IRINA P.O.V Habang nag-aayos ako ng hapunan sa kusina ng penthouse, tahimik lang akong nakikinig sa ingay ng mga kutsara at plato na nagbabanggaan habang hinihiwa ko ang mga gulay. Naalala ko yung mga nakaraang araw, at kung paano parang biglang nag-iba ang dynamics namin ni Marco. Pero hindi lang siya ang gumugulo sa isip ko. Si Daniel, Lucas, pati si Troy—lahat sila biglang may kakaibang dating sa akin. Nakakapraning. Nagpakatutok ako sa ginagawa ko, pilit na tinataboy sa isip ko ang mga naaalala ko. Kailangan kong mag-focus. Wala namang dapat ikatakot o ikabahala. Matagal na kaming magkakaibigan, at wala namang dapat magbago. Pero bakit parang iba na ngayon? Biglang naramdaman ko ang pagdikit ng braso ni Daniel sa akin nang mag-abot siya ng pepper shaker. Para akong nakuryente. Ano