Alyssa's POV "Sasamahan kita sa check-up mo pero..hindi ka na sa hospital na iyon magpapa-check-up. Ililipat kita sa mas maganda at magaling na OB." "Huh? Bakit naman? Magaling din naman yung OB ko dun bakit mo pa ako ililipat?" "Gusto mo ba na samahan kita o magtatanong ka na lang?" Napanguso naman ako. "Syempre, gusto kong samahan mo 'ko. Lilipat ako kung 'yon ang gusto mo." Niyakap ko siya ng mahigpit. "Let's take a shower together, wife." pag-aya niya sa akin. Hindi pa sana ako tatayo ngunit hinila niya na ako dahilan para mapatayo na rin ako. Bigla akong tinamad na gumalaw. Gusto ko na lang makayakap siya buong maghapon. Kung puwede nga lang, ngunit hindi naman puwede dahil aalis pa kami at magpapa-check-up. Napatili na lamang ako ng buhatin niya ako palabas ng library.