IRINA P.O.V Nasa ospital pa ako, pangalawang araw na. Hindi pa rin alam ni Mama at Papa na naaksidente ako. Alam ko naman kasing busy sila kay Ate dahil sa malaking celebration ng bagong launch ng mga designs niya. Siguro, kung si Ate ang nandito, matagal na silang nandito, pero sanay na rin naman ako. Mabuti na lang at nandito ang apat kong kaibigan, hindi ako iniwan mula nang mangyari ang aksidente. Si Daniel, kahit na doctor dito sa hospital, ay halos hindi umaalis sa kwarto ko. Ilang beses ko nang sinabihan na bumalik siya sa mga pasyente niya, pero lagi niyang idadahilan na wala raw siyang pasyente ngayon. Napatigil ako sa pagtitig sa kanya nang muli siyang bumalik sa kwarto. “Daniel, paano na lang kung may emergency? Umuwi ka na kaya,” sabi ko habang pinipilit kong hindi magpatawa.