Third Person's POV "I'm sorry, Rad pero si Helly ang gusto ko. Sana maintindihan mo." Napayuko si Rad dahil sa sinabi ni Andrea. Nasa highschool pa lang sila ng ligawan ni Rad si Andrea ngunit iba ang gusto ng dalaga. "Nanliligaw na ba sa 'yo si Hell?" tanong ni Rad. "Mag-iisang buwan na siyang nanliligaw sakin at balak ko na siyang sagutin." Mas lalong nalungkot ang mukha ni Rad ng marinig iyon mula kay Andrea. "Kung mahal mo siya at siya talaga ang magpapasaya sa 'yo tatanggapin kong talo ako. Ang gusto ko lang maging masaya ka sa taong pinili mo." "Thankyou, Rad." "Kaibigan ko naman si Hell. Alam kong hindi ka niya lolokohin. Ayos lang ako, Andrea. Mawawala rin ang sakit na ito. Atleast alam kong magiging masaya ka sa piling ng kaibigan ko." "Thankyou again, Rad." Walan