DICKSON SERIES 17 GAYUMA

3006 Words

Alyssa's POV Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Tumambad sa akin ang hindi familiar na kisame. Wala ako sa bahay, wala rin ako sa bahay ni Helious at lalong-lalo na, wala ako sa mansion. Nasaan ako? Bigla ko na lang naalala ang huling nangyari bago ako tuluyan na mawalan ng malay. Si Sir Rad, siya ang huli kong nakita bago nandilim ng tuluyan ang aking paningin. Maya maya lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Tumambad sa aking paningin ang napakagwapo nitong mukha. Bigla siyang ngumiti ng makita ako. Unti-unti siya naglakad palapit sa akin. "How are you feeling now?" "M-mabuti." "Hindi ka na ba nahihilo or masakit ang ulo?" Napailing-iling na lang ako. "S-salamat." tipid na salita ko. Nahihiya ako sa kaniya. Hindi pa naman kami gaanong magkakilala. Tsaka isa pa, buyer

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD