Final Chapter

1479 Words
Sa sobrang dami kong ginagawa at sa sobrang dami kong gustong gawin. Wala na akong panahon para magka relasyon, kahit gustuhin ko man. Tropa ang karamay, maibsan lang ang lumbay. Kulitan at tawanan dulot ng saglit na oras na kami'y magkakasama sama. Ang tanong sakin palagi ni Lentina. "Bakit hindi mo ba kayang pagsabayin ang relasyon at mga interesadong bagay na gusto mong gawin sa buhay mo?" Sagot ko: "Hindi pa" Pero sa totoo lang ayaw ko lang talagang magmadali, para kasi sakin bukod sa pagmamahal, tiwala, at respesto na pede mong ibigay sa taong mahal mo. Gusto ko rin ilaan sa kanya ang isa sa mga bagay na napaka importante para sa akin. At yun yung oras at atensyon ko, na alam ko na hindi ko pa maibibigay sa ngayon. Pero madalas naiisip ko.. Paano kaya no? kapag nagkarelasyon ako. Magiging masaya ba? Mawawala nga ba ang lumbay na aking nadarama? Madalas kong isipin lalo na kapag musika lang ang aking tanging kasama, "ang pangarap kong relasyon.", Yun ay ang makasama ang tanging babaeng minamahal ko ng tapat. At maghihintay pa rin ako sa kanyang pagbabalik.. Ang pangarap ko kasing relasyon. Yung simple lang, yung may oras kapag kinailangan ang bawat isa. Yung iingatan ko sya at iingatan nya rin ako, hindi man lagi magkasama, basta hindi makakalimutan ang salitang binitawan para sa isa't isa. Pinag kakatiwalaan ko sya at pinagkakatiwalaan nya rin ako, malayo man o malapit ang distansya sa isa't isa, hindi ito magiging dahilan upang mabawasan ang pagmamahal na nilalaan para sa isa't isa. Hindi kami magmamadali at sa halip ay gagamitin namin ang oras para mapuno ng masayang alaala ang mga araw na kami'y magkasama. Magiging kuntento sa mga bagay na pede naming gawin sa edad namin ngayon. Dahil para samin, mas importante yung napapasaya namin ang isa't isa, kahit sa mga simpleng bagay lamang. Sabihin man ng iba na mababaw ang kaligayahan namin, wala naman silang ideya sa dulot na saya ng mga bagay na yun para samin. Hindi kami maghahangad ng mga bagay na hindi pa namin kayang gawin. Mananatili kaming kuntento at may pasensya habang hinihintay ang tamang panahon. Kapag dumating na ito.. hahawakan namin ang kamay ng isa't isa at haharap sa Diyos na may ngiti sa aming mga mukha. Alam naming hindi magiging madali ang pagtahak sa daan na ito. Pero kung kasama naman namin ang isa't isa at magkakasundo sa mga plano para saming dalawa. Hindi naman siguro imposibleng makamit ang munting pangarap na pinaka inaasam ng kahit sino mang magkasintahan. Walang imposible kung gugustuhin. Hindi man maging perpekto ang aming relasyon, kung husgaan man kami ng iilang mata, basta ang mahalaga.. meron kami na wala ang iba, at yun ay ang isa't isa. Simple lang ang pangarap kong relasyon, basta kasama ang mahal ko at mahal rin ako. Kaso wala eh, wala pa, hindi pa sya bumabalik. Pero ang sarap isipin no? ang swerte ko kung sakali man mangyari, sa totoo lang marami pa akong gustong ikwento kaso kailangan ko ng umalis. Babalik nanaman ako sa reyalidad ng buhay kung saan malayo sa pangyayari sa aking isipan. Sa aking isipan kung saan nagkakaroon kami ng ugnayan ni Chloe. Simula ng huli naming pagkikita sa Talon, nawala na lang bigla si Chloe na parang bula. 'Mahal ko, hanggang kailan ba ako maghihintay sa iyo? Sana bumalik kana at tuparin mong iyong pangako! Nasasabik na akong mayakap at mahagkan kang muli.' Kasabay sa pag ihip ng mabangong hangin, nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ang isang pamilyar na boses. "Val... aking pinakamamahal." "Chloe! Nagbalik ka!" Tinakbo kong aming pagitan saka mahigpit ko syang niyakap. "Kaya kitang tiisin, pero hindi ibig sabihin non, hindi kana mahalaga sakin" Mas lalong sumaya ang puso ko dahil sa kanyang mga sinabi. "Binalikan mo ako! ibig bang sabihin nito ay mananatili kana sa piling ko?" "Hindi lang ang pangako ko sayo ang aking tutuparin Mahal ko. Mula ngayon hinding hindi na ako mawawalay pa sayong piling. Magkakasama na tayo maging sa kabilang buhay natin." Nakaramdam ako ng kaginhawahan at katiwasayan ng marinig kong mga sinabi ni Chloe. Totoo ngang sabi ni Lentina na.. 'kapag marunong kang maghintay, makakamit mo ang kaligayahang tunay.' Mabuti na lang at sinunod kong kanyang payo. "Hanggang sa kabilang buhay mahal ko!.. hmm." 'Hiling ko na sana makamit mo rin ang kaligayahang tunay, Lentina. Na sana si Akiro ng iyong tadhana. Para pare pareho tayong masaya't maligaya.' ?❤ VAL❤CHLOE ??? Sa bawat araw na nagdaan ay marami nang pagbabago ang nangyari. Ang mundong ginagalawan ko ay muling nagkakaroon ng kulay. Ang mga tao sa paligid ko'y muling nanunumbalik ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Nagkaroon muli ng ingay ang tahimik kong buhay mula nang mawala ka. Kasabay nang paglisan mo ay ang paglayo ko sa kasalukuyan at pagbalik sa ating nakaraan. Tila tumigil ang mundo ko mula noon. Nawala ang ngiti at napalitan ng lungkot at pighati. Kinulong ko ang aking sarili sa katahimikan. Mas pinili kong mapag-isa at lumugmok sa isang sulok, upang umiyak na parang walang katapusan. Isang araw, nagising na lang ako na magaan ang pakiramdam. Muli akong naakit sa ganda nang papasikat na Haring Araw. Hindi ko namalayan ngumingiti na pala ako. Siguro naubos na ang aking luha. Napagod na siguro sa akin ang Maykapal sa araw-araw kong pagtangis na sana ika'y manumbalik. Hindi ka man Niya binalik, pero lubusan na kitang nalimutan. Kaya heto ako ngayon - masaya. At sana ikaw rin Akiro, kung nasaan ka man. Natigil ang pag eemote ko ng marinig ang isang pamilyar na boses. "Tao po! Lentina, yohooo I'm back! Lentinaaa nandyan ka ba?" "Akiro? Boses yun ni Akiro, ah!" Kandatalisod pako kamamadali para mabuksan ko lang kaagad ang pinto. Mula sa malapad na pagkakangiti ni Akiro, napalitan ito ng simangot matapos ko syang sampalin para makasiguro akong totoo sya at hindi isang ilusyon ko lamang. "Aray ko naman Lentina, kakaiba ka talaga sa lahat ng sinurpresa ko. Para saan naman ang sampal na yun?" "Akiro! Totoo ka nga, masaya ako dahil bumalik kana. Kala ko tuluyan ka ng lumayo sakin eh." Namasa ang aking mga mata dahil sa sayang nadarama. Napalabi pako ng makitang seryosong mukha ni Akiro, lalo na ng pandilatan nya ako ng kanyang singkit na mga mata. "At bakit naman kita lalayuan abir? Sa anong dahilan naman ha? Kung tungkol sa sekreto mo? wag kang mag alala, masyado kitang mahal para magpabulag lang ako sa pagtatampo, kasi dimo ako pinagkakatiwalaan ng lahat lahat sayo. Saka isa pa pinaliwanag ng lahat sakin ng Inang Fierah mo ang tungkol sa inyo ng kakambal mong si Val. Wag kang mag alala naiintindihan kong sitwasyon nyo. Saka pabalik balik ako dito sa bahay nyu noon, para saglit na magpaalam sayo, kaso wala naman kayo dito. At kaya ngayon lang ako nakabalik, kasi nagkaproblemang pamilya ko sa Japan at kinailangan nilang tulong ko. Pasensya kana ha! kung natagalan ang pagbabalik ko." Sa lahat ng sinabi ni Akiro, isa lang sa mga yun ang nagpasaya sakin ng lubusan. "Talaga Akiro, mahal mo ako?" "Ay Grabe sya, sobrang manhid. Balewala lang ba sayo ang lahat ng effort ko Lentina, ha?" "Uy hindi ah! Appreciated ko kaya lahat." "Yun naman pala eh! Anupang problema bakit pinatatagal mo pa? Sagutin mo na kaya ako, para magkarelasyon na tayong dalawa, Lentina, sige na!" "Demanding lang.. ganun!" "Syempre! ganun talaga pag nagmamahal ka! hehe" Pinakatitigan ko si Akiro, sa totoo lang masayang masaya ako, kasi binalikan nya ako. Sabagay bakit hindi diba? masaya na si Val, kasi may Chloe na sya, masaya na rin sila Inang Farah at Amang Rios sa Secrecy. Ako na lang ang hindi masaya, kasi nag iisa. Gusto ko ring maging masaya katulad nila, kaya bakit hindi ko subukan? Baka makamit ko rin ang kaligayahang inaasam. "Ayoko ng relasyon na pang kiligan lang. Ang gusto ko ay relasyong hanggang kamatayan" "Yun lang ba ang hiling mo Lentina? Kasi ako, ang gusto kong relasyon ay hindi lang hanggang kamatayan, kundi maging sa kabilang buhay, hinahangad kong magkakasama pa rin tayo ng tunay. Ano pwede na ba yun sayo?" "Syempre! pwedeng pwede, basta't ikaw ang makakasama ko, kahit saan pa yan magsasama tayo, mahal ko." "Mahal mo na ako? Wow... Ang saya saya ko." At sumigaw pang loko loko ng.... "Lentinaaaaa.. Mahal na Mahal kitaaaaa..." Natatawa akong niyakap si Akiro, sabay sigaw ng... "Akiroooo... Mas Mahal na Mahal kitaaaaa... ❤? LENTINA❤AKIRO ??? Masarap makipag laban.. lalo na kung alam mo sa sulok ng isipan mo pinaglalaban ka din niya.. Masarap kumapit kung alam mong may kakapitan ka. Kaya pag alam mong hindi ka kayang bitawan ng isang tao at mahal mo siya, huwag mong hayaan na kainin ka ng takot mo, na baka wala din patutunguhan ang relasyon ninyo. ??? "Di naman kailangang lagi kayong masaya, basta't ang mahalaga kasama nyo ang isa't isa" VALENTINA? - THE END- ?MahikaNiAyana

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD