IRINA P.O.V Pagkagising ko kinaumagahan, agad kong narinig ang kalabog sa kusina. Napabuntong-hininga na lang ako, alam ko na kung ano ang mangyayari. Pinag-usapan na namin kagabi na ako daw ang in charge sa breakfast. Hindi ko naman alam kung seryoso sila o biro lang iyon, pero sa tunog ng kaldero at sandok, parang hindi nga sila nagbibiro. Pagbaba ko sa kusina, nakita ko agad si Lucas na nakatayo sa harap ng stove, mukhang seryosong nagpiprito ng itlog. Si Troy naman ay nakaupo sa counter, hawak ang cellphone at tila may hinihintay. “Good morning!” masiglang bati ni Troy nang makita akong bumaba. “Saktong-sakto! Akala ko hindi ka pa gigising eh. Ready ka na bang maging personal chef namin?” Napairap ako, pero natatawa rin. “Akala ko ba joke lang ‘yung pagluluto ko? Seryoso kayo?” Ng