IRINA P.O.V Wala akong ibang maisip na pupuntahan kung hindi ang penthouse naming magkakaibigan sa Quezon. Pag-aari iyon nina Daniel, Lucas, Marco, at Troy—ang apat na laging nandiyan para sa akin. Kabisado ko na ang lugar na iyon dahil madalas akong tumambay doon kapag wala akong ibang mapuntahan o kailangan kong magpahinga mula sa lahat ng ingay sa bahay. Pagdating ko sa penthouse, tahimik ang buong lugar. Walang tao, siyempre. Lahat sila busy sa mga trabaho. Hindi ko maiwasang mapangiti nang kaunti. Parang may pagkakataon akong magpahinga at mag-isip nang maayos. Dito rin ako magpupunta pagkatapos ng matinding away namin ni Papa. Hindi ko alam kung saan pa ako puwedeng pumunta. Sila lang naman ang mapagkakatiwalaan ko, at alam kong hindi nila ako pababayaan. Pagkapasok ko, tinanggal