Third Person's POV
"Sino 'yon, babe? Talaga ba na hindi mo kilala ang babaeng 'yon? Para kasing namumugto ang kaniyang mga mata... looks like you even talked to her."
Habang nagmamaneho ay biglang naitanong ni Andrea. Binuksan nito ang pangyayari kanina sa labas ng gate ng mansion.
"Huwag mo na isipin ang babaeng 'yon. I already told you that I don't know her. Pinagdududahan mo ba ako?"
"I'm just asking." inirapan siya ni Andrea. "Hindi naman siguro gano'n ang klaseng babae na gusto mo 'di ba? Ang layo ng hitsura ko sa kaniya."
"I'm sorry, babe." pinagapang niya ang kaniyang kamay para mahawakan ang kamay nito. Marahan niya ito na pinisil para kumalma. Tsaka siya napatingin sa mukha ni Andrea.
"Let's not talk about that girl, babe. Alam mo naman kung ano ang gusto ko sa babae. Magseselos ka na lanh sa babaeng 'yon pa."
"Hindi ako nagseselos sa babaeng 'yon, Hell."
"Okay, enough. I know. Let's not talk about her, okay? Let's talk about our upcoming wedding." muli ay marahan niyang pinisil ang kamay ni Andrea tsaka dinala ito sa labi para halikan.
Napangiti si Andrea.
Habang si Helious naman ay binabagabag ng kaniyang isip. Kanina pa niya iniisip ang sinabi ni Alyssa.
Natatakot siyang baka malaman ni Andrea na may nangyari sa kanila ng babaeng nakita nito kanina.
"s**t!" bigla na lamang siyang napahampas sa manibela na ikinagulat naman ni Andrea.
"Hey! What is happening to you?" nakataas ang mga kilay na tanong ni Andrea.
"Nothing."
Dahil sa pag-iisip niya nakalimutan niya ng kasama niya si Andrea. Hindi maalis sa isip niyang nagawa niyang tumikim ng iba. Sumasakit na ang ulo niya kung paano niya iti sasabihin sa fiancee.
"Andrea..." sambit niya tsaka sinulyapan ang kaniyang fiance.
Buong pagtataka naman na napatingin sa kaniya si Andrea. "What? Is something bothering you?"
Huminga siya ng malalim. "Nothing again." sagot niya nang ma-realized niyang hindi ito ang tamang oras para sabihin kay Andrea. Mananatiling lihim ang nangyari sa kanila ni Alyssa.
"Parang napapansin ko kanina ka pa parang hindi mapakali kahit nagmamaneho ka? Merong bumabagabag sa isip mo, babe alam ko. Kaya sabihin mo sakin kung ano 'yon."
"Wala, kalimutan mo na 'yon."
"No!" mariin na sambit ni Andrea. "I know, babe. Now tell me! Alam kong may itinatago ka sakin. Simula ng umuwi ako napapansin kong palagi kang tulala." lumakas ang boses ni Andrea na tila napipikon na.
"Andrea, wala. Wala akong tinatago sa 'yo."
"Nagsisinungaling ka sakin. Alam mo na ayaw ko sa sinungaling. Ihinto mo."
"Andrea, mag-aaway pa ba tayo?"
"Hindi tayo mag-aaway kung hindi ka nagsisinungaling sakin, Hell! I know you are hiding something from me!" puno ng inis na sigaw ni Andrea. "Stop the car!" utos nito ngunit hindi niya sinunod. "I said, stop the car!" nagawa pa nga nitong hawakan ang manibela at dahil nawala siya sa huwesyo ay nakabig niya ito ng malakas.
"Andrea!" sigaw niya ng makitang nag-iba ng direksyon ang kotse. Alam niya ng mababangga sila sa poste.
"Babe!" sigaw ni Andrea na puno ng takot.
That was the last shout he heard from Andrea and after that his vision darkened.
------
Alyssa's POV
IBINUHOS ko na lang sa pagkain ang nararamdaman kong sakit sa mga sinabi ni senyorito Helious sakin.
Takam na takam ako sa siopao kaya bumili ako ng dalawa. Napatingala ako sa malaking TV na nasa aking harapan.
Pagkatapos kong sabihin kay senyorito Helious na buntis ako ay kaagad akong nagtungo ng hospital para magpa-check-up. Gusto ko rin masigurado kong buntis nga ba talaga ako kaya humingi ako ng result ng laboratory test. Para ma-check na rin ang aking dugo.
Napaupo na lang muna ako. Habang nakaupo ay bumabalik sa isipan ko. Ayaw ko na sana isipin pa ang mga sinabi ni Helious sakin pero kusang lumalabas sa isip ko.
Gusto niyang ipalaglag ang bata. Naisip niya ba yung sinabi niya?
Napapikit ako at ninamnam ang sarap ng siopao. Kahit na ayaw niya sa batang ito. Hinding-hindi ko ipapalaglag ang batang ito.
Mamahalin ko ito ng higit pa sa sarili ko.
Kusa na lamang tumulo ang luha ko. Naaawa ako sa bata. Nasa tiyan pa lang siya ngunit puno na ng galit sa kaniya ang kaniyang ama. Wala lamang pagdadalawang isip sabihin sakin na ipalaglag ito. Hindi man lang nga yata nakonsensya sa sinabi niya.
Natigilan ako sa pagnguya ng siopao ng makita ang sasakyan na tila familiar sa akin. Nasa news TV. Napatitig ako sa balitang nag-flash back sa TV.
"Kani-kanina lang ay natagpuan ang magkasintahan na walang malay pagkatapos mabangga sa poste ang sinasakyan ng mga ito." napatayo ako bigla. Hinding-hindi ako puwedeng magkamali. Sasakyan ni senyorito Helious ang nakikita ko sa TV. Malinaw pa sa akin ang kotse niya na nakaparada sa labas ng mansion.
"Kasalukuyan ang mga ito ay nasa hospital. nakilala ang mga ito sa pangalang Helious Dickson at Andrea Jones. Si Helious Dickson ay isa sa mga anak ng sikat na negosyante rito sa Pilipinas habang si Andrea Jones naman ay isa rin sa anak ng negosyante." tila nanlambot ang aking mga tuhod. Hindi nga ako nagkamali. Sila nga ang naaksidente.
"Hindi pa alam kung ano ang update sa hospital." patuloy na pagbabalita sa TV.
Nabitawan ko ang siopao na hawak ko. Ang lakas din ng kaba sa dibdib ko.
Kamusta na kaya siya?
Tila natulala ako pagkatapos marinig ang balita. Hindi ako puwedeng tumayo lang dito. Gusto kong malaman kung anong nangyari kay senyorito Helious.
Saang hospital kaya sila dinala? Hindi ako mapakali. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko at nangangatog rin ang mga tuhod ko. Kinakabahan ako.
Nang makita ang nurse na papalapit sa akin ay bigla ko ito tinawag. "Nurse!"
Napalingon ito sa akin tsaka ko nilapitan. "Yes, ma'am?"
"Y-yung nasa TV news." turo ko sa malaking TV.
"Bakit po, ma'am?"
"S-saan kaya dinala ang magkasintahan na naaksidente? Meron pa bang detalye na nilagay sa news? Hindi ko na kasi napansin dahil napuno na ako ng kaba kanina."
"Kaano-ano niyo po, ma'am ang mga naaksidente?"
Anong sasabihin ko? Anong isasagot ko?
"Ah, k-kaibigan."
"Kaibigan niyo pala, ma'am." napatitig sa akin ang nurse. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi naman kasi kapani-paniwalang kaibigan nila ako dahil sa suot ko. Kaya niya siguro ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Dito po sila dinala, ma'am. Nasa emergency room po yung babae at ang lalaki naman po ay nasa room 128. Yung babae po ang napuruhan, ma'am." sagot ng nurse sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag ng marinig iyon mula sa kaniya. Sa parehong oras ay naawa ako sa kasintahan ni senyorito Helious.
"Miss." napalingon ako sa tumawag sakin. Isa rin nurse.
"Miss ikaw po ba si Miss. Alyssa Gonzales?"
"O-opo, ako nga po."
"Ito na po yung result ng laboratory niyo." napaawang na lang ang aking labi ng mahawakan ko na ang laboratory result.
"S-salamat." pagkatapos kong magpasalamat ay kaagad akong nagpaalam sa kaniya na aalis na.
Gusto kong makita si senyorito Helious. Gusto kong malaman kung ayos nga ba ito? Wala na sa akin ang aking laboratory test. Hindi ko nga man lang ito tiningnan. Basta na lang ako naglakad patungo sa tinurong kwarto ng nurse sa akin kung saan naroon si senyorito Helious.
Nasa tapat na ako ng pintuan ng room kung nasaan si senyorito.
Hindi ko magawang pumasok sa loob. Kinakabahan ako.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng may magsalita sa aking likuran.
"Alyssa?" kaagad akong napako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses ni madam Athena.
"Ysang?" mas lalo pa akong napako sa kinatatayuan ko ng marinig rin ang boses ng aking Inay.
Napapikit ako ng mariin.
Anong ginagawa ni Inay rito?