Naramdaman niyang may mga matang nakatingin sa kanya, kaya naman dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. Muntik pa nga niyang makalimutan kung nasaan siya, dahil na rin sa dami ng nangyari kanina. Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa may paanan ng kama. "Cal.. Calvin," mahinang tawag niya sa lalake. "Gianna, are you ok?" Calvin asked her. Bumangon siya at naupo naman sa kama, sinandal ang likod sa may headboard. Wala naman siyang masamang pakiramdam. Ewan nga niya kung bakit nakatulog siya kanina. Natakot lang naman siya kay Mr. Lee. Buong buhay niya wala pang naglakas loob na mambastos sa kanya, dahil siya si Gianna Saavedra. Sa pangalang dala palang niya ay matatakot na ang mga lalaking magsusubok na bastusin siya. "Yeah... Yeah.. Calvin I am ok,"