Alyssa's POV
Napagpasyahan nila Ma'am Athena at Inay na ikakasal kaagad kami ni senyorito Helious. Hindi ko inaasahan na mangyari 'to. Ikakasal ako sa lalaking gusto ko.
"Sorry, Nay." Niyakap ko kaagad si Inay nang pasunurin niya ako sa kusina. Alam kong pagsasabihan niya ako. Pagagalitan dahil ang tigas ng ulo ko.
"Hindi ba't ang sabi ko sa iyo huwag na huwag mo ibababa ang bandera? Hindi porke't mahal mo yung tao ay ibibigay mo na ang lahat kahit walang kasiguraduhan. Kung ako ang masusunod, hindi ako papayag na maikasal ka kay senyorito Helious."
"Pero...Nay."
"Gusto mo ba talagang magpakasal sa kaniya?"
Marahan akong tumango. Gusto kong magpakasal kay senyorito Helious. Lalo na ngayon na mabait na siya sakin.
"Alalahanin mo, akala niya ikaw ang girlfriend niyang si Andrea."
"A-alam ko po, Inay."
"Alam mo pero gusto mo pa rin magpakasal sa kaniya? Paano kung maalala niya si Andrea? Paano kung hanapin niya yung totoong Andrea? Paano ka?"
"Nay, tsaka ko na lang po 'yon iisipin. Sa ngayon po isipin ko na lang na ako talaga ang mahal niya. Isa pa po, magkakaroon na kami ng anak. Siya ang ama ng dinadala ko. Matututunan niya rin akong mahalin, Nay. Hindi bilang si Andrea kundi bilang si Alyssa."
Napailing-iling si Inay sa sinabi ko.
Maging ako ay hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Sinasamantala ko ang kalagayan ngayon ni senyorito Helious. Pakiramdam ko, ang sama-sama ko.
"Ikaw ang bahala. Kapag nasaktan ka sa desisyon mo, huwag na huwag ka matakot na lumapit sakin. Katulad ng ginawa mong paglihim sa pinagbubuntis mo. Nalaman ko pa sa iba na sa halip ako ang mauunang makakaalam ng nangyayari sa 'yo."
"Sorry po ulit, Nay. Natatakot po kasi ako na baka magalit kayo sakin."
"Sa tingin mo ba magagalit ako ngayong mas lalo mo akong kailangan sa nangyayari sa 'yo? Walang ina na makakatiis sa paghihirap ng anak, Alyssa. Tandaan mo 'yan."
Naging madamdamin ang pag-uusap namin ni Inay sa kusina. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Salamat po, Nay. Kayo po ang pinaka-best nanay sa mundo."
"At ngayon, gagampanan mo na ngayon iyon sa anak mo. Ikaw naman ang gagawa sa anak mo ng mga ginagawa ko sa iyo. Mahalin at alagaan mo ang anak mo, Alyssa. Kahit na anong mangyari lagi mo pipiliin ang anak mo."
"Opo, Nay."
"Halika na sa labas. Aayusin ko pa ang mga gamit mo. Napag-usapan na namin na sasama ka na sa mansion doon ka na titira at pagkatapos ng kasal niyo lilipat la na sa bahay ni senyorito."
"P-paano ho kayo, Nay? Sasama ka ba sa akin?"
Ngayon pa lang ay naiiyak na ako. Malalayo ako sa Inay ko kapag hindi siya sumama.
"Hindi, dito lang ako. Walang matatao rito sa bahay kung pati ako sasama sa iyo." nakangiting sagot nito.
"P-pero...mag-isa ka lang dito." nag-aalalang sabi ko.
"Huwag ka mag-alala sakin. Tumanda na ako rito sa bahay natin. Sanay na ako rito."
Muli ko itong niyakap pagkatapos ay bumalik na rin kamo sa sala.
Katulad nga ng sinabi ni Inay, siya na ang nag-ayos ng mga gamit ko.
Pagkatapos maayos ang nga gamit ko ay napagpasyahan na rin namin umalis. Nahihiya akong kasama sa isang sasakyan sila senyorito Helious at ma'am Athena.
"You okay?" napapitlag ako ng maramdaman ang kamay ni senyorito Helious ng hawakan niya ang kamay ko.
"A-ayos lang po ako."
Napatitig sa akin si senyorito Helious. Ako na lang ang nailang dahil sa tagal ng pagtitig niya sa aking mukha. Pinasadahan niya rin ng tingin ang kabuuan ko.
"B-bakit?" hindi ko tuloy napigilan na magtanong sa kaniya.
"Nothing." tanging sagot niya tsaka ibinaling na sa ibang direksyon ang kaniyang paningin.
Ilang minuto lang naman ang byahe. Nakarating rin kaagad kami sa mansion.
Pinagbuksan ako ni senyorito Helious at inalalayan pa niyang lumabas. Naninibago ako at naiilang. Dati lang pinagtutulakan niya ako palayo pero ngayon siya na ang kusang lumalapit sakin.
Isipin mo, Alyssa. Si Andrea ang nakikita niya sa 'yo kaya siya ganiyan sa 'yo. Akala niya lang ikaw si Andrea. Hindi bilang si Alyssa. Sa isip-isip na sabi ko.
Lapit na lapit ang katawan namin ni senyorito habang naglalakad papasok ng mansion.
Nakita ko ang pagkagulat ng mga kasamahan ko. Hindi siguro nila inaasahan na makita nila ako rito kasama si senyorito Helious at Ma'am Athena.
Naroon na rin sila Senyorita Alyana at si Sir Hades.
Mukhang kanina pa nila kami hinihintay.
Nagtungo kami sa couch. Alam kong mag-uusap pa kami. Pag-uusapan pa namin ang kasal na mangyayari.
Umupo sa tabi ko si senyorito Helious. Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ito pinisil. "Are you nervous, babe?" malambing na tanong nito sakin.
"K-kaunti." tipid na sagot ko. Mas lalo akong nailang nang makitang nakatingin sa amin ang aking mga kasamahan. Tila ba inaasar pa nila ako ng palihim. Sa klase ng kanilang mga ngiti alam kong tinutukso nila ako.
Mas lalo akong kinabahan ng marinig ang pagtikhim ni Sir Hades. Ang seryoso ng mukha nito. Katulad ni Helious, makakapal ang kilay at tila ba nakakunot palagi ang noo.
Kahit na may edad na ay nanatili pa rin ang kaguwapuhan nito.
"Are you sure you'll marry Alyssa? How about andrea?"
"She is Andrea, Dad." mariin na sagot ni senyorito Helious.
Kaagad napatingin si Sir Hades kay Ma'am Athena. Nakakunot ang noo nito na tila ba nagtatanong kung anong nangyayari.
"Mag-uusap lang kami ng Daddy mo." hinila ni Ma'am Athena si Sir Hades palayo sa amin para kausapin ito.
Nang bumalik ang mga ito, naging kalmado na ang mukha ni Sir Hades.
"As soon as possible you two need to get married immediately. Just like your Mommy said, Alyssa is pregnant. Kilala mo ang Mommy mo, ayaw niyan na may naaagrabyadong babae."
---
Pagkatapos ng pag-uusap ay ipinahatid na ako ni Ma'am Athena sa pansamantala kong kwarto.
"Hindi muna kayo magtatabi dalawa hangga't hindi pa kayo naikakasal." paalala ni Ma'am Athena sa amin dalawa ni Helious. Kaagad kumunot ang noo ni senyorito.
Kung ako lang, mas gusto ko ang idea na iyon ni Ma'am Athena. Nahihiya pa rin kasi ako kay senyorito Helious. Ayaw ko naman na magtabi kaming dalawa.
"Why not?"
"Atat na atat ka ng makatabi ang fiance mo. Hintayin mo na lang na maikasal kayong dalawa." tinuldukan ni Ma'am Athena ang katanungan ni senyorito.
"Halika na, Alyssa...I mean...Andrea, ihahatid kita sa pansamantala mo na kwarto."
Tumalikod na kami ng biglang magsalita si senyorito. "Wait!"
Nang lingunin namin ito ay naglakad ito palapit sakin tsaka niya ako ginawaran ng halik sa labi. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako. Kaagad naman nag-init ang aking mga pisngi.
"Good night." bulong pa nito sa akin.
Nang balingan ko si ma'am Athena ay nakangiti na ito sa akin. Alam kong namumula na ako sa hiya. Sino ba naman ang hindi mahihiya kung hahalikan ka sa harapan mismo ng Mommy niya?
"No answer?"
"Huh?" tanging nasambit ko. Naghihintay pala siya sa sagot ko. "Ahm...g-good night din." nginitian ko ito. Napangiti rin naman si senyorito. Ang sarap sa pakiramdam na nginingitian niya na ako.
Kung panaginip lang 'to, sana huwag na akong magising.
Hinila na ako ni Ma'am Athena palayo sa anak niya. Sinamahan niya ako sa magiging kwarto ko. Nang makapasok sa loob ng kwarto ay kaagad niya akong kinausap.
"Kapag may kailangan ka, huwag ka mahihiyang magsabi sa mga kasambahay rito or sa akin. Puntahan mo lang ako sa kwarto, okay?"
Tumango-tango na lamang ako. "Salamat po, ma'am."
Nginitian niya lang ako tsaka nagpaalam na rin ito na lumabas.
Nang makalabas si Ma'am Athena ay hindi ko na napigilan pa at sinarado ko kaagad ang pinto tsaka tumili.
Hinaplos ko ang aking labi na ginawaran ng halik ni senyorito. Napapikit ako at paulit-ulit kong nasilayan ang mukha ni senyorito lalo na ng magtama ang aming mga paningin ng gawaran niya ako ng halik kanina.
Inayos ko muna ang mga iilang gamit na dala ko bago ko naisipan na maglinis ng katawan.
Natulog ako na may mga ngiti sa labi.
Third Person's POV
"AKO NA ang mag-aayos ng kasal niyo, Helly. Kahit sa judge na lang muna kayo magpakasal. Ang mahalaga maikasal kaagad kayong dalawa."
"Why in judge?" kaagad na tanong ni Helious.
"Isusunod na lang natin ang kasal sa simbahan." kaagad naman na paliwanag ni Athena sa anak.
Magkakasama at magkakasabay silang kumain habang pinag-uusapan ang kasal. Sa huli, pumayag rin naman si Helious.
-------
Alyssa's POV
ISANG araw na lang ay kasal na namin sa judge ni senyorito Helious. Excited na akong maging asawa niya.
Naglalakad ako sa pasilyo ng mansion ng bigla akong makarinig ng sitsit.
"Pssst..."
Napalingon ako ngunit wala naman akong nakitang tao.
"Pssst..." umulit na naman iyon. Nang bigla kong lingunin ang likuran ko ay nahuli ko ang isa sa kaibigan ko rito sa mansion. Si Jen.
Ang lapad ng ngiti nito na lumapit sa akin. "Bongga ka! Ikakasal ka na kay senyorito Hell." itinulak niya ako gamit ang kaniyang braso.
"Oo nga eh!" nahihiya pa na sabi ko.
"Paano si Andrea? Dinadalaw ba ni senyorito yung unang fiance niya? Ay!" kaagad niyang tinakpan ang kaniyang bibig ng ma-realized niya siguro ang tanong niya.
"Nasa coma pa rin si Andrea." sagot ko.
"Ah, pero pinagkakamalan ka ni senyorito na ikaw si Andrea. Ang swerte mo naman girl. Sana ako na lang pinagkamalan ni senyorito. E 'di sana ako ang pakakasalan niya. Joke lang." kaagad naman na bawi niya. "Anong feeling na pakakasalan ka ng lalaking crush mo?" muli niya na naman akong itinulak na tila ba kinikilig.
"Kinakabahan ako."
"Bakit ka naman kinakabahan? Kabahan ka sa paggising ni Andrea talagang hindi lang sabunot ang mapapala mo mula sa kaniya." natatawang sabi nito sa akin. "Sige na, inaantok na rin ako. Matulog ka na. Maaga ka pa bukas at dapat fresh ka bukas para sa honeymoon niyo ng asawa mo. Ayeehh
.." muli ay tukso sa akin ni Jen.
Iiling-iling na lamang akong pumasok sa loob ng kwarto.
Pinagbawalan kami nila Ma'am Athena na magkita ni Helious sa araw na ito. Bawal daw kasi iyon. Kaya hindi ko tuloy nakikita si senyorito Helious.
Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Nasa hotel raw ito nag-stay. Hindi pa ito umuuwi ng bahay.
Simula ng lumabas ito ng hospital.
Halos hindi ako makatulog kaiisip na ikakasal na ako bukas kay senyorito Helious. Pangarap ko 'to. Pangarap kong makasal sa kaniya pero hindi ko akalaing hahantong sa ganito. Kailangan ko pa magpapanggap na ibang tao para lang maikasal sa kaniya.
Dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko. Abala ang lahat sa sala at sa kusina. Dito lang din kasi gaganapin ang reception. Ang sabi ni ma'am Athena sa akin kaunti lang ang bisita. Mga kapamilya lang ang nakakaalam na ikakasal kaming dalawa ni Helious.
Pakiramdam ko ang sama ko, dahil pumayag akong magpakasal kahit alam kong nakalatay sa kama ng hospital ang babaeng totoong mahal ni senyorito.
Habang inaayusan ako ng bakla ay dumating naman si Inay.
"Inay!" masayang sambit ko. Lumapit ito sa akin.
"Ang ganda naman ng anak ko." puri nito sa akin.
"Salamat po, Nay."
"Ikakasal ka na talaga, anak. Ito na talaga ang araw na iyon."
"Opo, Nay."
"Congratulation, anak."
"Thankyou po, Nay."
Naging madamdamin na naman ang tagpo namin ng Inay ko. Pagkatapos kong maayusan ay isinuot ko na ang aking simpleng gown.
"Napakaganda mo, anak." muli ay komento ni Inay.
"Talaga po, Nay. Sa tingin niyo kaya Inay magagandahan na sa akin si senyorito Helious?"
"Sigurado 'yan anak."
Abot tenga ang ngiti ko. Sinulyapan ko ang sarili sa malaking salamin. Ang laki ng pinagbago sakin.
Pagkatapos ng lahat-lahat ay tinawag na ako ni Ma'am Athena para lumabas na. Naghihintay na sa labas ang aking sasakyan.
Nauna naman na umalis sila Ma'am Athena kasama si Inay. Ako naman ay sumakay na rin sa bridal car.
Ang lakas ng kaba sa dibdib ko.
Hindi ba talaga panaginip 'to? Napatingala na lamang ako para itanong iyon sa kawalan.
Ilang beses ko ng kinurot ang sarili ko pero hindi naman ako nagigising kaya sigurado akong totoo ito. Totoo ang nga nangyayari sa akin ngayon.
Pagdating sa judge ay nasilayan ko na rin si senyorito Helious. Ang gwapo niya sa suot niyang black tuxedo.
Napaawang naman ang labi niya nang makita ako. Napapansin kong hindi maalis ang kaniyang paningin sa aking mukha.
Nasa harapan niya na ako kaya inabot niya ang kamay ko. Mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin. "You're beautiful." bulong nito sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya. Ang sarap pakinggan.
Nasa harapan na kami ng judge. Tinatanong ang bawat isa.
Nakikita ko sa mga mata ni senyorito kung gaano ito kasaya.
"Finally, you're mine." hinapit niya kaagad ang bewang ko pagkatapos namin makapag- I do sa isa't-isa at nang sabihin ni judge na puwede niya na akong halikan.
Sa wakas, isa na nga akong Dickson. Asawa niya na ako ngayon. Ang sarap sa pakiramdam na asawa ko na ngayon ang ninanakawan ko lang ng sulyap noon.
Huminga akong malalim at hinintay na lumapat ang labi niya sa aking labi. Hindi nga nagtagal ay hinalikan niya na ako. Ninamnam ko ang lambot ng kaniyang labi.
Hindi iyon nagtagal. Nabigla ako ng itulak niya ako palayo sa kaniya. Nagtama ang aming mga paningin.
Tinitigan niya ako.
H-hindi kaya nakilala niya na ako? Hindi kaya naalala niya na si Andrea?
Nagulat na lamang ako ng bigla niya na naman akong kabigin palapit sa kaniya at muling hinalikan sa labi.
Dumiretso kami sa mansion dahil naroon ang reception. Ngunit sandali lang kami sa reception dahil nagyaya na si Helious na dumiretso na kami sa bahay niya.
Maaga raw kasi kami bukas para sa honeymoon. Pupunta kami sa Baguio bukas para sa aming honeymoon.
"Simula ngayon, Mama na ang tawag mo sakin dahil asawa ka na ngayon ng anak ko, Alyssa."
"O-opo, mama." nahihiya pa ako.
"Sigurado ka ba na uuwi kayo ngayon sa bahay mo, Helly?"tanong naman ni Mama kay Helious.
"Yeah," tipid na sagot ni Helious.
"Sige, gusto mo ba ipapahatid ko na kayo sa driver?"
"Don't worry about us, Mom. I can drive."
"Sigurado ka?"
"Yup."
"Sige, mag-ingat kayo."
Pagkatapos magpaalam kay Mama Athena ay nagpaalam naman ako kay Inay. Pagkatapos ay pumasok na rin ako sa loob ng kotse ni Helious. Nang makapasok ay lumakas ang kabog sa dibdib ko.
Kaming dalawa na lang dito sa kotse. Napalunok ako ng balingan niya ako. "Wear your seatbelt, wife." hindi kaagad ako nakagalaw kaya siya na ang nagkusa magsuot nito sa akin. Nalalanghap ko pa ang kaniyang napakabangong hininga.
Pagkatapos niyang maayos ang seatbelt ay bigla niya na lang akong ginawaran ng halik sa aking labi. Napangiti siya pagkatapos.
"Later when we get home. I won't let you rest all night." sabay kindat niya sa akin. Napaawang na lamang ang aking labi.
Ibig ba niyang sabihin, aangkinin niya ako buong magdamag.
Ihanda mo na ang sarili mo, Alyssa.
Habang nagmamaneho si Helious ay tila naman ito hindi mapakali.
Bakit kaya?
"M-may problema ba?" tanong ko sa kaniya.
"Nothing." kaagad naman na sagot niya.
Ipinagtataka ko pa, kanina ko pa napapansin ang panay niyang pagsulyap sa aking mukha.
Ilang minuto lang din naman ang byahe. Pumasok siya sa malaking gate.
Siguro ito na ang bahay niya. Malawak sa loob. Gabing-gabi na kami nakarating. Alas dyes na ng gabi.
Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya. Napatingala na lamang ako sa bahay niya.
Ang laki rin pala ng bahay niya.
Habang tinatanaw ko ang malaking bahay niya ay nabigla na lamang ako ng may humapit sa bewang ko at umangat naman ang mga paa ko. Binuhat niya ako ng pang bagong kasal.
"S-seny----" muntikan pa nadulas ang dila ko. "Helious!" sigaw ko ng hindi niya pa rin ako binibitawan habang pumapasok kami sa loob ng malaki niyang bahay.
Dire-diretso lang ito naglalakad hanggang sa tahakin nito ang hagdanan.
Patuloy pa rin ito sa paglalakad hanggang sa huminto ito sa tapat ng pintuan. Iyon na siguro ang kwarto niya.
Binuksan niya iyon tsaka pumasok.
Kaagad ito naglakad palapit sa kama at inihagis ako roon. Npasigaw na lang ulit ako.
Kagat labi akong napatingin sa kaniya ng maghubad ito ng tuxedo. Ang kaniyang necktie itinapon lang kung saan.
Napaawang ang labi ko pagkatapos nito mahubad ang pang-itaas na saplot.
"Get ready, babe." paalala niya sa akin. Sunod-sunod akong napalunok ng simulan niya na rin hubarin ang kaniyang ibabang saplot.
Ang malas ko nga naman at naiihi pa ako. Napangiwi akong napatingin sa kaniya. "S-sandali lang, k-kailangan ko mag-banyo." tumayo kaagad ako sa kama.
"Go on wife, I'll wait for you." sagot naman niya. Kaagad na akong tumakbo patungo sa kung saan ngunit naalala kong hindi ko pa pala alam kung nasaan ang kaniyang CR.
Itinuro niya sakin ang CR.
Kaagad naman akong tumakbo at nagmadaling binuksan ito.
Ilang minuto lang ay lumabas na rin ako. Paglabas ko ay hindi ko nasilayan si Helious.
Naglakad pa ako. Doon ko makita si Helious nakatayo kaharap nito ang tila kaniyang office table.
"H-Helious..." sambit ko. Hindi ito lumingon. Tila ba may hinahawakan siya at tinitingnan.
"Helious, tapos na ako." muli ay sabi ko sa kaniya.
Napalingon siya sakin. Hindi ko inaasahang magugulat ito ng makita ako.
"What the hell are you doing here IN MY HOUSE?" mariin na tanong nito sa akin. Dumagundong ang kaniyang boses sa bawat sulok ng kwarto.
A-anong nangyayari? N-nakakaalala na siya? Kailangan ko pa rin ba magsinungaling?
"Answer me, slut?" muli ay sigaw niya na nagpapikit sa aking mga mata.
"A-ako 'to si Andrea. Hindi mo na ba matandaan?"
Sarkastiko siyang natawa. "You're not Andrea! Bakit kailangan mo magpanggap huh? Ginagago mo ba ako? I know my fiance, I'm not stupid enough para hindi malaman na hindi ikaw si Andrea!" sigaw niya tsaka mabilis na lumapit sakin.
Dumagundong ang kaba sa aking dibdib. Sa klase ng kaniyang tingin para akong papatayin.
Sunod-sunod akong napalunok nang makalapit siya sa akin. Hinawakan niya kaagad ang aking kamay at hinila palabas ng kaniyang kwarto.
"Get out! Get out of my house now!" mariin na sigaw niya sa aking pagmumukha.
Napapikit na lamang ako dahil sa lakas ng boses niya.