"What? Gusto mo kong tumira dito sa bahay mo?" Bulalas niyang tanong kay Calvin. "Yes, Gianna. Para naman kahit papano mabawasan ang guilt na nararamdaman ko sa iyo sa ginawa ko. I know naman na narito ka sa Maynila mag-isa para mapatunayan mo sa mga magulang mo na kaya mong tumayo sa sarili mong mga pa, Gianna. But, iba ang Maynila sa San Sebastian, Gianna, maraming panganib ang narito kumpara sa bayan ng San Sebastian," mahabang paliwanag sa kanya ni Calvin. Iniisip nitong nais lang talaga niyang maging independent kaya siya narito mag isa. Wala itong idea na kaya siya narito sa Maynila ay para pahirapan ito, para akitin ito sa araw-araw na magkasama sila, para ma realized nito kung ano ang sinayang at binalewala nito. Planado niya ang pagpasok niya bilang secretary sa RTV kasabwatan