IRINA P.O.V Sa oras ng hapunan, umupo ako sa malaking dining table ng penthouse at pinanood ang mga kaibigan ko na abala sa pagluluto. Para silang mga chef na nasa isang cooking show, at sa totoo lang, sobrang saya ko sa kanilang pinapakita. Si Daniel, ang doctor, ay tila pinapangasiwaan ang lahat, habang si Marco naman, ang detective, ay nag-aalaga sa mga sangkap na kailangan. Si Lucas at Troy ay abala sa pag-aasikaso ng mga kagamitan at mga putaheng niluluto. “Okay, guys, anong ulam natin?” tanong ko, na sabik na sabik sa kung ano ang mga lulutuin nila. “May idea ba kayo?” “Surprise! Ipinagluluto namin ka namin ng beef steak na may mashed potatoes!” sagot ni Lucas, habang inaasikaso ang mga gulay. “Ito ang specialty namin, so you better be ready!” “Wow! Hindi ko alam na may talent ka