DICKSON SERIES 14 DRUNK

2413 Words

Alyssa's POV "Sayang ang luha mo kung tutulo lang sa walang kwentang bagay." Napakurap-kurap ako ng matauhan na nakaupo pa ako sa semento. Kaagad kong pinunasan ang aking pisngi gamit ang palad ko. Nang muli ko siyang tingnan ay sumesenyas na siyang abutin ko ang kamay niya. Nahihiya man pero hinawakan ko ang kamay niya para mahila niya ako patayo. Muntikan pa akong mapasubsob sa dibdib niya dahil sa lakas ng pwersa na pagkahila. Naitukod ko naman kaagad ang kamay ko. "S-sorry." kaagad akong lumayo sa kaniya. Nginitian lamang niya ako. Napatulala na lamang ako ng ngumiti ito. Ang gwapo niya. Binalingan niya ang paninda ko. "Mayroon bang singkamas?" tanong niya sa akin. Wala akong binebentang singkamas ngayon. Bukas pa raw magkakaroon sabi ni ate Dolly. "W-wala." tipid na sago

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD