IRINA P.O.V Nakaupo ako sa couch ng penthouse, binabasa ang ilang magazine pero pakiramdam ko parang walang silbi lahat ng ginagawa ko. Tahimik ang buong lugar dahil busy sa trabaho ang apat. Naisip ko, “Wala akong gagawin buong araw?” Kailangan kong maghanap ng paraan para maaliw. Nakatitig ako sa bintana, kita ko ang abalang kalsada sa labas pero sa loob ko, parang ang bagal ng oras. Naalala kong matagal ko na gustong pumunta sa isang flower shop na nadaanan namin dati ni Troy. “Why not today?” sabi ko sa sarili ko. Gusto ko ring makahanap ng peaceful na lugar kung saan makakapag-relax ako, dala ang gitara ko. Hindi ko pa nasubukang gawin ito nang mag-isa, pero ngayon, mukhang perfect opportunity. Tumayo ako at kinuha ang gitara ko. Kinuha ko rin ang wallet ko at inilagay sa maliit na