FIVE YEARS LATER...
"Uuwi ngayon ang isang anak nila Madam." naglalakad ako sa pasilyo ng mansion ng makarinig ako ng tsismis mula sa mga kasamahan kong kasambahay rito sa mansion.
Sila stay in ako naman ay stay out. Medyo malapit lang naman kasi ang bahay namin sa mansion. Si Inay naman ay patuloy pa rin na nagtatrabaho rito sa mansion.
"Sino ba ang uuwi? Si senyorito Haden ba o si senyorito Hell?"
"Si senyorito Hell daw."
Nanayo ang aking tenga nang marinig ang pangalan ni senyorito Helious.
Uuwi si senyorito Hell? Totoo ba? Uuwi ba talaga siya?
Limang taon na ang nakalipas simula ng umalis si senyorito sa Pilipinas para sumama sa girlfriend nito sa States.
Simula ng araw na 'yon. Ilang araw rin akong malungkot at tulala sa kawalan. Paghanga lang naman yung nararamdaman ko para sa kaniya pero bakit nasaktan ako ng sobra. Lalo na sa huling nakita ko at narinig kong sabi ni senyorito Helious sa kaniyang girlfriend.
--FL*SHBACK---
"Ysang, ano ba nangyayari sa 'yo diyan? Kaninang umaga ng umalis ako nandito ka sa silid mo nagtatalukbong ng kumot pagkatapos ngayon pag-uwi ko nakatalukbong ka pa rin." pumasok sa loob ng kwarto ko si Inay.
Hinawi niya ang kumot ngunit nakadapa ako kaya hindi niya nakikitang umiiyak ako.
"Ikaw na bata ka. Sabi ko sumunod ka sakin sa mansion dahil kailangan ka doon. Bakit hindi ka man lang sumunod?"
Hindi pa rin ako sumasagot. Ayaw ko kasi makita ni Inay na umiiyak ako.
"Bumangon ka nga riyan. Ano ba ang minumukmok mo?"
Hinihila niya ako para paharapin sa kaniya ngunit nagmamatigas ako.
"Humarap ka sa akin Ysang."
Tuluyan na nga akong nakaharap at nakita ni Inay ang mugto kong mga mata.
"Jusko na bata ka! Ano nangyayari sa 'yo? Bakit maga ang mga mata mo? Bakit ka ba umiiyak?"
Hindi ako sumagot.
"Umiiyak ka ba dahil-----dahil kay senyorito Helious?"
Marahan akong tumango habang nakanguso. Napakamot sa ulo si Inay kasabay ng pagsapo ng kaniyang noo. "Jusko naman na bata ka oh! Tinamaan ka nga ng sobra. Puppy love lang 'yan. Mawawala din 'yang paghanga mo kay Senyorito Helious. Tumigil ka na diyan. Bumangon ka na riyan at ayusin mo ang sarili mo." hinihila niya na ako para tulugan ng bumangon pero tinigasan ko pa ang katawan ko.
"Inay, ayaw ko po. Dito na muna ako sa kwarto. Ayaw ko po lumabas."
"Nalintikan ng bata ito oh!" nakapameywang na sabi ng Inay ko. "Bakit ba gustong-gusto mo si senyorito Helious? Dahil ba sa panlabas niyang anyo?"
"Gusto ko siya, Inay eh! Gustong-gusto." naiiyak na sabi ko sa kaniya.
"Jusko! Wala na tayong magagawa diyan sa pagkagusto mo. May ibang mahal na yung taong gusto mo. Isa pa, anak. Hindi kayo bagay ni senyorito Helious. Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na tigilan mo na ang pagkakagusto sa kaniya. E 'di ngayon nasaktan ka ng sobra."
"Hindi ko nga kayang patigilin ang puso, Inay."
"Kung hindi mo kaya. Ano na lang gagawin mo? Magmumukmok ka riyan. Jusko naman na bata ka oh! Dese sais anyos ka pa lang marami pa darating na lalaki sa buhay mo na magugustuhan mo at magugustuhan ka rin."
"Si Helious lang ang gusto ko Inay."
"Hay! Bahala ka sa buhay mo riyan! Kung ipagpipilitan mo iyan. Bahala ka na. Kahit na anong gusto mo dun sa tao, hindi ka magugustuhan no'n. Hindi mo pa rin ba na-gets? Sumama na nga siya sa girlfriend niya kaya sigurado seryoso siya doon sa girlfriend niya." nakatanggap lang ako ng talak mula sa nanay ko. At mas lalo pa nga akong nasaktan dahil sa sinabi nito.
Mas lalo lang akong napaiyak.
-----
NANG MAALALA ko ang nangyari sa akin noon way back 16 years old pa lang ako ay natatawa na lang ako. Ganoon pala ako kapatay na patay kay senyorito Helious. Ilang linggo akong walang maayos na kain at ilang linggo rin mugto ang mga mata ko.
Pero noon 'yon. Sigurado naman akong naka-move on na ako. Five years na ang nakalipas kaya sigurado akong wala na akong gusto sa kaniya. Sabi nga ni Inay puppy love lang iyon.
"Uy! Alyssa! Anong iniisip mo diyan? Bakit nakatulala ka diyan?" napakurap-kurap ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Carde.
"Ah-huh?"
"Halika na sa ibaba. Tanghali raw makakarating dito si senyorito Helious. Kaya halika na. Tulungan mo na kami roon maghanda ng lunch." sabi nito habang naglalakad ito ng paatras.
"Nandiyan na!" kaagad naman akong sumunod sa kaniya.
Pagbaba namin ay abala ang lahat sa pagdating ng anak nila madam Athena.
Ngayon pala talaga ang uwi ni senyorito Helious. Ano na kaya ang hitsura niya? Nag-matured kaya ang kaniyang mukha?
"Alyssa, tulala ka na naman." biglang puna sa akin ni Carde. Si Carde matagal na siya rito.
Inayos namin ang set up ng table. Habang nag-aayos ako ng plato, kutsara at tinidor ay kinakabahan naman ako.
Makikita ko kasi ulit ang lalaking iniyakan ko ng ilang linggo. Ang lalaking dahilan ng pag-mugto ng mga mata ko.
Pero noon 'yon. Hindi na siguro ngayon. Wala na siguro akong mararamdaman para sa kaniya kung makikita ko man siya ngayon.
"Tapos ka na ba diyan, anak?" sa pagkakataong ito ay boses naman ni Inay ang narinig ko. Ilan na ba ang pumuna sa 'kin.
"Tapos na po, Inay."
"Akala ko hindi ka pa rin tapos riyan. Mukhang natulala ka na naman."
"May naisip lang po."
"Ano naman ang nasa isip mo? Siguro si senyorito Helious na naman nasa isip mo noh?" lumapit sa akin si Inay at biglang ibinulong ito.
"Hindi, nay ah!"
"Hindi nga ba? Panindigan mo 'yung pag-mo-move on mo. Kapag hindi mo pinanindigan 'yan. Mauulit na naman ang sakit na naramdaman mo noon."
"Opo, Nay."
---
Habang tumatakbo ang oras ay mas lalo naman akong kinakabahan. Ilang minuto na lang ay nandito na si senyorito Helious. Kinakabahan at na-eexcite na makita ulit ito.
Ngunit lumipas na ang ilang minuto ay wala pa rin ito.
Nasaan na kaya siya?
"Wala pa si senyorito Helious. Mukhang hindi yata dito dumiretso." bulong sakin ng isang kasamahan ko. "Narinig ko kasi kay Manang Isa na dumiretso raw ito sa mga kaibigan niya." dagdag pa nito.
Bigla na lamang akong na-dissapoint ng marinig iyon. Ibig sabihin hindi ko siya makikita ngayon.
--------
Third Person's POV
"Five years dude!" kantiyaw ng kaibigan ni Helious na si Adonis.
Dumiretso si Helious sa bahay ng kaibigan nitong si Rowen. Sa halip na sa mansion ay dumiretso muna siya rito.
"Akala ko nga hindi na 'yan uuwi dito sa Pinas eh!" dagdag naman na asar ni Rowen.
"Siguro sa five years niyo ni Andrea sa States. Sigurado nabuntis mo na 'yon." muli ay pang-aasar ni Adonis.
"If it's just me, I want Andrea to get pregnant but she doesn't want to so I respect her decision." he drank a glass of wine.
"Mahina ka dude! Kung ako niyan bubuntisin ko na. Nagmamahalan naman kayong dalawa. Isa pa, halata naman na ayaw mo na siyang mawala sa iyo. Kaya dapat bago ka umuwi rito binuntis mo na." muli ay sabi ni Adonis.
"Hindi kami okay ngayon. Nagtalo pa kami bago ako umuwi rito sa Pinas. Pinagtalunan namin ang pag-uwi ko rito. Ayaw niyang umuwi ako dito. Isa pa, palaging mainit ang ulo niya."
"Baka buntis na." kaagad na sigaw ni Rowen.
Umiling-iling si Helious. "I know it's not because she's taking pills."
"Yun lang." sabay pa na sabi nila Rowen at Adonis.
Muling uminom si Helious ng alak.
"Huwag ka masyado magpakalasing. Magmamaneho ka pa." pigil ni Rowen. "Dito ka na lang matulog sa bahay. Puwede ka naman dito kaysa magmaneho ka na lasing."
"I'm not drunk yet." kaagad naman na bara ni Helious. "Where's Zayne? Wala ba siyang balak na pumunta rito?"
"He's busy being the CEO of their company." sagot naman ni Adonis.
Si Zayne ang isa pa nilang kaibigan simula college.
------
Alyssa's POV
"Ysang, mauna ka na umuwi sa bahay. Mamaya pa siguro ako makakauwi mga alas onse ng gabi. Sigurado mamaya pa sila madam."
"Bakit, nay?"
"Hihintayin ko muna sila madam. Mag-cash advance ako wala na tayong bigas sa bahay. Siguraduhin mo naka-lock ang pinto. Ikaw lang mag-isa sa bahay kaya mag-ingat ka."
"Opo, wala naman po masasamang loob doon sa atin eh! Mababait naman mga tao do'n."
"Kahit na. Hindi natin alam ang panahon. Sige na, lumakad ka na."
"Sige po, Nay."
Nauna na akong umuwi kay Inay. Palabas na ako ng gate ng marinig ko ang boses ni kuya Domeng.
"Pauwi ka na, Ysang?"
"Opo, kuya Domeng."
"Mag-iingat ka sa pag-uwi."
"Salamat po, Kuya Domeng."
"Kung hindi lang ako naka-duty ihahatid sana kita."
"Naku kuya Domeng ayos lang ako. Kaya ko naman po umuwi mag-isa."
"Oh sige, mag-iingat ka ulit."
"Salamat po ulit, Kuya Domeng."
Tuluyan ko ng tinalikuran ito at nagpatuloy sa paglalakad para makarating kaagad sa sakayan ng jeep.
Halos mabingi pa ako ng bigla na lang may bumusina sa tabi ko. Huminto ang itim na kotse sa tabi ko.
Tinitigan ko ang itim na kotse.
Bakit naman ako binubusinahan ng kotse na ito nasa tabi na nga ako ng kalsada naglalakad. Bubusinahan pa niya ako ng malakas.
Hindi ko inalis ang aking paningin sa bintana ng kotse. Hinintay kong ibaba nito ang tinted window para makita ko kung sino ang laman ng kotseng itim.
Nang unti-unting bumaba ang bintana ng kotse ay doon ko lang nasilayan ang mukha ng taong nagmamaneho no'n.
Nanlaki kaagad ang aking mga mata ng makilala ito. Hinding-hindi ako puwedeng magkamali. S-si senyorito Helious ang nakikita ko. Siya ang bumusina sakin.
B-bakit kaya?
Ang lakas ng tahip ng dibdib ko. Bumilis rin ang pagtibok ng puso ko.
Akala ko, tuluyan na akong naka-move on sa kaniya pero ngayong nakita ko siya. Ngayon ko masasabing hindi pa pala. Hindi pa rin ako naka-move on sa kaniya.
Hindi ako nakapagsalita. Kundi nakatitig lamang ako sa gwapo nitong mukha. Mula sa kinatatayuan ko ay naaaninag ko ito sa lakas ng ilaw sa kalsada na tamang-tama naman ang pagkasakop sa mukha nito.
"Hey!" tawag nito sa akin. "Come closer." utos nito sakin. Nakilala niya kaya ako?
Ako naman ito na uto-uto lumapit sa kaniya.
"A-ano po ang kailangan niyo, S-senyorito?" wala sa sariling tanong ko. Minsan lang mangyari sa buhay kong tinawag niya ako at pinalapit pa.
Mukhang lasing ito. Sa mga mata pa lang niya ay nakikita kong mapupungay ang mga ito.
"Gusto ko pa uminom. Do you know a place where we can have a drink? Just the two of us. Magkano ba ang isang gabi mo?"
Nanlaki na lamang ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman ako bayaran na babae. Akala niya siguro dahil naglalakad ako ay isa na akong pokpok. Marami kasi yun dito lalo na sa mga eskinita.