Alyssa's POV ISANG linggo na ang nakalipas simula ng nagkaroon ako ng lagnat. Ngayon pala ang balik ko sa aking OB. Muntikan ko ng makalimutan. Hindi ko alam kung sasamahan ako ni Helious ngunit susubukan ko siyang yayain. Baka kasi gusto niya ulit marinig ang heartbeat ni baby. Nasa library yata ito. Ilang araw na siyang hindi pumapasok ng office. Mas gusto niya raw dito na lang gawin ang mga gawain niya. Wala raw siya sa mood na pumasok. Paminsan-minsan naman ay umaalis ito at gabi na umuuwi. Susubukan ko siyang puntahan sa library. Kung hindi naman siya sobrang busy baka masasamahan niya ako. Mahinang katok ang ginawa ko. Narinig kong nagsalita siya sa loob. "Come in!" baritonong boses nito. Buti na lang pinapasok niya ako. Nadatnan ko siyang abala sa kaniyang laptop. Kinakaba