DICKSON SERIES 15 HELL AS HELL

2834 Words

Alyssa's POV Itinanggi naman ni Helious ang ginawa niya sakin kagabi. Hindi ko nalang ipinilit sa kaniyang alalahanin niya dahil alam ko naman na makakalimutin na talaga siya. Dumiretso na lamang ako sa banyo pagkatapos kumain para maligo. Habang si Helious naman ay hindi ko alam kung saan nagpunta. Tamang-tama paglabas ko ay nasilayan ko rin si Helious. Seryoso itong nakatingin sa akin. Tiningnan pa nga niya ako mula ulo hanggang paa. "Saan ka pupunta?" "Kukunin ko yung prutas na ibebenta ko." "Sino nagsabing pumapayag akong umalis ka ngayon?" "H-hindi ba n-napag-usapan na natin 'to?" "Hindi ka puwedeng umalis maraming gawain rito." Bumagsak ang mga balikat ko. "Nagawa ko na mga gawain ko. Hayaan mo na lang sana akomg makapagtinda ngayong araw." pakiusap ko kay Helious.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD