"Singkamas! Singkamas po kayo diyan!" mula sa kinaroroonan nila Helious ay rinig na rinig ang boses ng babaeng nagtitinda ng singkamas sa labas ng university.
"Tol, ang ganda oh!" Turo ni Adonis sa isang babaeng abot tenga ang ngiti dala ang basket na may laman na singkamas. Isa si Adonis sa kaibigan ni Helious.
Ilang araw na lang ay graduating na sa course na Business ad si Helious Dickson.
Kalalabas lang nila sila university nang sulyapan niya ang babaeng tinuturo ni Adonis.
"She looks familiar." naningkit ang mga mata ni Helious habang kinikilala ang babaeng nagtitinda ng singkamas. "Natatandaan ko na, anak siya ng maid namin." kaagad na sabi ni Helious ng makilala ito.
Nagtawanan silang magkakaibigan. "Chix pa naman." parang na-dissapoint na komento ni Rowen. Isa rin sa mga kaibigan ni Helious.
Hindi siya nakapagpigil at nilapitan niya kaagad ito.
"Hey, singkamas girl!" tawag ni Helious dito. Kaagad siyang nilingon nito at matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kaniya. Sumilay ang pantay-pantay at mapuputi na mga ngipin ng dalaga.
Mas lalo pa niya nilapitan ang dalaga at tiningnan ng nakakainsultong mga tingin.
Ngumiti pa rin ang babae kahit nakakainsulto ang kaniyang mga tingin. "H-hello, senyorito, Hellious. Bibili ka po ba ng singkamas ko?" nakangiting alok ng tinda nito sa kaniya.
Kaagad niya itong sinamaan ng tingin. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Sa tuwing nakikita niya ang babaeng ito ay hindi maipinta ang kaniyang mukha sa inis.
"Mukha ba akong interesado sa paninda mo? Bakit kailangan mo pa magtinda dito sa labas ng university? May bumibili ba sa 'yo?" inis na tanong ni Helious sa babae.
Nakangiti pa rin ito kahit na sinusungitan niya. "May bumibili naman po sa akin dito. Karamihan nga po mga studyante. Gustong-gusto po kasi nila yung singkamas ko." nakangiti na sagot nito.
Hanggang ngayon hindi nagbago ang sama ng tingin niya rito habang nakakunot pa ang noo. "Hindi ako interesado."
"Kapag natikman mo 'to sigurado ako paulit-ulit ka ng bibili sakin, senyorito, Helious."
Mas lalong kumunot ang kaniyang noo dahil sa pagiging feeling close ng dalaga sa kaniya. "Sa susunod huwag ka ng magtinda rito." Mas lumapit pa siya dito at hinawakan ang braso ng dalaga. Umigting ang kaniyang panga. "Hindi mo ba alam na naiirita ako sa 'yo?" bulong niya rito.
Ang buong akala ng dalaga ay hahalikan siya nito kaya't napapikit ngunit iyon lang pala ang maririnig niya mula rito. Iinsultuhin lang pala siya nito.
Nagulat na lang si Alyssa ng bigla nito hinablot ang basket na may laman ng kaniyang paninda at walang awa na ikinalat sa kalsada.
Nagkalat ang mga panindang singkamas ni Alyssa. Napaawang ang labi ng dalaga. Hindi makapaniwalang nagawa ito ni Helious.
"Sa susunod na makikita pa kita dito. Hindi lang 'yan ang aabutin mo. Naiintindihan mo ba? O baka naman sinusundan mo ako? Alam kong may gusto ka sa akin. Pwes, para sabihin ko sa' yo. Kahit kailan hindi kita magugustuhan. Maghanap ka ng katulad mo." sarkastikong ngumiti si Helious. "Bakit naman ako magkakagusto sa babaeng nagtitinda lang ng singkamas?" umawang ang labi ni Alyssa sa buong pang-iinsulto ng binata sa kaniya.
Tinalikuran siya ni Helious habang nanatiling nakatulala at nakaawang pa rin ang labi.
Alyssa's POV
Tumutulo ang mga luha ko habang pinupulot ko isa-isa ang mga paninda kong singkamas na nagkalat dahil sa kagagawan ni senyorito Helious.
Paano ko nga ba siya nakilala?
Bata pa lang ako kilala ko na siya. Dahil anak siya ng may-ari ng pinagtatrabahuan ni nanay. Bata pa lang ako ay hinangaan ko na siya. Matagal ko na siyang crush kahit pa napakasungit niya at nakakainsulto ang bawat sinasabi niya sa akin.
Sumisinghot ako habang akmang pupulutin ang kaisa-isang natira na lang na singkamas na nasa kalsada. Pupulutin ko na sana ito ngunit may ibang pumulot dito. Nang tingnan ko ang kaniyang mukha. Nasilayan ko ang gwapo nitong mukha. Suot ang university uniform.
"P-pasensya na. Nakaharang yata ako sa daraanan mo." kaagad na hingi ko ng pasensya. Nginitian niya ako kaya lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Dahil dito mas lalong lumitaw ang kaguwapuhan niya.
"Ano ba ang nangyari bakit nasa kalsada nagkalat ang mga paninda mo?" tanong niya sa akin.
"Nabitawan ko kasi ang basket." sagot ko kahit ang totoo ay napagtripan ako ni Helious.
Nakangiti pa rin ito sa akin. Mabuti pa nga ang lalaking ito kahit hindi ko naman kilala at mukha rin mayaman pero napakabait. Hindi katulad ni Helious na mukhang hindi na magbabago pa ang ugali.
Sabagay, mayayaman naman ang lahat na nag-aaral dito.
"Ganito na lang, bibilhin ko na lahat ng paninda mo."
"T-talaga?" hindi ko inaasahan ang sinabi niya.
"Yeah, Magkano ba lahat ng iyan?" Naglabas kaagad ito ng wallet.
"B-baka napipilitan ka lang na bilhin ito. Baka itatapon mo lang. Naawa ka lang sa akin kaya bibilhin mo." napanguso ako.
Ngumiti na naman ito. Hindi ko akalaing sa panahon ngayon may kabaliktaran pa pala sa ugali ni senyorito Helious.
"Hindi ko itatapon' yan. Mahilig ako sa singkamas kaya bibilhin ko. Favorite din ito ni Mommy kaya gusto kong bilhin na lahat. Bakit ko pa ba bibilhin kung itatapon ko lang din naman?" tumaas ang kaniyang makakapal na kilay. Pero napakaguwapo niya.
"300 pesos na lang ito lahat." nakangiting sabi ko sa kaniya. Sa wakas, mauubos na rin ang paninda ko. Madadalaw ko na si Inay sa mansion.
"Here." iniabot niya sa akin ang five hundred pesos ngunit wala akong maisusukli doon.
"Wala akong maisusukli sa 'yo. Teka lang ah. Maghahanap muna ako ng barya." tatalikuran ko na sana ito ngunit pinigilan niya ako.
"No! No need. Keep the change." hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito kaya nabigla ako.
"H-hindi na. Nakakahiya sa' yo." tanggi ko.
"Sa iyo na 'yan."
"Huh?"
"Sa iyo na yung sukli." pag-uulit niya.
Malapad na ngiti ang sumilay sa aking labi "S-salamat, ipa-plastik ko lang para madala mo na."
"Sige."
Pagkatapos kong maibalot iyon ay ibinigay ko na rin sa kaniya. "Aalis na ako. See you around." paalam na nito. Nginitian ko lamang ito. Hindi na ako nakapagsalita pa.
Nakalayo na siya ng kaunti sa akin nang bigla siyang bumalik sa kinaroroonan ko.
"Sumabay ka na sakin. Ihahatid na kita. Ubos na rin naman ang mga paninda mo. Pwede ka ng sumabay sa akin."
"Huh? H-hindi na. S-salamat na lang." kaagad na tanggi ko habang napapakamot sa aking ulo. Nakakahiya na sa kaniya. Binili niya na nga lahat ng paninda ko, hindi pa niya kinuha ang sukli tapos ihahatid pa niya ako.
"Sige, ikaw ang bahala."
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi niya na ako pinilit pa.
Makaka - save nga sana ako ng pamasahe kung sumabay na ako sa kaniya pero talagang nakakahiya. Kaya ang ending maglalakad na lang ako papunta sa mansion. Dadaanan ko lang si nanay para sabay na kami na uuwi.
Hindi naman kalayuan sa university ang mansion kaya ayos lang na maglakad ako.
Habang naglalakad ako. Naalala kong hindi ko man lang pala nalaman ang pangalan ng mabait na lalaking nag-ubos ng paninda ko.
Maulan-ulan kanina kaya medyo madulas ang daan at may mga time na mapapadaan ako sa putik. Sa kamalas - malasan naman ng buhay ko ay nang mapadaan sa putik ay sakto naman na may dumaan na itim na kotse at natalsikan pa ako nito.
Kaawa-awang napatingin ako sa suot kong kulay puting tshirt at sa mukha kong natalsikan rin. Napahilamos ako ng wala sa oras. Naghilamos nga ako, putik naman.
Mabuti na lang ilang hakbang na lang ay mararating ko na rin ang mansion.
Nasa tapat na ako ng gate. Pinagbuksan naman kaagad ako ng guard. Ipakita ko lang ang ID ni nanay pinapapasok na kaagad ako nito. Kilala na rin naman ako nito pero kailangan ko pa rin ng password para makapasok. At ang tanging password lang naman ay ang ipakita ko ang ID ni nanay.
Dumaan muna ako sa may bandang garahe para gumamit ng gripo. Naroon kasi ang gripo. Hindi naman pwedeng sa pool ako maghihilamos ng aking mukha.
Pagkatapos kong maghilamos ay natanaw ko ang kulay itim na kotse.
Mas nilapitan ko pa iyon. Ngunit nakilala ko ito. Ang kotse na ito ang dumaan kanina at dahilan ng pagkakaroon ng putik ng tshirt ko.
Sino kaya ang nagmaneho nito? Kanino kaya ang kotse na ito?
Hinayaan ko na lang, wala rin naman akong magagawa.
Pagpasok ko sa loob ay unang-una kong nasilayan ang mukha ni Helious. May kausap itong babae sa living area.
"Babe naman eh!" reklamo ng babae ng biglang punasan ni Helious ang mukha ng babae ng cake.
Girlfriend niya?
Hinaplos ko ang aking dibdib. May kakaibang sakit na nararamdaman ako dito. Ngayon ko lang nalaman na may girlfriend na pala si senyorito Helious. Wala na talagang pag-asa.
"Hoy! Ysang!"
Napatalon ako sa gulat. Si nanay pala. Mahilig talagang manggulat itong si inay.
"Nanay naman eh! Bakit niyo ba ako palaging ginugulat?" nakanguso na reklamo ko.
"Para naman bumalik ka na sa katinuan mo. Mag-move on ka na anak. May nanalo na, super ganda pa."
Nanay ko ba talaga ito? Talagang pinangalandakan niya sa akin ang sakit.
Noon pa man ay gusto ko na si Helious pero talagang wala na yata talagang chance na magkagusto siya sa akin. Ano ba ang laban ko diyan sa girlfriend niya? Mayaman, maganda at super sexy pa. Sila lang yung bagay. Isa pa, kapag nakikita ni Helious ang mukha ko naiinis siya at palagi niya lang akong iniinsulto at kinukunutan ng noo.
Super hate niya ako.
"Sabi ko naman sa 'yo, nasa ilalim tayo sila nasa ibabaw. Hindi mo siya pwedeng pangarapin anak. Malayong malayo sa katayuan natin ang pangarap mo. Mayaman sila anak... at ang mayayaman ay para lang sa mayaman. Sinasabi ko lang sa iyo ang totoo para ngayon pa lang masaktan ka na at hindi pa masyadong masakit. Dahil kapag umasa ka pa, masasaktan ka pa ng sobra kapag nalaman mong hindi ka talaga niya magugustuhan."
"Nanay naman eh! Realtalk?"
"Realtalk anak para magising ka sa katotohanan."
Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ko.
"Bakit naman ganiyan ang hitsura mo? Yung tshirt mo ang dumi. Teka nga anak, naglaro ka na naman ba para magkapera? "
"Hindi po, nay. Natalsikan lang po ako kanina ng putik habang naglalakad papunta rito. "
"Akala ko, sumasali ka na naman sa laro na habulan ng baboy. Dalaga ka na anak. Kaya huwag ka na sumali sa mga ganoong laro. Hindi na bagay sa iyo 'yon."
"Opo, Inay. Alam ko naman po." sarkastikang sagot ko.