Alyssa's POV "Hindi na ako magtatagal. Uuwi na rin ako." paalam ni Mama. Natigilan naman ito at muling napatingin sa akin. "Hindi ka pa nakapagbihis, Alyssa?" puno ng pagtataka na sabi nito sa akin. Nagbaba ako ng tingin sa suot ko. Yung wedding gown pa rin kasi ang suot-suot ko. Sinulyapan ko si Helious. Nakatingin rin ito sa akin ngunit nang magtama ang aming mga tingin ay kaagad niyang ibinaling sa ibang direksyon ang kaniyang paningin. Hindi na lamang ako nakaimik "Tamang-tama dadaan ako sa Mall ngayon sumama ka na sakin. Ibibili na rin kita ng mga damit." "Naku! Hindi na po kailangan. May mga damit naman po ako." "Kailangan 'yon. Huwag mo na akong tanggihan. Sige na, magbihis ka na para sasama ka sa akin. Hihintayin kita sa ibaba." Hindi pa man ako nakapagsalita ay tina