Buong lakas niyang tinulak si Calvin palayo sa kanya, para makawala rito, hindi naman siya nabigo at nagawa niyang itulak ito palayo at tuluyang makawala ang labi niya sa labi rito.
"How dare you!" Asik niya. Nanlalaki ang mga mata niya sa galit habang taas, baba ang kanyang dibdib sa pleasure na naramdaman mula sa magaspang na paghalik sa kanya ni Calvin.
Hindi siya makapaniwala na sa ganoong paraan niya mararanasan ang unang halik niya mula kay Calvin. Magaspang at walang ka ingat-ingat siya nitong hinalikan na tila ba isa siyang mumurahing babae lamang at hindi isang Saavedra. Si Calvin ang una lalaking humalik sa labi niya. Matagal niyang iningatan ang sarili, walang sino mang nakakalapit sa kanya ng basta-basta, maingat at mahalaga siya sa sarili niya, dahil mataas ang tingin niya sa sarili niya. Nais niyang maipagmamalaki siya ng lalaking mapapangasawa niya, at si Calvin na sana iyon kung hindi lang siya tinakbuhan sa mismong araw ng kasal nila.
"Bastos ka!' Asik niya at isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi nito. Hindi nito nagawang makailag kaya tinamaan niya ito ng husto. Tumabingi ang pisngi nito na agad pa nitong hinawakan. At masamang tingin ang pinukol nito sa kanya. Tinaas naman niya ang mukha para magpakita ng katapangan sa lalaking kaharap.
"F*ck!" Malakas na mura ni Calvin sabay taas pa sa kamay nito, akmang gaganti ito ng sampal sa kanya.
"Aaaahhh...," tili niya sa gulat at takot. Mariin niyang pinikit ang mga mata at hinintay ang pagdapo ng malapad na palad ni Calvin sa kanya.
"Damn it!" Mura muli ni Calvin. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata matapos ang ilang sandali at walang dumadapong kamay sa pisngi niya.
Nakita niya lumayo si Calvin sa kanya. Hindi nito natuloy ang pagtangkang pagsampal sa kanya. Napalunok siya, sabay atras, napahawak pa siya sa upuang naroon, bigla kasing nanlambot ang kanyang mga tuhod. Nanginginig ang buong katawan niya sa takot. Buong buhay niya ngayon lang may nagtangkang manakit sa kanya at sa dinami-dami pa ng taong pwedeng manakit sa kanya si Calvin pa, ang lalaking muntik niya mapakasalan.
"F*ck!" Malakas na sigaw ni Calvin sabay sipa pa nito sa couch na naroon. Napakislot siya. Hindi makakilos sa takot. Mali ang magpakita siya ng takot kay Calvin dahil baka lalo lang siya nitong lamunin. Pero natakot talaga siya sa kanyang gawin ni Calvin sa kanya. What if sinampal din siya nito? What if saktan siya nito physically?
"Wala pang babaing nakasampal sa akin Gianna," tagis bagang nitong sabi sa kanya. Mukhang natamaan niya ang mataas nitong ego.
Nagtaas siya ng kilay at ngumisi. Kahit papano natuwa siya sa narinig at napawi ang takot niya, dahil sa kauna-unahang pagkakataon nasampal ang isang Calvin Ramirez. She is proud dahil siya ang nakasampal sa lalake.
"So, at least ngayon hindi ka na manhid," taas kilay niyang sabi.
"Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga babaing nagtatapang-tapangan?" Calvin asked at humakbang palapit sa kanya. Kumunot ang noo niya at wala sa loob na napaatras siya habang papalapit ang lalake sa kanya.
"Wala akong pakialam Calvin. Dapat lang na sampalin ang bastos na katulad mo!" Matapang pa rin niyang sabi, kahit kabado at halos sumabog na ang dibdib niya sa kaba. Patuloy pa rin si Calvin sa paglapit sa kanya, kaya patuloy rin siya sa pag atras.
"Bastos? Why? Hindi mo ba nagustuhan ang halik ko?" Nakangisi nitong tanong sa kanya.
"Kahit sinong babae hindi magugustuhan ang halik na iyon Calvin!" Asik niya.
"Sabihin mo nga sa aki Gianna, ako ba ang first kiss mo?" Tanong nito at huminto sa paglapit sa kanya. Bahagya siyang nakahinga ng maluwag at huminto rin sa pag hakbang. Hindi siya kumibo, wala siyang balak sagutin ang personal nitong tanong.
"Nakapagtanong-tanong na ko about Gianna Saavedra the Saavedra Princess eh, " Calvin said. Kunot noo lang ang naging tugon niya.
"Napagalaman ko kung gaano ka kapihikan sa mga lalake. Wala daw pumasa ni isa sa mga manliligaw mo before. Wala ka ring pinaunlakan ni isang date sa mga nanligaw sa iyo, Gianna. Totoo ba iyon?" Litanya nito sa kanya.
"Kanino mo naman nalaman ang mga bagay na iyan?" She asked.
"Easy, I am Calvin Ramirez. Ano mang bagay kaya kung malaman kung gusto ko," Calvin answered. Oo nga pala hindi niya dapat kalimutan na hindi basta-basta lang ang mga Ramirez sa bansa nila. Hindi lang sa isang bayan tinitingala ang mga Ramirez kundi sa buong bansa. Kaya walang duda na kaya nitong alungkatin kahit ang pinaka pribado niyang buhay.
"So, ano? Are you really a princess na hindi kayang abutin ng lahat?" Calvin asked.
"I am princess na malinis at may dignidad, ewan ko lang sa iyo Calvin kung meron ka non," she mocked.
"I see," ngisi nito at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Mabagal ang bawat paglalakbay ng mga mata nito sa katawan niya. Wari ba'y sinusuri nito ng husto ang bawat detalye sa katawan niya.
"What are you doing?" Hindi niya napigilang itanong habang patuloy pa rin ito sa pagsuri sa kanya. Nag angat naman ito ng mga mata at tumingin sa kanya sandali, pagkatapos bumaba ang mga mata nito sa labi niya. Doon nagtagal ang mga mata nito. Napalunok siya at hindi malaman kung paano kikilos sa obvious na pagtitig nito sa labi niya na kanina lang ay magaspang at walang ingat nitong hinahalikan. Napaatras pa nga siya ng isang hakbang kahit hindi naman humahakbang palapit sa kanya si Calvin.
"Tell me Gianna. Ako ba ang first kiss mo?" Tanong nito matapos magpakasawa sa pagtitig sa labi niya. Nalipat ang mga mata nito sa mga mata niya. Pinatalim niya ang mga mata para ipakita sa lalake na hindi niya gusto ang tanong nito sa kanya.
"Pervert," mariin niyang akusa sa lalake. Tinawanan lang siya ni Calvin at muling humakbang palapit sa kanya. Umatras siya para iwasan ito.
"Don't go near me, Calvin!" Banta niya. Hindi niya alam kung bakit tila natatakot siya sa paglapit sa kanya ni Calvin. Kung bakit ayaw niyang makalapit muli ito sa kanya. Takot ba siyang baka halikan na naman siya nito sa magaspang na paraan? O natatakot siya na baka pag hinalikan siya nito muli ay hindi na niya magawang pigilan ang sarili at gumanti siya ng halik rito.
"I said to go near me!" Mariin niyang muling sabi kay Calvin na patuloy pa rin sa paglapit sa kanya.
"Sorry, Princess Gianna, hindi mo ko tauhan para utusan," Calvin said and smirked.
"Calvin!" Malakas na tawag niya sa pangalan ng lalake para huminto na ito sa paglalakad. Hindi naman ito huminto, kaya napilitan siyang umatras pa ng umatras habang papalapit ito. Hanggang sa maramdaman na niya ang salamin sa likuran niya.
"Damn," mura niya at nilingon ang nasa likuran. Makikita niya mula sa salamin ang mga nagsisiyahang kabataan. Naisip niyang baka nakikita rin siya ng mga tao sa likod ng salamin.
Akma siyang iiwas nang bigla siyang itulak muli mi Calvin padikit sa salamin.
"Ahhh.," tili niya nasaktan kasi ang likod niya.
"Ano bang ginagawa mo!" Asik niya habang nagpupumilit na makaalis, lalo naman siyang idikit ni Calvin sa salamin. Hinuli pa nito ang dalawang kamay niya at tinaas sa may ulo niya.
"Calvin ano ba! Bitiwan mo nga ako! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ah?!" Nangigigil niyang hiyaw kay Calvin. Nilingon ang likod ng salamin, nag-aalala siyang may makakita sa kanila, at baka makuhanan pa sila ng larawan o di kaya videon at ikalat sa kung saan. Ayaw niyang ma eskandalo. Tama na ang kahihiyang binigay sa kanya ni Calvin sa araw ng kasal nila.
"Don't worry, one sided mirror iyan, hindi nila tayo nakikita sa labas. Kaya malaya nating gawin ang ano mang gusto natin dito," litany nito at linapit pa lalo ang mukha nito sa mukha niya.
"Get off!" Gigil niyang sabi na halos magbasagan na ang mga ngipin niya sa gigil sa lalaking kaharap.
"Bitiwan mo na ko Calvin, or else magsisisi ka!" Banta niya sa lalake.
"Why? Ano ba ang kayang gawin ng isang Gianna Saavedra bukod sa magtapang-tapangan huh?"
"Hindi ako nagtatapang-tapangan lang!"
"Really? Eh bakit tila nanginginig ka na ngayon?" Calvin asked at dinikit nito ang katawan sa kanya.
"Ano ba!" Malakas niyang hiyaw. Nanlaki pa ang mga mata niya nang may maramdaman sa pagitan ng kanyang mga hita. Mukhang sadya ni Calvin na iparamdam sa kanya ang nangyayari sa loob ng pantalon nito. Birhen pa siya at wala pang intimate scene na naranasan sa edad niyang bente, pero hindi siya ganoon ka inosente dahil marami na siyang nabasang libro about intimate scene at may napanood na rin siya. Sigurado siyang arousal ni Calvin ang matigas ma bagay na tumutusok sa pagitan ng kanyang mga hita.
"Bitiwan mo na ko Calvin, kung hindi sasampalin kita ulit!" Pananakot pa niya sa lalake. Ngumisi lang ito sa kanya.
"Huwag kang matakot, Gianna, relax ka lang may nais lang akong itanong sa iyo. Baka kasi hindi mo sagutin kung hindi tayo nasa ganitong posisyon," Calvin said.
"Ano ba iyon?" She asked. Nais niyang mag focus sa pinag-uusapan nila ni Calvin at mawala ang atensyon niya sa kakaibang kiliti at init na naglalakbay sa buong katawan niya. Aaminin niya may init na gumagapang sa buong katawan niya pababa sa kahibuturan niya. Buong buhay niya ngayon lang siya nakaramdam ng ganito, at kay Calvin lang niya naramdaman iyon.
"I want you to be honest with me, Gianna," seryosong sabi ni Calvin sa kanya.
"Ano ba kasi iyon!" Sigaw niya, para hindi mahalata ni Calvin na nanginginig na sa init ang katawan niya, dahil sa posisyon nila.
"Are you still a virgin?" Calvin asked her.
"May magbabago ba sa ginawa mong hindi pagsipot sa kasal natin at pagpapahiya sa akin pag sinagot ko iyan?" Balik tanong niya sa lalake na seryosong naghihintay sa isasagot niya.
"Just answer my damn question, Gianna. Are you still a virgin or what?" Muli nitong tanong at lalo siyang pinakatitigan sa mga mata.
"Don't you dare na magsinungaling sa akin Gianna. May paraan ako para malaman ang totoo," panakot pa nito sa kanya at nalipat ang mga mata nito sa labi niya. Kumibot naman ang labi niya at humugot ng malalim na paghinga para sagutin ang tanong nito.
"Why are you asking this stupid question , Calvin?" She asked.
"Marami akong naririnig na maganda at hindi maganda about you. And I think kahit anong pagtakas ang gawin ko para hindi ka pakasalan Gianna ay gagawa at gagawa pa rin ng paraan ang mga magulang ko para matuloy ang kasal natin," litanya nito sa kanya.
Wala siyang idea sa sinasabi nito. Dahil sa pagkakaalam niya wala ng kasalan pang magaganap sa pagitan nila, kaya nga ang balak niya gantihan na lang ito, pahirapan ng husto at nang magsisisi sa ginawa nito sa kanya.
"Ano ang maganda mong narinig about me?" She asked na curious lang naman siya at nais niyang malaman. Ang magandang narinig lang naman ang nais niyang malaman, hindi na ang hindi maganda.
"No boyfriend since birth. Never been in a date before. Wala pang nakakalapit na lalake sa iyo. Totoo ba iyon?" Tanong nito sa kanya.
Tinaas niya ang mukha at tumitig sa mga mata nito. Proud siya dahil isa siyang matino at malinis na babae na kahit saan dalhin ay maipagmamalaki nino man.
"Now answer my question, Gianna? Are you f*cking virgin or not?" Mariin nitong tanong sa kanya habang hindinnag-aalis ng tingin sa mga mata niya.
"Yes, Calvin. I am a virgin."