Third Person's POV Habang naghuhugas ng mga plato si Andeng ang nanay ni Alyssa ay bigla na lamang ito dumulas sa kamay niya at ito ay bumagsak sa sahig at nabasag. Natigilan siya at pinagmasdan ang nagkalat na pira-piraso ng plato. Si Alyssa kaagad ang unang pumasok sa isip niya. "Alyssa." sambit niya. Nangungulila siya ng sobra sa dalaga. Gusto niya itong puntahan ngunit may bumubulong sa kaniyang isipan na huwag na muna ito abalahin sa sarili nitong buhay na may asawa. "Kamusta na kaya ang anak ko?" nalulungkot na sambit niya bago tuluyang yumuko para pulutin ang mga nag-pira-pirasong pinggan. Pumatak ang luha mula sa kaniyang mga mata. Nasanay kasi siyang si Alyssa ang kasama niya sa bahay. Nasanay siyang tuwing may ginagawa siya ay palagi siyang ginugulo nito. Kahit magluto, magh