Alyssa's POV Ang sakit ng likod ko ng magising sa umaga dahil yung sapin ko ay tanging mga damit ko lang na pinagsama-sama para malagyan ng sapin ang papag ng kubo. Kaagad kong tiningnan ang aking cellphone kung anong oras na. Pasado alas dyes na ng umaga. Ang sikat ng araw ay tamang-tama dito sa aking pwesto. Pero hindi ko man lang naramdaman iyon kanina habang nakahiga ako at mahimbing pa na natutulog. Makakaya ko kayang magtagal dito? Kaya ko pa ba magtiis? Paano kung uuwi na lang ako? Anong sasabihin ni Inay sakin? Sasabihin niya lang sakin ang mga sermon niya sakin noon. Ayaw kong mapahiya kay Inay. Nakaramdam ako ng pagkagutom. Hinaplos ko ang aking tiyan. Wala na kaya si Helious? Pumasok na kaya siya? Kailangan kong kumain. Gutom na gutom na ako. Kagabi pa ako hindi nak