DICKSON SERIES 2 (HURTS)

1142 Words
Alyssa's POV "Ysang!" nasa kwarto ako nang marinig ang sigaw ni Inang. Yung kwarto ko kasi ay tanging kurtina lang ang nagsilbing takip sa pinto. Kami lang din kasi ni Inang rito sa bahay. Kaya hindi na kami nag-abala pa na lagyan ng pintuan ang kwarto ko. Isa pa, magastos kapag ipapagawa pa namin. Hindi naman kasi puwedeng si Inang ang gagawa. Bata pa lang ako ay hindi ko na nasilayan ang Itay ko. Si Inang lang ang nakasama ko hanggang sa paglaki ko. Ang sabi ni Inay baby pa lang ako ay namatay na si Itay. Maliit pa lang ako namamasukan na siya sa mga Dickson. Kaya mahap na mahal ko ang Inay ko dahil itinaguyod niya akong mag-isa. "Ysang! Gumising ka na! Sumama ka na sa akin sa mansion! Wala ka naman gagawin rito sa bahay kaya tumulong ka na roon. May okasyon ngayon doon dahil graduation nila senyorito Helious at sa mansion gaganapin ang party. Kaya dalian mo na riyan!" muli ay sigaw ni Inang. Nabuhayan ako ng dugo ng marinig ang pangalan ni senyorito Helious. Makikita ko na naman siya. Masisilayan ko na naman ang napakaguwapo nitong mukha. "Maliligo na po ako Inay!" nakasigaw ko rin na sagot para marinig niya. Hindi na muling sumigaw pa si Inay kaya nagmadali na akong bumangon sa aking maliit na kama tsaka lumabas ng aking silid para tahakin ang banyo. Naligo na kaagad ako. Excited kasi akong makita si senyorito. Napakaguwapo niya siguro ngayon. "Ysang! Hindi ka pa ba tapos?" muli ko na naman narinig ang sigaw ng nanay ko. "Heto na po, Nay! Tapos na!" katatapos ko lang din at palabas pa lang ako ng banyo. Nabungaran ko si Inay nakabihis na. Ako na lang talaga ang hinihintay. Napangiwi ako ng samaan niya ako ng tingin. "Ang bagal mo talaga Ysang!" reklamo nito. Nag-peace sign na lamang ako tsaka kumaripas ng takbo patungo sa aking kwarto. Nagsuot ako ng maong pants at tulad sa palagi kong nakasanayan, tshirt na white lang ang palagi kong pina-partner. "Mukhang late na ako sa tagal mo kumilos Ysay." reklamo na naman ng aking Inay. Hindi na lamang ako nagsalita. Pumara ang jeep sa aming tapat at sa wakas nakasakay na rin kami. Pagkababa namin ng jeep ay naglakad pa kami ng kaunti. "Manang Andeng bakit ang ganda ng anak niyo." ngingiti-ngiting sabi ng guard kay Nanay. "Mana sakin 'yan." sagot naman ni Inay. Nagbibiruan lamang sila. "Pero totoo, Manang Andeng maganda ang anak niyo. Kaso nga lang bata pa kaya hindi puwedeng ligawan. Hihintayin ko na lang." dagdag pa na biro ng guard. "Naku! Tigilan mo ako Domeng. Matanda ka na kapag nag-dalaga ang anak ko." Hinawakan ni Inay ang kamay ko tsaka hinila ako papasok sa loob. Sixteen years old pa lang ako pero pakiramdam ko dalagang-dalaga na ako. Pagpasok namin ng gate ay natanaw na kaagad namin ang venue at nag-aayos pa lang naman sila. Tumulong na kaagad si Inay at ako naman ay tumulong din. Excited na nga akong masilayan si Helious. Kaya ng matapos ang pag-aayos ay pumasok ako sa loob ng mansion para mag-ayos ng aking mukha. Inayos ko ang nagulo kong buhok. Wala naman akong make-up kaya walang make-up ang aking mukha. Simpleng powder lang ang nilalagay ko. Wala rin akong lipstick. Hindi ko na rin naman kailangan yun kasi medyo mapula ang labi ko. Paglabas ko at pagbalik sa venue ay medyo marami ng tao. Tutulong pa rin ako sa pag-serve ng mga pagkain. Habang naglalakad ay nahagip ng paningin ko si senyorito Helious. Abot langit na naman ang ngiti ko ng makita ito kasama ang kakambal nitong si senyorito Haden at senyorita Alyana. Napawi lang ang ngiti ko ng makitang may babaeng lumapit kay Helious at ipinulupot kaagad nito ang braso sa braso nito. Sabi nga sa 'yo ni Inay huwag mo na pangarapin ang langit. Anong magagawa ko kahit na anong gawin ko, gusto ko talaga si Helious. Kausap ko sa sarili ko. Nakanguso tuloy ako habang ginagawa ang aking trabaho. Palagi kong naiisip ang nakita ko kanina. Hanggang sa hindi ko namalayan sa kalalakad ko ay may nabangga na pala ako. Pagtingala ko ay nanlaki kaagad ang aking mga mata ng masilayan ko si Ma'am Athena. Ang mommy ni Helious. "Okay ka lang?" Sa halip na ako yung magtatanong kung okay lang ba ito ay siya pa ang nagtanong sakin. Ang bait talaga ni Ma'am Athena. Usap-usapan naman ng mga maid sa mansion na talagang mabait ito. Pero nakakahiya dahil sa pagiging lutang ko ay nabangga ko pa tuloy ito. "P-pasensya na po, Ma'am." kaagad na hingi ko ng pasensya. "No, it's okay. Siguro pagod ka na sa dami ng gawain rito. Dapat magpahinga ka muna." "S-salamat po." nakayukong sagot ko. Hiyang-hiya ako rito. Hindi na rin ito nakapagsalita pa ng bigla ito tawagin ng bisita. Nagpaalam naman siya sakin at muli niyang ibinilin sakin na magpahinga na muna ako. Naglakad-lakad na lamang ako patungo sa garden. Meron kasing swing doon kaya doon na muna ako magpapahangin. Medyo madilim na rin at patapos na ang graduation party. Natigilan ako ng may maaninag akong anino sa hindi kalayuan mula sa akin. Dalawang anino kaya nilapitan ko. Muli akong natigilan ng makilala kung sino ang mga ito. Si senyorito Helious at ang babaeng lumapit sa kaniya kanina. Ewan ko ba pero nagawa kong magtago at makinig sa usapan nilang dalawa. "I'm sorry, babe. Gusto ni Daddy na sumunod ako sa kaniya sa States." "But, what about us?" may tension na sa boses ni Helious. Napatakip na lamang ako ng bibig at mas ginalingan ko pa ang pagtago para hindi nila ako makita. "Long distance relationship puwede naman 'yon 'di ba?" "I don't believe in LDR." Narinig ko na sagot ni Helious. Tila may kurot sa dibdib ko ng marinig iyon. Talagang mahal na mahal ni Helious ang babaeng kausap niya. Tinawag siya nitong babe kaya nakakasiguro akong mag-syuta na silang dalawa. Bakit pa nga ba ako nakinig sa usapan ng may usapan. Ito tuloy ang napala ko, naninikip lang ang dibdib ko. "I'll go with you." Paalis na sana ako ng marinig ko ulit na nagsalita si senyorito Helious. "Sasama ako sa 'yo sa States. I can't live without you, Andrea." Mas lalong nanikip ang dibdib ko sa karugtong ng sinabi ni Helious. Dapat hindi na lang ako nakinig sa kanilang usapan. Nang muli kong ibaling ang aking paningin sa dalawa ay nakita ko na lang nagyakapan na ang mga ito. Tinakpan ko na lamang ang aking mga mata ng makitang naghalikan na silang dalawa. Naninikip ang dibdib kong naglalakad pabalik sa venue. May mga luha rin na pumapatak mula sa aking mga mata. Paghahanga lang naman ang nararamdaman ko para kay senyorito Helious pero bakit ang sakit? Ang sakit makitang nagmamahalan silang dalawa. Ang sakit makitang ang pinapangarap kong lalaki ay may mahal na pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD