DICKSON SERIES 5 PREGNANCY

2205 Words
Alyssa's POV ANG HAPDI ng pagitan ng aking mga hita kaya hindi ako masyadong makalakad. Masakit pa ang buo kong katawan parang binugbog dagdag pa ang hapdi ng aking pang-upo dahil siguro ito sa pagpalo ni senyorito gamit ang sinturon. Nilalamig ako kaya nagtalukbong na lang ako ng kumot. "Ysang!" narinig kong tawag ni Inay. Wala akong lakas na sumagot. "Ysang, bakit may dugo ang sofa? Tinagusan mo ba ng iyong regla? Meron ka?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Inay. Hindi naman talaga regla 'yon kundi galing 'yon sa biglaang pagpasok ni senyorito Helious sa akin. First blood ko 'yon. "Nakatalukbong ka na naman. Ang hilig mo talaga magtalukbong. Papasok na ako. Kumain ka na at sumunod sakin sa mansion." Hindi ako sumasagot. Naramdaman ko na lang, hinihila na ni Inay ang kumot paalis sa aking katawan. "Bakit ba ang hilig mo magtalukbong." tuluyan niyang naalis ang kumot. "Bumangon ka na at kumain." hinawakan niya ang kamay ko. "Jusko! Ang init mo. Nilalagnat ka." tila ba hindi makapaniwala na nilalagnat ako. "Buti na lang hindi pa ako umalis, Ysang. Bakit hindi mo sinasabi sa akin na may lagnat ka pala? Jusko na bata ka." Hindi pa rin ako nakasagot. Nakapikit lang ang mga mata ko. "Kukuha ako ng gamot. Kumain ka muna. Subukan mo tumayo riyan para kumain." umiling-iling ako. Hindi nga ako makatayo dahil ang hapdi pa rin ng pagitan ng aking mga hita. Kapag pinilit kong tumayo baka mahalata ito ni Inay at magtatanong na siya kung bakit? Anong sasabihin ko? "Ysang, tumayo ka na diyan. Aalalayan kita." Umiling-iling ako. "Hindi ko po kaya." "Hindi mo kaya? Oh siya, kukuha na lang ako ng pagkain mo at gamot. Umupo ka na lang diyan." Nang umalis si Inay ay sinubukan ko ng umupo mula sa kama na kinahihigaan ko. Nagawa ko naman pero nahirapan. Tamang-tama ang pagbalik niya nakaupo na ako. Dala niya ang pagkain at gamot. "Oh, ito kumain ka na para makainom ng gamot. Magpapaalam lang ako sa mansion na hindi ako makakapasok ngayon. Kailangan kitang samahan rito." "Ayos lang ho ako, Inay. Iwan niyo lang ho ako dito." Sinamaan niya ako ng tingin. "May sakit ka. Uunahin ko pa ba ang trabaho kaysa sa iyo. Ikaw na muna aasikasuhin ko." narinig ko na naman ang strikto nitong boses. "Salamat, Nay." "Oh, kumain ka na." inilapit niya sa akin ang aking pagkain. Nakahanda na rin ang tubig. Ang sarap magkaroon ng Nanay. Kapag may sakit ka inaalagaan ka. "Ano ba nangyari bakit nilagnat ka?" Natigilan ako sa pagsubo ng kanin dahil sa tanong ni Inay. "Umulan ba kagabi pag-uwi mo?" "H-hindi." "Bakit nilagnat ka kung wala namang ulan kagabi? Siguro napagod ka kahapon. Pagkatapos mo kumain uminom ka ng gamot at magpahinga. Maglalaba ako ngayon. Wala ka bang mga labahin?" "A-ako na ho, Inay ang maglalaba ng sakin." kaagad na sabi ko. Kapag hinalungkat niya ang labahin ko makikita niya ang punit kong tshirt at ang punit na panty. Hindi ko pa iyon natatapon. Inilagay ko lang sa labahin. "Bakit parang takot na takot ka? Puwede naman na ako na ang maglalaba." Na-alarma ako ng maglakad si Inay patungo sa basket kung saan nakalagay ang mga labahin ko. "I-Inay, ako na ho ang maglalaba ng sa akin. Hayaan niyo na lang ho 'yan." kaagad na pigil ko. Natigilan siya at napatingin sakin. "Sigurado ka?" Tumango-tango na lamang ako. "Kung ganoon sige, ayaw mo naman na palabahan sakin ang mga labahin mo." Nakahinga ako ng maluwag ng bumalik siya sa kinaroroonan ko. Mabuti na lang hindi natuloy ang paghalungkat niya. Paano kapag nakita niya iyon? Ano na naman ang ipapaliwanag ko sa kaniya? "Bilisan mo na kumain anak para makainom ka kaagad ng gamot." bilin pa niya bago tuluyan na lumabas. ----- Third Person's POV "Bakit ang tahimik mo, Helly?" pabirong puna ni Alyana sa kapatid na kanina pa tahimik. "Na-mi-miss mo na ba kaagad si Andrea?" dagdag na asar pa. Hindi si Andrea ang iniisip ni Helious kundi ang nangyari sa kanila ng anak ng kanilang kasambahay. Nang mahimasmasan tsaka niya lang nakilala ang babaeng nakaniig niya sa sariling bahay pa nito. "Where is Haden?" pag-iiba niya ng usapan. "Matagal ng hindi pumupunta rito si Haden. Simula ng kinuha niya rito si Loren bilang maid niya." sagot ni Alyana. "Saan ka nga pala dumiretso kagabi, Helly? May nakapagsabi sakin na lasing ka raw na umuwi kaninang umaga. Hindi mo ba alam na naghanda kami rito sa pagdating mo pero hindi ka naman pala tutuloy rito?" tanong naman ng Ginang. Ang mommy ni Helious. "I went straight to my friend's house." tipid na sagot ni Helious. "Mas inuna mo pa yung mga friend's mo kaysa sa amin na naghihintay sa 'yo rito." si Alyana. "As if you were excited to see me." masungit na sagot ni Helious kay Alyana. "Bakit ba hindi kayo magkasundo?" Athena asked to her daughter and son. Sinamaan lamang ni Helious ng tingin si Alyana at ganoon rin naman si Alyana sa kaniya. "I'm done." napatayo si Helious at nagpaalam na. "By the way, Mom I like the food." pahabol pa nito bago tuluyan nilisan ang dining. Alam niyang ang Mommy Athena niya ang naghanda ng pagkain para sa kanilang lunch. ---- Alyssa's POV Tatlong araw din akong nilagnat at ngayon lang ako naka-recover. Naiwan naman ako rito na mag-isa sa bahay kaya naglinis na lamang ako para pagdating ni Inay malinis ang bahay, walang kalat at walang gulo siyang makikita rito. Habang naglilinis ako ay naalala ko na naman ang nangyari sa amin ni senyorito Helious. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Iniisip niya rin kaya ang nangyari sa amin dalawa? Hindi ko makalimutan ang ginawa niya dahil dito mismo sa bahay at sa sofa niya pa ako inangkin. Hindi ko nga napansin na nabahiran pala ng dugo ang sapin ng sofa. Mabuti na lang din hindi na nagtanong pa si Inay at pinagkamalan niya na lang ito na mula sa period ko. ---- Mabilis lumipas ang araw. Araw-araw akong nasa mansion dahil nagbabakasakali na makita si senyorito Helious pero nabigo lang ako. Hindi ko siya makita at ang sabi pa ng mga kasamahan ko ng minsan tinanong ko sila kung nasaan ito. Nasa sariling bahay na raw ito palaging umuuwi. Hindi na ulit kami nagkausap ni senyorito. Mukhang ayaw niya nga akong makita. "Inay, umuuwi pa ba si senyorito Helious sa mansion?" "Bakit mo naman naitanong? Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala paghanga mo sa anak ng mga Dickson." "Masama po ba magtanong, Nay?" "Gusto mo malaman? Si senyorito Helious, malapit ng ikasal sa girlfriend niya. Uuwi na ang girlfriend niya rito at sa susunod na linggo ay ikakasal na ang dalawa." Napaawang ang aking labi. Sinapo ko ang dibdib ko dahil sa sakit ng balitang narinig ko mula kay Inay. Ikakasal na si senyorito Helious. Wala ng pag-asa. Wala na bang pag-asa yung nangyari sa amin dalawa? Siya ang napagbigyan ko ng aking p********e. Siya nakauna sakin sa lahat ng bagay na hindi ko pa nagagawa buong buhay ko. "Natahimik ka riyan, Ysang." puna ni Inay. "Ah, huh? W-wala naman Inay." malapit ng kumawala ang kanina pa gustong lumandas na aking luha. Pinipigilan ko lang para hindi ito makita ni Inay. "Banyo lang po ako, Inay." kaagad na paalam ko. Baka kasi hindi ko na mapigilan pa at tuluyan akong mapaiyak sa harapan ni Inay. Pagpasok na pagpasok ko ng banyo ay kaagad lumandas ang aking mga luha. Umiyak ako ng patago sa banyo. Walang ka-alam-alam si Inay sa nangyayari sakin. Ikakasal na si senyorito Helious. Wala ng pag-asa. Siguro oras na rin para tigilan ko na 'to kahibangan ko. Hindi naman talaga mangyayari ang gusto ko. Kinuha niya lang ang virginity ko. Iyon lang talaga ang gusto niya kunin sa akin. Sana hindi ko na lang siya pinagbigyan noong gabi na gusto niyang samahan ko siya. Sana hindi ko na lang siya dinala rito sa bahay. Kasalanan ko rin naman. Kasalanan ko kung bakit nasasaktan ako ng ganito. Ako lang yung nagmamahal at ang taong minamahal ko ay ikakasal na sa iba. Natigilan ako ng may kakaiba akong naramdaman. Biglang umikot ang sikmura ko. Para akong naduduwal. Tinakpan ko ang aking bibig ngunit kahit na anong takip ko ay hindi ko rin naman napigilan. Nagduwal ako ng tuluyan. "Ysang? Ano yung naririnig ko?" katok ni Inay sa pintuan. "Wala po, Inay. Bigla lang po nagbago ang pakiramdam ko. Bigla lang akong naduwal." sagot ko. Pinunasan ko ang aking bibig pagkatapos kong maglinis ng bibig. Pinunasan ko rin ang aking mga pisngi na may bakas ng aking luha bago ko pinagbuksan si Inay. Pagbukas ko ay kaagad na hinaplos ni Inay ang noo ko. "May lagnat ka na naman ba?" nag-aalalang tanong nito sakin. Wala naman siguro akong lagnat. Napailing ako. "Wala po, Inay." iiling-iling na sagot ko. "Bakit ka nagduduwal? Hindi naman mainit ang noo mo. Wala kang lagnat pero bakit ka nagsusuka?" "Siguro sa kinain ko lang po kanina." "Sigurado ka?" "Opo, Inay." "Oh, siya magpahinga ka na. Alas dyes na rin ng gabi matulog na tayo." ----- Kinaumagahan, pagkagising na pagkagising ko pa lang ay tinakbo ko na kaagad ang banyo dahil nakaramdam na naman ako.ng pagduduwal. Ilang beses akong nagduwal sa araw na ito. Paglabas ko ng banyo. Walang tao sa sala. Sinilip ko rin sa kwarto si Inay ngunit wala na ito. Maaga siguro ito umalis. Ano ba nangyayari sakin? Bakit paulit-ulit kong nararanasan ang maduwal. Hindi pa nga ako kumakain. Wala pa nga laman ang tiyan ko. Napaupo ako sa sofa dahil biglang kumirot ang ulo ko. Ilang araw ko ng nararamdaman 'to. Lumipas pa ang ilang araw, parang ayaw ko na lang patakbuhin ang oras para hindi dumating sa araw ng kasal ni senyorito Helious. Ilang araw na rin akong paulit-ulit naduduwal sa umaga at sumasakit rin ang aking ulo. Napanuod ko lang sa TV katulad ng nangyayari sa akin ngayon. Kabado ako at nanginginig ang kamay ko habang hawak ang pregnancy test. Sekreto akong bumili ng pregnancy test. Ayaw kong malaman ito ni Inay. Sana lang isang guhit lang ang makikita ko. Huminga akong malalim bago ko ito pinatakan ng aking urine. Nakapikit ang aking mga mata habang hinihintay ang resulta. Bumilang ako ng tatlo bago ko iminulat ang aking mga mata. Nanlaki kaagad ang mga mata ko ng tumambad sa aking paningin ang dalawang guhit sa aking pregnancy test. Para akong nanghina ng makita iyon. Tinakpan ko ang aking bibig ng magsimulang tumulo ang aking mga luha. "Dalawang linya, ibig sabihin...b-buntis ako." halos hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko inaakalang magbubunga ang nangyari sa amin ni senyorito. Kapag nalaman ito ni Inay sigurado akong magagalit ito sa akin. Dahil ilang ulit niya ng pinaalala sakin na huwag na huwag kong isusuko ang p********e ko sa lalaki hangga't hindi kami naikakasal. Napahikbi na lang ako sa loob ng banyo. Mabuti na lang wala si Inay dahil kung nandito siya makikita niya at maririnig niya mga hikbi ko. Anong gagawin ko? Lakas loob kong pinunasan ang aking pisngi. Itinago ko sa bulsa ng aking pantalon ang pregnancy test. Nakapagpasya na akong ipapaalam ko ito kay senyorito. Matutuwa kaya siya? Buong tapang akong nagpasya na umalis ng bahay para pumunta sa mansion. Sana lang nasa mansion si senyorito. Sana makita ko siya at masabi ko sa kaniya na buntis ako. Mula sa gate ng mansion ay natanaw ko ang paglabas ni senyorito. Nilapitan ko kaagad ito at tinawag. Napalingon ito sa akin. Papasok na siya sa kaniyang kotse ng magawa pa niya akong lingunin. "Senyorito, buti naman nakita kita." masayang sabi ko sa kaniya. Kunot na kunot naman ang noo niyang nakatingin sa akin. "What the hell are you doing here?" Sinabi ko sa kaniyang buntis ako. Ipinakita ko rin sa kaniya ang pregnancy test na mayroong dalawang linya. Ngunit mas lalo lamang kumunot ang noo niya. "Paano mo mapapatunayan na ako nga ang ama ng batang iyan? "Anak mo 'to." "Well, wala akong pakialam. Ipalaglag mo." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Malay ko ba kung bukod sa akin meron pa ibang tumikim sa 'yo. Tapos ngayon ipinapaako mo sa akin ang batang iyan? Are you out of your mind?" "Ikaw lang ang nakagalaw sakin, senyorito alam mo 'yan. Ikaw ang nauna sakin. Ikaw ang nakakuha ng virginity ko. Alam mo naman 'yon 'di ba?" halos pumiyok ang boses ko. "Well, your virginity is nothing to me. Hindi mahalaga sakin ang virginity mo. Ang virginity ay isa lamang hymen na napupunit." Mas lalong nalaglag ang aking panga sa sinabi niya. Tumulo na ng kusa ang aking mga luha. "Hi, babe!" Kaagad akong tumalikod ng makarinig ng boses ng babae. Pinunasan ko kaagad ang aking mga pisngi para hindi nito makita ang mga luhang tumakas mula sa aking mga mata tsaka ko sila hinarap. "Hey, sino siya?" baling ng fiance niya sa akin. Nakapulupot ang braso nito kay senyorito Helious. "I don't know her." sagot ni senyorito na mas lalong nagpasikip sa aking dibdib. "So, let's go?" nakangiting yaya ng babae. "Sure, baby." hinalikan pa niya ito sa labi. Ako na lamang ang kusang tumalikod. Sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha habang naglalakad ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD