Matagal muna niyang tinitigan si Gianna, saka humugot ng malalim na paghinga. Siguro nga kailangan rin niyang magpaliwanag kay Gianna sa nangyari. "Gianna," simula niya, matapos humugot ng malalim na paghinga, habang nakatingin sa kanya ang magandang dalaga at naghihintay sa paliwanag niya. "Wala akong intensyong saktan ka sa ginawa ko Gianna. But, sinubukan ko naman na kumbinsihin ka na huwag pumayag sa engagement natin, iyun nga lang hindi ka pumayag that time," he said. Hindi nga niya alam kung ano nga ba ang dahilan ni Gianna sa madali nitong pagpayag na magpakasal sa kanya. Samantalang ang daming manliligaw nito, bata pa rin naman ito para sabihing nagmamadali na itong magpakasal. Isama pang No boyfriend since birth ito, dapat lang na naging makilatis ito sa lalaking mapapangasawa.