Nakaupo lang ako sa isang bench habang pinagmamasdan ko si Akiro na nag gigitara sabay kanta ng 'Simpleng Tao', aaminin kong hanga ako sa boses nya, mapa rap man O kahit anong tuno at tema, kayang kaya nya. Ngayon ko lang nalaman, may talent din pala sa pagkanta ang mayabang na'to.
♪ ♪
Habang tumutunog ang gitara sa 'kin, makinig ka sana
Dumungaw ka sa bintana na parang isang harana
Sa awit na aking i-sinulat ko kagabi
'Wag sanang magmadali at 'wag kang mag-atubili dahil...
Kahit na wala akong pera
Kahit na butas aking bulsa
Kahit pa maong ko'y kupas na
At kahit na marami d'yang iba♪ ♪
Ganito man ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo (ay ang...)
Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Na umaasa hanggang ngayon
Hindi mo namang kailangan ang sagutin
Ang aking hinihiling
Nais na maparating
Na 'di na muli pang dadaloy ang luha
Pupunasan nang kusa
'Di kailangang manghula
Kahit pamasahe lang ang palagi kong dala
Upang makasama ka
Kapag nakikita ka♪ ♪
Lagi kang aalalayan kahit ano man ang 'yong
Mga ibinubulong
Malalim pa sa balon
Ito lamang ang...♪ ♪
Napansin kong parami ng parami ang taong nakiki usyoso samin, yung iba pumapalakpak, yung iba naghahagis ng pera sa paanan namin ni Akiro, may naririnig pa akong nagbubulungan na, 'gwapo, macho, cute, fafalicious, fabulous at kung anu anu pang mga comment ng mga usesero't usesera na nakapaligid samin. Panay naman ang kindat ni Akiro sakin twing magtatama ang aming paningin, irap naman ang sagot ko sa kanya.
♪ ♪
Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Humingi na ba ng saklolo
♪ ♪
Kay Spider-Man o kay Batman
Kay Superman o Wolverine
Kahit 'di maintindihan
Baka sakaling pansinin
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo (ay ang...)
Ko sa 'yo, ito'y totoo♪ ♪
Wala nang iba, ikaw at ako
Lang ang nasa isip at panaginip
'Pag nakikita ka, sasabihin ko'y
Nawawala, ikaw na nga
Ang dahilan kung bakit nasulat ko ang tulang
Kahit kanino ay aking maipagyayabang
Minamahal kita subalit tanggapin mo sana kahit...
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo (ay ang...)
Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo
Pag-ibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Na umaasa hanggang ngayon sa pag-ibig mo
♪ ♪
"Maraming salamat po, sa inyong lahat people! wooh..."
Malakas na palakpakan ang premyo ni Akiro sa lahat maliban sakin. Matapos nyang magpasalamat at sumalodo sa mga tao, nagsialisan na din ang mga ito.
"Ayos bang boses ko Lentina? pwede na bakong mag recording ha?"
"Di maganda, ansakit nga sa tenga eh!"
"Ganun? Kaya pala andami kong audience, kasi boses palaka pala ako, hahaha."
"Talaga!"
Luminga linga ako sa paligid ng park, konti lang ang namamasyal lalo na sa pwesto namin walang masyadong tao. Kinalabit ko si Akiro na tumitipa tipa sa kanyang gitara.
"Alam mong tugtugin yung kantang 'Ang tipo kong lalaki?"
Nakataas ang kilay ni Akiro na tiningnan ako, na para bang nagtatanong ng 'seryoso? yun ang kantang gusto mo?' Pero sa halip, iba ang tanong na lumabas sa bibig nito.
"Kakanta ka ba?"
"Syempre naman, bakit! gusto mo ikaw lang? diba jamming nga tayo ngayon nakalimutan mo?"
"Nope, hindi lang ako makapaniwala na kakanta ka sa harap ko hehe."
"Hmp, kung ayaw mo di wag."
Tumayo nako, balak kong mag walk out, pero naagapang hawakan ni Akiro ang braso ko kaya napaupo ulit ako.
"Eto naman, bilis magtampo. Sorry na! Bati na tayo ha!"
Diko sya pinansin, inayos nyang kanyang gitara saka nag umpisang tugtugin ang intro ng gusto kong kanta.
"Oh, prinsesa, ready na malapit ka ng pumasok, bibilang ako ha, in one... two... tree.."
Napangiti na lang ako sa inasal ni Akiro. Sinabayan ko sa pagkanta ang pagtugtog nya.
♪ ♪
Kahit hindi gwapo♪ ♪
Kahit na 'di matalino
Basta't siya ay may puso
Siya pa rin ay gugustuhin ko
Hindi kinakailangang
Masunurin sa magulang
Basta't siya ay magalang
At mapagkakatiwalaan
Kahit hindi gwapo
Kahit na 'di matalino
Basta't siya ay may puso♪ ♪
Siya pa rin ay gugustuhin ko
Umiinom man ng marami
Kahit na ba balde-balde
Basta't hindi lassenggo
Umiinom pero 'di lassenggo♪ ♪
♪ ♪
Titig na titig sakin si Akiro, habang ako'y kumakanta. Nagniningning ang mga mata nito sa katuwaan. Panay naman ang pagme make face ko sa kanya kapag may pagkakataong instrumental ang tugtog. Malakas naman syang tatawa kapag ginagawa ko yun sa kanya.
♪ ♪
Kahit hindi gwapo
Kahit na 'di matalino
Basta't siya ay may puso
Siya pa rin ay gugustuhin ko
Manuntok man ng tao♪ ♪
Basta ba nasa katwiran ito
Manapak man ng gago
Basta't hindi ba basagulero
Kahit hindi gwapo
Kahit na 'di matalino
Basta't siya ay may puso
Siya pa rin ay gugustuhin ko
Ayaw ko sa sobrang maginoo
Dahil baka ako ay mabato
Ang tipo kong lalake
Ang tipo kong lalake♪ ♪
Ang tipo kong lalake medyo bastos
Maginoo pero medyo bastos
Maginoo pero medyo bastos
♪ ♪
"Witwew, Wow! Na surprised ako sa ganda ng boses mo Lentina, ang galing mo palang kumanta? From now on ako ng #1 fan mo."
"Sira" inirapan ko si Akiro, ewan ko ba kung bakit bigla akong nailang sa mga titig nya sakin.
"Lentina!"
Nagulat ako sa paraan ng pagtawag nya, kaya bigla ko syang nilingon.
"Gotcha! Sa wakas nakunan rin kita ng picture. Thanks Lentina."
Hindi man lang ako nakahuma ng picturan nya ako, naisip ko bigla kung ano bang hitsura ko dun, bahagya pa naman akong nakanganga. Kainis talaga tong si yabang.. kuuu.
"Fantabulous! Mala dyosa talagang ganda mo Lantina, tingnan mo oh."
Bigla kong inagaw ang cellphone na hawak nya, balak ko sanang i delete yun, kaso ng makita kong kuha nya, kahit ako napahanga. Hindi ako makapaniwala na ako yung nasa picture. Napasimangot ako bigla ng mapansin kong pangalan naming dalawa.
"At bakit may pangalan pa? Anong purpose naman nito?"
"Secret! Sakin na lang yun. Akin na nga yang cellphone ko, baka idelete mo pang kuha ko sayo eh."
Bigla nyang inagaw ang cellphone, sabay hablot ng gitara nyang nakalapag sa bench, pagkatapos nun kumaripas na sya ng takbo palayo sakin.
"Thank you Lentina, see you tomorrow... Bye"
Huh? Talaga! Iniwan lang ako basta dito? Humanda ka saking singkit ka, lalo kung paliliitin yang mga mata mo para mahirapan ka ng makakita. Huuuu.. kainis ka talaga.
Biglang umihip ang malakas na hangin kasabay nun ang pagsangsang ng nakakadiring amoy. Napatayo ako bigla, saka dali daling naglakad pauwi samin. Hindi maganda ang nararamdaman ko. May panganib na hatid ang simoy ng hangin. Nakakakilabot kaya nagpasya nakong tumakbo ng mabilis marating ko lang ang bahay namin, siguradong mapapanatag na ako't ligtas kapag nakita't nakasama ko na si Inang.
'Ang pinakamamahal kong si INANG...'
?MahikaNiAyana