KABANATA 8

2093 Words

IRINA P.O.V Pagpasok ko sa bahay, ramdam ko na agad ang bigat ng atmosphere. Alam ko na ito na ‘yung araw na kailangan kong harapin ang galit ng ama ko dahil nalaman niya na pinasok ko ang mundo ng musika. Hindi ko pa man siya nakikita, pero naririnig ko na ang bigat ng bawat yabag niya sa sala. Huminga ako nang malalim bago ako tuluyang pumasok. Si mama ay tahimik lang na nakaupo sa isang sulok, pero halata ang kaba sa mga mata niya. Nakatayo si papa sa gitna ng sala, mukhang galit na galit, at ang kamay niya ay nasa baywang. Alam ko na ang eksenang ‘to. Madalas ko nang makita ang ganitong expression ng tatay ko, pero iba ngayon. Ramdam ko ang poot sa mga mata niya, na parang hindi na lang galit kundi pangungutya. “Irina, ano ‘tong narinig ko?” galit na tanong ni papa. Hindi siya umupo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD