DICKSON SERIES 9 B R I E F

2515 Words

Alyssa's POV Hila-hila ako ni Helious palabas ng kaniyang bahay. Pagdating sa pintuan ay kaagad niya ito binuksan at itinulak ako palabas. Hindi na ako nakapagsalita ng pagsaraduhan niya kaagad ako ng pintuan. "Senyorito!" sigaw ko habang patuloy ang pagkalabog ko sa pintuan. Hindi niya ako pinagbuksan kahit na nagmamakaawa ako sa labas na papasukin niya sa loob. Napatingin ako sa paligid. Madilim na at wala rin naman akong dalang pera para makauwi sa bahay. Suot ko pa ang wedding gown ko. Bigla akong nilamig sa hangin na humahampas sa aking balat. Niyakap ko na lang ang aking sarili at dahan-dahan na umupo sa tabi. "Ang lamig." nanginginig ang katawan ko sa lamig. Bumaluktot na lamang ako ng upo para mayakap ko ang buo kong katawan. Napansin ko ang CCTV na nakatutok sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD