IRINA P.O.V Pangatlong araw na ng intramurals, at ngayon ay araw ng archery. Dito ko mararamdaman ang bigat ng kompetisyon. Habang naglalakad ako patungo sa venue, hindi ko mapigilang kabahan. Ang hirap paniwalaan na ako ang napili bilang kinatawan ng aming university. Sobrang taas ng expectations. Alam kong hindi lang ako ang nakasalalay dito, kundi pati ang pangalan ng aming paaralan. Pagdating ko sa archery range, hindi ko inasahan ang dami ng tao. Lalo pa akong kinabahan nang malaman kong may tatlong ibang universities din na kasali. Great, I thought to myself. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kabigat ang kompetisyon. “Breathe, Irina. Kaya mo ‘to,” bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ko ang paligid. Nakita ko ang mga ibang competitors na parang mga seryosong professionals