Alyssa's POV
"Ysang?" muli ay sambit ni Inay. Dahil sa gulat ko ay nabitawan ko ang hawak-hawak kong sobre na laman ay ang laboratory result na itinago ko kaagad sa aking likuran.
Ang kaninang kaba ay nadagdagan pa. Hindi naman ako puwedeng yumuko para pulutin iyon dahil makikita nila.
"Anong ginagawa mo dito?" dagdag pa na tanong ni Nanay.
Habang si madam Athena ay dinaanan niya na lang ako para pumasok ng tuluyan sa loob. Naiwan kami ni Inay sa labas. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko kung bakit ako nandito?
Hinila ako ni Inay malayo sa room ni Helious.
"Anong ginagawa mo rito, Ysang?" mariin na tanong ulit nito sa akin. Napayuko na lamang ako.
"Nandito ka ba para dalawin si senyorito Helious? Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na tigilan mo na ang kahibangan mo sa kaniya?"
"Sorry, Nay. G-gusto ko lang naman malaman kung ayos lang siya. Iyon lang naman." Nakayukong sagot ko sa kaniya.
"Umuwi ka na." huminahon na ang boses niya.
Napatingin ako sa kaniya. "Gusto ko po siyang makita, Nay. Gusto kong malaman kung ayos lang ba talaga siya."
"Ang narinig ko, sabi ng doctor kanina kay ma'am Athena. Sugat lang ang natamo ni senyorito."
"Buti naman po pala kung ganoon." hindi ko alam pero ang saya ko ng malaman na ayos lang ito.
"Ngayong alam mo na. Umuwi ka na. Pauwi na rin ako. Isinama lang ako ni ma'am Athena rito."
"Mamaya na po ako uuwi, Nay. Gusto ko pa kasi siyang makita."
Sinamaan niya kaagad ako ng tingin. "Naku! Ysang, makakatikim ka na sa akin. Ang sabi mo hindi mo na gusto si senyorito pero ngayon alalang-alala ka sa kaniya."
"Hindi ko po alam, Nay pero gusto ko ho siyang makita eh! Kahit saglit lang. Please, Nay. Pagkatapos po uuwi na rin ako kaagad. Hayaan niyo po muna na makita ko siya." pakiusap ko kay Inay.
Sandali lamang ito natahimik. Nagningning ang aking mga mata ng payagan na niya ako. "Talaga, Nay?"
"Sige na, baka magbago ang isip ko at hindi mo makita si senyorito Helious."
"Thankyou, Nay." kaagad kong niyakap si Inay. Ang saya ko lang dahil pinayagan niya akong makita si senyorito.
Ayaw niya kasi na lumalapit ako kay senyorito.
"Halika na. Puntahan na natin para malaman natin kung anong kalagayan niya."
"Sige po, Nay."
Nasa pintuan na kami. Si Nanay na ang nagbukas nito. Nadatnan namin si Ma'am Athena nakatayo sa tabi ng patient bed.
Mukhang tulog pa si senyorito Helious. Nilapitan namin si Ma'am Athena. Pinagmamasdan nito ang mukha ng anak.
Nang lapitan namin ang kinaroroonan ni senyorito Helious. Doon ko pa lang nakita ang kalagayan nito. May benda siya sa noo.
"K-kamusta po si senyorito Helious, Ma'am?" nang makalapit kay Ma'am Athena si Inay kaagad naman ito nagtanong.
"Ang sabi ng doctor, kanina pa raw ito tulog hintayin ko na lang daw ito magising. Hindi naman daw masyadong malala ang kalagayan niya dahil sugat lang ang natamo niya."
"Mabuti naman po, ma'am kung ganoon. P-paano naman po yung gilrfriend niya, Ma'am?" dagdag pa na tanong ni Inay.
"Iyon nga lang. Nasa coma si Andrea, iyon ang sabi ng doctor. Natatakot ako na baka paggising niya ay hanapin niya kaagad si Andrea." sagot ni ma'am Athena.
Naaawa ako sa kalagayan ngayon ni senyorito Helious. Kung puwede nga lang hindi na lang na-coma si Andrea. Ayos na sakin na tanaw-tanaw ko na lang si senyorito Helious na maikasal kaysa ganito. Masasaktan siya paggising niya malalaman niyang coma ang fiance niya.
"Andrea..."
Napatayo ako ng marinig ang boses ni senyorito. Maging si madam Athena ay hinawakan kaagad ang kamay nito.
"Helly..." sambit ni madam. Puno ng pag-aalala ang mukha.
Hindi ko na rin napigilan at lumapit ako sa kanila.
"Andrea..." muli ay sambit ni senyorito. Hanap niya kaagad paggising ang babaeng mahal niya. Nasasaktan ako pero nandito pa rin ako nakatayo at nakikinig sa bawat pagtawag niya sa pangalan ng babaeng mahal niya.
"Helly, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni madam.
Kaagad napatingin si senyorito sa Ginang at tinitigan ito. Sinunod naman nitong titigan ang nanay ko. Pagkatapos ay bumaling ito sa akin at napatitig.
Kinakabahan ako. Baka paalisin niya ako rito or 'di kaya sigawan niya ako sa harapan ni madam at ng nanay ko.
"Andrea."
Napatingin si nanay at madam sakin ng tawagin ako ni senyorito gamit ang pangalan ng fiance niya. Maging ako ay nagtaka rin sa pagtawag niya sakin sa hindi ko naman pangalan.
Bakit niya ako tinawag na Andrea.
"Come closer, babe." nakangiting sabi nito sa akin. Nagpalipat-lipat ang aking paningin sa nanay ko at sa Mommy ni senyorito.
"Babe." nakangiti pa rin na sabi nito sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Maging si Inay at si madam ay tila ba nalilito. Kung sila nalilito sa pinapakita ni senyorito. Lalo naman ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari? Bakit niya ako tinawag na babe at tinawag niya rin akong Andrea.
"Bakit ayaw mo lumapit?" kumunot ang noo niya.
Muli kong sinulyapan si madam. Tumango-tango ito sa akin at sumenyas rin na lapitan ko ang anak niya.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kinaroroonan ni Helious. Nang makalapit ay ikinagulat ko ng bigla niya akong yakapin. "Andrea, thank god you're okay." sambit niya habang mahigpit akong niyayakap.
Hinayaan ko na lamang ito na yakapin ako. Mas matutuwa ba ako dahil nagbago siya sakin. Naging mabait nga siya sakin pero ang akala naman niya ay ako ang babaeng mahal niya. Akala niya ako si Andrea, ang kaniyang fiance.
Maya maya ay dumating ang doctor. Humiwalay ako sa pagkakayakap sakin ni senyorito. Ayaw pa nga niya akong pakawalan pero dahil kailangan na siyanh suriin ng doctor ay pinakawalan niya rin ako mula sa pagkakayakap sakin.
"A-anong nangyari kay senyorito, nanay?" tanong ko kaagad ng makalapit kay Inay.
"Hindi ko rin alam, anak. Baka meron siyang amnesia. Pero...kung amnesya? Bakit naaalala niya si Andrea? Pero sa iyo niya naaalala ang babaeng mahal niya anak."
Pagkatapos suriin ng doctor si senyorito ay nilapitan kaagad ito ni madam Athena. Maging kami ni Inay ay napatayo rin at lumapit sa kanila.
"Doc, anong nangyayari sa anak ko? Bakit pinagkamalan niyang Andrea si Alyssa?" turo ni madam sakin. "Tinawag niyang Andrea ang taong hindi naman si Andrea. May amnesia ba ang anak ko?" nag-aalalang tanong ni Madam sa doctor na kaharap nito.
"Your son doesn't have amnesia, Mrs. Dickson. He has been suffering from alzheimer disease for a long time. Sometimes he forgets things and sometimes gets confused. Alzheimer's disease involves parts of the brain that control thought, memory, and language." paliwanag ng doctor ngunit wala akong naintindihan.
Hindi ako familiar sa sakit na iyon. Ngayon ko lang narinig ang sakit na meron si senyorito Helious.
"Meron bang gamot para sa sakit na 'yan, Doc?"
"Ikinalulungkot ko pero wala pang gamot para sa sakit na ito. There is only treatment to improve his memory."
Nakita ko ang lungkot sa mukha ni madam Athena.
Pagkatapos makausap ng Doctor si madam ay umalis na rin naman kaagad ang doctor.
Nilapitan ni Madam si senyorito. "How are you feeling, son?"
"I'm fine, Mom."
Masungit pa rin naman ito. Kahit Mommy niya pinagsusungitan niya.
Dapat ba akong matuwa dahil nakalimutan ni senyorito si Andrea. Nakalimutan niya ang mukha nito. Sobrang sama ko kapag natutuwa ako sa nangyayari.
-----
Hindi na ulit ako pinabalik ni Inay sa hospital. Pinapaiwas niya ako kay senyorito. Dahil alam namin na panandalian lang ito dahil baka sa susunod na araw ay maaalala na nito ang mukha ni Andrea.
"Masasaktan ka lang anak kapag nagkunwari ka pa na ikaw ang babaeng mahal niya. Ikaw na ang umiwas dahil ikaw ang nakakaalam na hindi ikaw si Andrea." paliwanag ni Inay sa akin.
Pero, gusto kong makita si senyorito at siya ang ama ng batang dinadala ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ito alam ni Inay.
-------
Third Person's POV
Palabas na ng mansion si Helious nang makasalubong niya si Alyana. Pinagmasdan siya ni Alyana. "Saan ka pupunta?"
"Wala kang pakialam." masungit na sagot niya.
Nagtuloy-tuloy siyang tumungo sa main door ngunit bigla naman niyang narinig ang pagtawag sa kaniya ng Mommy niya.
"Helly!" sigaw ng Mommy Athena niya. Napalingon siya rito. Kaagad ito lumapit sa kaniya.
"Pipigilan niyo na naman ba akong makita si Andrea?"
"Hindi siya si Andrea, siya si Alyssa. Ilang beses na namin sinabi sa 'yo na hindi siya si Andrea. Ipinakita na namin sa iyo ang totoong girlfriend mo."
"I don't care. She is Andrea for me. Hindi niyo 'ko mapipigilan na hanapin siya at ituloy ang kasal namin dalawa. Hindi rin ako naniniwalang si Andrea ang nasa hospital at nasa coma." sagot ni Helious.
"Helly, talagang pakakasalan mo si Alyssa. Wala na akong pakialam kung si Andrea ang nakikita mo sa kaniya. May dahilan ka talagang pakasalan si Alyssa. Explain this to me." ibinigay ni Athena ang maliit na sobre kay Helious.
Sobre iyon na naglalaman ng laboratory test ni Alyssa. Malalaman sa laboratory na buntis si Alyssa.
Kaninang umaga lang ay ipinadala sa mansion ang sobre na naglalaman ng laboratory test ni Alyssa. Nagkamali ng napadalhan ang hospital. Akala raw ng mga ito ay dito nakatira si Alyssa.
"Tinawagan ko si Alyssa kanina at tinanong siya about sa laboratory test. Tinanong ko rin siya kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya. Ang sagot niya, ikaw ang ama ng ponagbubuntis niya."
Napaawang ang labi ni Helious. "If Andrea is pregnant that would be more favorable to me." lumaki ang ngiti ni Helious.
"But, she's not Andrea. Her name is Alyssa." pakikipagbangayan ni Athena sa anak.
"Tama ho ba ang narinig ko, ma'am Athena? B-buntis ang anak ko?" bigla na lamang lumitaw ang nanay ni Alyssa at halos hindi ito makapaniwala sa narinig.
Marahang tumango si Athena. Kinuha ni Athena ang sobra mula kay Helious at ibinigay ito kay Manang Andeng.
"Tingnan mo, Manang Andeng. Nakausap ko rin ang anak niyo kanina. Ayaw niya pa ipasabi ito sa inyo."
Bigla na lamang tumulo ang luha ni Manang Andeng. Ang nanay ni Alyssa.
"Pinagsabihan ko na siyang iwasan niya si senyorito pero hindi talaga siya nakinig. Ang tigas talaga ng ulo ng anak ko." habang tumutulo ang luha na sambit ni Manang Andeng.
"Huwag ka mag-alala, Manang. May pananagutan ang anak ko kaya hindi rin ako makakapayag na hindi niya pananagutan ang anak niyo." Hinaplos ni Athena ang likod ni Manang Andeng.
Alyssa's POV
Napapitlag ako ng marinig ang pag-ring ng cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko. Alas otso na pero hindi pa rin ako tumatayo sa kinahihigaan ko.
Wala rin kasi akong pupuntahan ngayon. Ayaw na akong papuntahin ni nanay sa mansion.
Sino kaya ang tunatawag?
Nang tingnan ko ito ay walang nakalagay na pangalan. Tanging number lang ang nakikita sa screen na tumatawag sa akin.
"Hello?" napaupo ako sa maliit kong kama.
"Alyssa..."
Natigilan ako ng marinig ang familiar nitong boses. Kung hindi ako nagkakamali, si ma'am Athena ang nasa kabilang linya.
Bakit siya napatawag sakin? Papapasukin niya kaya ako ngayon?
"Ma'am Athena? Ikaw po ba ito?"
"Ako nga."
Hindi nga ako nagkakamali.
"A-ano po ang kailangan niyo? B-bakit napatawag kayo?"
"May naligaw na sobre rito sa bahay. Ibinigay ng maid sa akin. Nang buksan ko nakita ko ang pangalan mo. It's a laboratory result."
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nito. Laboratory result ko 'yon. Iyon yung nahulog ko dahil sa aking pagkagulat.
"It's also written here...that you're pregnant, Alyssa."
Mariin akong napapikit at kusa na lang tumulo ang aking luha.
Ang hirap kasi magtago ng sekreto. Gustong-gusto kong sabihin kay Nanay na buntis ako pero hindi ko masabi. Natatakot ako sa magiging reaksyon nito.
Sa totoo lang, hirap na hirap na akong maglihim.
"Sinong ama ng dinadala mo, Alyssa? Ang sabi ng nanay mo, wala kang boyfriend."
Ito na nga ang kinatatakutan ko. Si Ma'am Athena pa ang nauna magtanong no'n sa akin.
"H-hindi niyo po kilala." pagsisinungaling ko. Habang sinasabi ko iyon ay patuloy naman na tumutulo ang butil ng aking mga luha.
"Tell me, Alyssa."
Mariin na naman akong napapikit. Parang ano man na oras ay gusto ko ng sumabog at gusto kong sabihin ang totoo.
"Sabihin mo sakin, Alyssa. I will help you."
Nanahimik ako ng ilang segundo.
"Alyssa?" untag ni ma'am Athena.
"Ma'am..."
"I know, wala akong karapatan malaman kung sino ang ama ng dinadala mo but...I can do something to help you."
"Ma'am...natatakot po ako. Natatakot akong malaman ni Inay ang tungkol rito." tuluyan na akong napahikbi.
"Huwag ka matakot. Maiintindihan ng nanay mo 'yon. Babae lang tayo nagiging marupok sa taong mahal natin."
Pinunasan ko ang aking pisngi na napuno na ng aking mga luha.
"Now, tell me, Alyssa."
Huminga akong malalim. Bago ko sinimulan ibuka ang aking bibig para sabihin sa kaniya ang totoo. "S-si...senyorito Helious po."
"Ano?" tila ba gulat na gulat si Ma'am Athena ng sabihin kong ang anak niya ang ama ng dinadala ko. "S-sigurado ka? Pinilit ka ba niya? O dati pa pinagkakamalan ka na niyang ikaw si Andrea kaya may nangyari sa inyong dalawa? He has alzheimer. I wouldn't be surprised kung akala niya ikaw si Andrea habang may nangyayari sa inyong dalawa."
"H-hindi po. K-kusa po akong bumigay sa kaniya. G-gustong-gusto ko po kasi ang anak niyo, Ma'am. I'm sorry po."
Nawala na lang bigla sa kabilang linya si Ma'am Athena. Hindi na ako magtataka kung nagalit ito sa akin. Baka sabihin pa niyang malandi ako.
Mali talagang sinabi ko kay Ma'am Athena ang totoo. Hindi tuloy ako mapakali rito sa sala.
Sa mga oras na ito baka alam na ni Inay. Hindi na ako magugulat kung uuwi rito si Inay at pagagalitan ako.
Paikot-ikot na lamang ako sa sala. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko.
Napaigtad na lang ako ng may nga katok akong narinig mula sa pinto.
Mas nadagdagan pa ang kaba ko. Kung si Inay 'to ihanda ko na ang sarili ko sa galit niya.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko tinahak ang pinto. Nagdasal ako na sana huwag magalit si Inay.
Pagkatapos kong magdasal ay unti-unti kong binuksan ang pintuan.
Hindi ako makapaniwala sa tatambad sa aking harapan.
"S-senyorito Helious?" sambit ko.
"Don't call me that. I'm your boyfriend. I have something to ask you, is it true that you are pregnant, Andrea?"
Andrea? Andrea na naman ang itinawag niya sa akin. Sa likuran ni Helious ay nasilayan ko si Ma'am Athena at si Inay.
Alam na nga ni Inay. Dahil kung hindi niya pa alam. Hindi sana siya kasama ngayon nila Ma'am Athena.
Nang tingnan ko si Ma'am Athena. Tumango-tango ito. Parang gusto niyang sabayan ko na lang ang paniniwala ni Helious na ako nga si Andrea. Ang babaeng iniibig niya na hindi niya na maalala ang mukha.