalim na nag isip. Natatawa talaga ako kapag ganitong hitsura ni Akiro. Parang tanga lang, este! parang gwapong tanga lang, yun, ganun ang tamang eksplinasyon dun. "Wala akong maisip, anupa bang kulang sa mga nabanggit ko na, Lentina?" "Over mahangin.. hmm" Pinisil kong ilong nya saka ko sya tinalikuran, naglakad nako palabas ng pinto. Napangiti na lang ako ng malingunan ko syang nagkakamot na naman ng ulo. Hay, buhay ng maraming balakuto haha. "Hoy! Bilisan mo na, mamya tamarin ako, mamasyal kang mag isa, sige ka." "Abah! wala ng bawian uy, kala mo hahayaan kitang magbago ng isip? No way! Over my delicious body. Pak! Ganurn." Hinampas pa talaga ng loko ang puwet nito, kaya ayun diko na napigilang mapatawa ng malakas. "Hahaha. Sagwa, baklang bakla." "Oh, kitam! Napatawa kita? Ganyan ka dapat eh, yung palaging nakangiti, kasi di bagay sayo ang nakasimang. Di bagay sa kadyosahan mo." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Akiro, itong pinakagusto ko sa ugali nya, napaka masayahin nya, parang walang problemang iniinda, kahit na broken family sila. Diko man lang nakita si Akiro na nadepressed. O baka magaling lang talaga itong magtago ng emosyon. "Let's go! gorgeous, haranahin natin ang mga ibon sa park." "Ikaw at ang ka weirduhan mo, haizt, tara na nga." 'Mag iingat ka Lentina, nasa paligid lang sila!' Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko na naman ang boses ni Inang. Nabangga tuloy ako ni Akiro, na nakasunod lang sa likuran ko. Magsasalita pa sana sya ng takpan kong bibig nito. "Shhh... Akiro, may narinig ka bang boses?" Nakita kong bigla syang natigilan at namutla, kaya kaagad kong iniba ang tanong ko sa kanya. "Akiro, meron ka bang lapis?" "Ha! Anong gagawin mo sa lapis?" "La lang, tetestengin ko sanang lagyan ka ng bigote kung babagay ba sayo." "Hay naku! Halika na nga! Ako na naman pagtitripan mo." Nauna na syang naglakad sakin, samantalang ako ay palinga linga pa rin at malalim ang iniisip. 'Hay, sakit sa ulo, yoko ng mag isip kaya please lang mga tanong, tantanan nyu na akoo.' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD