Gianna-4

1405 Words
"Hi, Calvin," bati niya kay Calvin nang makalapit siya rito at sa grupo nito. Nalipat ang tingin nito sa kanya, kasunod ang mga kasamahan nito. Hindi niya inalis ang tingin kay Calvin. Napakunot ito habang nakatingin sa kanya. Ang tagal na ng huling nilang pagkikita ni Calvin. Parang gumuwapo pa ito ngayon, dahil ba sa tingi nito malaya na itong nakatakas sa kanya. Calvin is wearing a white shirt inside his black jacket and pants. Simple pero malakas ang s*x appeal, ramdam sa buong bar. "Who is she, Calvin?" Bulong na tanong ng isang babae na halos labas na ang kaluluwa sa suot nitong over party dress, dinaig pa nito si Paris Hilton sa sobrang pagka daring ng suot nito. Maganda naman ang babae, mukhang may class naman, nagmumukha lang itong cheap sa kasuotan at over make up nito. Bumaba ang mga mata niya sa kamay ng babaing nakakawit sa braso ni Calvin. Nagtaas siya ng kilay at muling binalik kay Calvin ang mga mata. "Who am I, Calvin?" Taas kilay niyang tanong sa lalake. Hindi nakaligtas ang pag igting ng panga nito, ibig sabihin naiinis na niya ito. So, nagsisimula na siya kung ganoon. "Excuse me," Calvin said, inalis ang kamay ng babae sa braso nito. "Let's go," Calvin said kasabay ang marahas na pagnila sa braso niya. Nagulat siya pero hindi pinahalata. Ayaw niyang magmukhang mahina sa harapan ng lalaking ito. Kinaladkad siya ni Calvin kung saan. Taas mukha pa rin siya habang tinitiis ang sakit sa mahigpit na pagkakahawak nito sa braso niya. Sa pagmamadali ni Calvin, bumubunggo pa sila sa mga nakakasalubong nila, wala naman itong pakialam. Ilang beses siyang napaaray sa sakit ng pagkakabunggo niya, patuloy pa rin si Calvin sa pagkaladkad sa kanya kung saan. Walang reklamong lumabas sa bibig niya, nais niyang magkaharap talaga nila ng walanghiyang lalaking ito. Hindi siya basta kung sinong babae lang. Siya si Gianna Saavedra the Saavedra Princess kung tawagin ng Papa niya at Kuya Gideon niya. Pumasok sila ni Calvin sa isang silid, tinulak siya nito papasok sa loob, at malakas na sinara ang pintuan. Narinig niyang ni lock pa ni Calvin ang pintuan. Napahawak siya sa brasong nasaktan dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Calvin roon. Nakita niyang namumula na ang braso niya nang sulyapan iyon. Napakagat labi siya. "What the f*ck do you think your doing Gianna?!" Singhal nito sa kanya. Napaangat siya ng mukha mula sa namumulang braso niya na may marka na ng daliri nito patungo sa gwapong mukha nito. The f*ck na gwapo nga ito, pero wal siyang pakialam kung masama naman ang pagkatao nito. "Long time no see, Calvin," panunuya niya at ngumisi. Dahil hindi matagalan na tignan ang gwapong mukha ni Calvin. Inikot niya ang mga mata sa katamtamang laki ng silid. Mukhang pang VIP room iyon. May dalawang couches roon at mesa. May mini bar sa gilid na puno ng alak. Katamtaman ang liwanag sa loob ng itim na silid. May malaking salamin sa tapat ng couches at makikita mula roon ang nangyayari sa labas. Mapapanood mo habang nakaupo ang mga nagwawalang mga kabataan sa dance floor, mga naglalasing na mga kabataan at hindi mawawala ang mga kabataang binabastos ang kanilang mga sarili sa harap ng maraming tao. Naghahalikan, naghahaplusan at kung anu-ano pang kahalayan ang ginagawa sa harap ng maraming tao. Lumaki siyang spoiled sa mga magulang pero desente siya, hindi siya katulad ng mga kabataan na masyadong ine-enjoy ang kabataan ng mga ito. May respeto siya sa sarili. Mataas ang tingin niya sa sarili, kaya nga maingat na maingat siya sa mga sinasamahan niyang lalake. Sa dami ng mga nanligaw sa kanya noon wala ni isa siyang sinagot o binigyan ng pag asa. Wala ni isa siyang naka date, dahil napakapihikan niya. Kinikilatis niyang mabuti bago samahan, kaya ayun ni isa wala siyang sinamahan dahil walang pumasa sa taste niya. Then this happened. Karma ba niya ang nangyari ito sa kanila ni Calvin? Dahil sa dami ng matinong lumapit sa kanya, si Calvin pa ang napili niya. Unang kita palang kasi niya kay Calvin iba na ang naramdaman niya. Iba ang atake ng appeal ni Calvin sa kanya, kaya naging sunud-sunuran siya sa gusto ng kanyang mga magulang. Although sa simula palang nagpakita na si Calvin sa kanya ng kagaspangan. Pinilit pa rin kasi niya kahit ang dami ng red flag na lumitaw. Maybe ganitong klase ng lalake ang talagang tipo niya. Iyung ma cha-challenge siya. Bad boy type and interesting. Iba kasi ang s*x appeal na nakikita niya kay Calvin. Iyun bang alam niyang mapapasigaw siya ng malakas pag nasa kama na sila. Adventurous, and more. Nais niyang ma experience ang kakaiba with Calvin. She is still a virgin, at kung natuloy sana ang kasal nila ni Calvin baka naisuko na niya ang lahat sa lalake. Pero walang kasalang naganap kaya hinding-hindi niya basta-basta isusuko ang sarili kay Calvin. Isa ang akitin at hayaang maglaway sa kanya ang lalake sa plano niyang paghihiganti. Gagamitin niya ang malinis niyang katawan para akitin ang lalake. "What the f*ck are you doing here Gianna?" Asik na tanong sa kanya ni Calvin. Muli nitong sinaklit ang braso niya, mahigpit na naman nitong hinawakan iyon. Hindi siya nagpatinag nang itulak siya ni Calvin sa may mini bar. Napangiwi siya nang tumama ang likod niya mini bar. Nagtatagis ang bagang ni Calvin habang nakatingin sa kanya. Matalim ang mga mata nito na kung nakamamatay lang ang tingin nito ay kanina pa siya nakabulagta. Sinakmal ng malaking kamay nito ang maliit niya mukha. Kayang-kaya ngang durugin ng kamay nito ang mukha niya. Lumapit pa ito sa lalo sa kanya. Nanlaki pa ang mga mata niya nang madikit ang katawan nito sa kanya. Naka suot siya ng maong jacket na may puting crop top sa loob, black mini skirt, showing her perfect long legs and brown high boots. Typical dress code sa mga ganitong bar. "Get off of me, Calvin!" Matapang niyang utos sa lalake na kahibla na lang ang layo sa kanilang mga labi. Nagsasalubong ang mainit nilang mga hininga. Amuy na amoy niya ang mamahaling cologne ni Calvin na siyang unang tumatak sa kanya noong una silang magkita. "Bakit ka nasa bar? Sinong kasama mo? Alam na ng Papa mo na andito ka?" Kunot noong sunud-sunod na tanong nito sa kanya. "How about you, Calvin? Bakit ka narito? To enjoy kasama ang babaing hubaderang iyon?" Taas kilay niyang tanong rito. Kabado siya, malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Mabilis ang t***k non na tila nasa marathon siya. Ngayon lang siya naging ganitong kalapit kay Calvin at aaminin niya iba ang epekto nito sa kanya. May kakaiba siyang nararamdaman at hindi lang basta intimate. "You are not my girlfriend, Gianna. Wala ka sa pwesto para tanungin ako,' Calvin said with gritted teeth. "Right! You are not my boyfriend either, kaya wala ka ring karapatang tanungin ako kung bakit ako narito," matapang niyang sabi sa lalake na hindi nag-aalis ng masamang tingin sa kanya. Halos magpang abot na nga ang dibdib nila sa pagtaas, baba ng kanyang dibdib sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. "You are not supposed to be here, Gianna. Iba ang bar sa bahay niyo," Calvin said. "Get off of me!" Hiyaw niya. Sinubukan itong itulak pero hindi man ito natinag sa ginawa niya. Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa pisngi niya. "Hindi mo mundo ang ganitong klasing lugar Gianna. Crowded at maraming lasing na lalake rito na pwede kang bastusin," Calvin said. She laughed out loud. Kumunot ang noo ni Calvin at binitiwan ang pisngi niya. "Nag-aalala ka ba sa akin o nagpapatawa ka lang?" Taas kilay niyang tanong rito. "Ayaw mo kong mabastos ng ibang lalake, samantalang ikaw sobra-sobra pa sa pambabastos ang ginawa mo sa akin sa hindi pagsipot sa kasal natin!" Asik niya sa lalake na halis magpang abot na ang kanilang mga labi. Napansin niyang nalipat ang mga mata nito sa labi niya. "Gianna," Calvin called her name. Marahas siya nitong kinabig, sabay angkin sa labi niya. Nanlaki ang mga mata niya nang maglapat ang kanilang mga labi. Buong buhay niya wala pang lalaking nakalapit sa kanya ng ganito. Wala pang nakahawak sa kanya ng ganito, tanging si Calvin lang. At buong buhay niya wala pang lalaking humalik sa labi niya. Inangkin ni Calvin ang labi niya na halos hindi niya malaman kung paano gumanti ng halik sa lalake, dahil ito ang unang pagkakataon na may humalik sa labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD