Gianna-1
"Papa where is Calvin?" Naluluha niyang tanong sa Papa Gael niya nang puntahan siya ng ama sa sasakyang sinasakyan niya. Kanina pa siya nasa loob ng sasakyan at hindi makababa dahil wala pa daw ang groom. Mukhang hindi sisipot si Calvin sa kasal nila, mukha tinotoo nito ang pagbabanta nito sa kanya na hindi matutuloy ang kasal, kahit ano pa ang gawin niya. Mukhang hindi na nga matutuloy ang kasal dahil wala ang groom.
"Calvin is not here, Gianna. And I am about to call off this wedding. Hindi ko na hahayan pang maghintay ka pa diya sa loob ng kotse kay Calvin kahit isang minuto!" Galit na sabi ng ama sa kanya. Ngayon lang niya ito nakitang nagalit ng ganito. Tahimik at malambing ang kanyang ama, pero mukhang napuno na ito ngayon kay Calvin.
"What happened po ba Papa?" She asked. Although may idea na siya kung bakit hindi siya sinipot ni Calvin at pinahiya siya ng ganito.
Calvin hates her so much, iniisip kasi nito na siya ang nagmamanipula sa mga magulang nila para magpasakal sila nito. Pero wala siyang kinalaman sa kagustuhan ng mga magulang nila na makasal sila, sumunod lang din naman siya sa mga magulang niya, dahil alam niyang hindi siya ipapahamak ng mga ito. Nag-iisang anak na babae lamang siya nina Gael at Anya Saavedra. Ang Kuya Gideon niya ay may asawa na ngayon at bumubuo na ng sarili nitong pamilya. At siya naman pagkagraudate niya sa Colegio de San Sebastian ay pumayag siyang na engaged agad kay Calvin Ramirez. Ang nag-iisang anak ng mga Ramirez sa karatig bayan ang San Gabriel. Ang mga Ramirez ang nagmamay-ari sa malaking TV station sa bansa, bukod pa roon at may ibat-ibang negosyo pa ang mga ito. Kaibigan ng Papa Gael niya ang mga magulang ni Calvin kaya ganoon na lang napagkasunduan ng mga ito na ipakasal sila ni Calvin. Gwapo si Calvin, unang kita palang niya sa binata tinamaan na siya agad. Kaya siya pumayag sa kagustuhan ng mga magulang niya. Masungit at ayaw sa kanya ni Calvin sa simula palang. Pero dahil biglaan siyang nagkagusto sa binata kaya hindi na niya pinansin ang sama ng ugali nito sa kanya. Pero wala siyang idea na magagawa ni Calvin sa kanya ang ganito, ang iwan siya sa ere, ang hindi siputin sa araw mismo ng kasal nila. Pinakahiya siya masyado ni Calvin.
"Wala ring alam ang mga magulang ni Calvin kung bakit hindi sumipot. Hindi rin nila ito makontak pa. Wala ring nakakaalam kung nasaan ito ngayon,'' litanya ng ama sa kanya.
"Gusto ko na po umuwi, Papa," malungkot na sabi niya sa ama, kasabay ang pagpatak ng kanyang luha.
"Sige na Manong Fred, iuwi mo na muna si Gianna," utos ng ama sa driver ng sinasakyan niya.
"Opo Sir," tugon ng driver at umandar na ang sinasakyan niyang kotse. Wala na siyang nagawa kundi umiyak na lang ng umiyak sa loob ng sasakyan.
"I hate you, Calvin," paulit-ulit niyang sabi habang tila giripo sa walang tigil na pagpatak ng kanyang luha.
Pagdating sa bahay nila nagtatakbo siya papasok. Nagulat pa ang mga kasambahay na naroon sa pagdating niya, pati na sa itsura niya. Umiiyak kasi siya.
"Ma'am Gianna," tawag ng mga ito sa kanya. Hindi niya pinansin ang mga ito at nagtuloy sa pag akyat sa hagdan.
"Ma'am Gianna ano po ang nangyari?" Usisa pa ng mga ito.
Wala siyang naging tugon, nagtuloy siya sa pag akyat sa hagdan kahit nahihirapan siya sa haba ng kanyang gown.
Nagtatakbo siya patungo sa silid niya at doon nilabas ang lahat ng sama ng loob kay Calvin. Dumapa siya sa kama habang umiiyak.
"I hate you, Calvin! I hate you!" Paulit-ulit niyang sabi habang pinapalo ang mga kamay sa kama.
Hindi niya inakala na kayang gawin ni Calvin ang ganito. Ang daming malalaking tao ang inimbitahan nila sa kasal na ito, ang laki rin ng gastos ng pamilya nito para sa engrandeng kasal nila na balak pang ipalabas sa TV station ng mga Ramirez. Pero worst ang nangyari. Tiyak na mababalita pa siya sa lahat ng TV stations at pati na sa newspapers. Siya ang babae, kaya siya ang napahiya ng husto sa ginawa ni Calvin.
Habang umiiyak at nakadapa sa kama, narinig niyang nag ring cellphone niya. Wala siyang balak makipag usap kanino man ngayon, wala siyang balak ipaliwanag ang nangyari na siya mismo at kinagulat niya. Tuloy pa rin ang pag ring ng cellphone niya kaya nairita na siya. Dadamputin sana niya iyon para i turn off, iyon nga lang natigilan siya nang mabasa ang pangalan ni Calvin sa screen.
"Calvin!" Bulalas niya at napabalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga. Naupo siya at marahas na pinunasan ang mga luha sa pisngi.
"Calvin," sagot niya sa cellphone.
"Hi, sweetheart. How's my gift? Do you like it?" Kaswal na tanong ni Calvin sa kanya sa kabilang linya na para bang wala itong ginawang malaking gulo.
"How dare you, Calvin!" Hiyaw niya sa galit na hindi mapigilan. Lalong sumiklab ang galit niya nang marinig ang sinabi nito. Sinadya nito ang lahat.
"Sinabi ko naman sa iyo, Gianna. Hindi ako ang lalaking basta-basta mapapasunod ng isang spoiled brat na katulad mo. Ano sa tingin mo ba lahat na lang ng gusto mo ganoon mo lang kadaling makukuha. Iba ako Gianna Saavedra. Huwang mong kalimutan kung sino ako. Calvin Ramirez, Ms. Gianna Saavedra," mahabang litanya nito sa kanya.
"Napakasama mo! Kung ayaw mo sa akin, hindi mo na sana pinaabot pa sa ganito! Pati mga magulang natin dinamay mo pa!" Asik niya. Nanggigigil siya sa galit sa lalake. Kung nasa harapan lang niya ito tiyak na pinagbabato na niya ito.
"Tama lang din sa kanila ang nangyari. Para alam nila na hindi sila dapat nakikialam sa buhay natin. Lalo na sa akin na walang balak maikasal sa batang tulad mo!" Calvin hardly said.
"Hindi ako bata!" Mariin niyang sabi. Although 8 years ang age gap nila ni Calvin. Para sa kanya balewala sa kanya ang age gap na iyon, dahil gusto niya si Calvin. Pero matapos ang nangyaring ito hindi niya alam kung masasabi pa niyang gusto niya ang lalake.
"Goodbye for now, Gianna. See you when I see you, sweetheart," paalam pa nito sa kanya. At bago pa siya nakapagsalita muli wala na ito sa kabilang linya.
"Aaaahhhhh!" Sigaw niya sa galit sa lalake.
Buong buhay niya ngayon palang siya napahiya ng ganito, hindi lang siya ang napahiya, pati na ang mga magulang niya. Tiyak na pagtatawanan siya ng mga tao sa paligid nila. Paano pa siya haharap sa ibang tao ngayon? Panigurado na mamaya lang nasa news na sila ni Calvin, tiyak na mapapahiya na siya sa buong pilipinas.
"Damn you, Calvin. I hate you!"