Alyssa's POV "Manang, nakita niyo po ba si Hel---" "Bakit nagmamadali lumabas si Senyorito?" Sabay kaming napatanong ni Manang nang makapasok ito sa kwarto. Pareho kaming nagkatinginan sa isa't-isa nang ma-realized na pareho kaming tungkol kay Helious ang mga tanong namin. Nasagot ni Manang ang katanungan ko. Ngayon alam ko ng lumabas pa si Helious kahit gabi na. Saan naman siya pupunta? Sino ang tumawag sa kaniya para maging ganoon ang reaction niya? "Pareho pala tayo ng tanong, Ysang. Tungkol din kay senyorito ang tanong mo at ganoon din ako. Saan kaya iyon pupunta si senyorito. Halos liparin niya na kasi ang pintuan kanina habang palabas ito." puno ng pagtataka na sabi ni Manang. Akala ko nga, may nakalimutan lang si Helious sa kusina kaya nagmamadali ito na lumabas ng kwart