PROLOGUE
Alyssa's POV
"Senyorito..." mahinang sambit ko. Mula sa malayo ay natanaw kong kalalabas lang nito mula sa gate ng mansion. Natanaw ko rin ang sasakyan nito na nakaparada sa tabi.
"Senyorito..." malakas na tawag ko kasabay ng pagtakbo ko palapit sa kinaroroonan nito. Hindi man lang niya ako nilingon. Ngunit alam kong narinig niya ako dahil sa lakas ng pagkasigaw ko.
"Senyorito Helious!" Muli ay tawag ko. Natigilan ito at napalingon sa akin. Sinulit ko ang pagkakataon para makalapit pa rito. Malapit na malapit sa kaniya para kaagad kong makita ang reaction niya.
"Senyorito." mahinang sambit ko. Ilang ulit ko na ba siyang tinawag na senyorito?
Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. Alam kong hindi niya ako gustong makita pero wala akong magagawa kundi sabihin ang dapat sabihin.
Tinalikuran niya akong muli ngunit hinabol ko at naabutan ko naman ito. Nahawakan ko pa ang braso niya. Kaagad niyang winakli ang kamay ko.
Huminga akong malalim. "Senyorito, meron kang dapat malaman." kinakabahan ngunit nagawa ko pa rin sambitin.
Tumitig siya sakin habang naniningkit ang mga mata. "Mas importante pa ba 'yan sasabihin mo kaysa sa girlfriend ko?" umigting ang kaniyang panga. "Kung hindi naman, puwede ba umalis ka na lang sa aking harapan? Hindi mo ba alam kung gaano ako naiirita sa pagmumukha mo?" nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
Wala akong pakialam kung naiirita ka sa pagmumukha ko. Importante ang sasabihin ko dahil tungkol ito sa anak mo.
"G-gusto kong sabihin na...m-magiging tatay ka na." nag-aalanganing ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. Siguro naman matutuwa siya. Sino ba naman ang tatanggi sa isang blessing?
"What?" mas lalong kumunot ang noo niya.
Blessing nga ba ito o problema? Hanggang ngayon hindi pa alam ng Inay ko na nagdadalang tao ako. Ngayon naman, sa hitsura pa lang ng lalaki ay halatang hindi gusto ang narinig mula akin.
"M-magiging tatay ka na. Congratulations sa 'yo." nakangiting pag-uulit ko.
"I don't get it." nagsalubong ang mga kilay nito. Litong-lito sa ipinagtapat ko. "Andrea is not pregnant. How-----"
"Hindi mo ba natatandaan? M-may nangyari sa atin." hindi ko ito pinatapos sa pagsasalita. Pinutol ko kaagad ang gusto nitong sabihin.
Ang buong akala nito ay si Andrea na girlfriend niya ang tinutukoy ko. Hindi niya kaagad nakuha na ang tinutukoy ko ay 'AKO'
Bigla na lamang siyang natawa. "Nababaliw ka ba? Ako papatol sa 'yo? Hindi mo ba nakikita 'yang hitsura mo? Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin kahit sino hindi ka papatulan." puno ng panlalait na sabi niya sa akin.
Napayuko ako. Sinipat ang sarili. Tsinelas lang ang suot ko, pantalon na kupas at puting tshirt na maluwag pa.
Nanliit ako sa sarili ko pero kailangan ko ito gawin.
Muli kong ibinuka ang aking bibig.
"T-talagang may nangyari sa atin." muli ay sambit ko. Nagulat na lang ako ng biglang may dumapo na kamay sa panga ko.
Nakalapit na siya sakin at sinasakal niya na ako ngayon. "Don't you know Andrea is here?" nanlilisik ang kaniyang mga mata ng tingalain ko ito.
Mahigpit niyang pinipisil ang aking panga. "Huwag na huwag mo na uulitin na sabihin sakin 'yan dahil kahit kailan hindi ko matatawag na anak 'yan. Huwag mo 'ko idamay sa kalandian mo!" sinamaan niya ako ng tingin. Mas lalo pa dumiin ang pagkakapisil niya sa panga ko. "If that's really mine, bakit hindi mo ipalaglag? Don't ever tell anyone that you are pregnant, do you understand?" mariin niyang sabi sabay pabalang na binitawan ang panga ko.
Ang sakit ng panga ko dahil sa ginawa niya pero wala ng mas sasakit pa sa mga sinabi niya.
Paano niya nagawang sabihin na ipalaglag ang batang mula sa dugo at laman niya.