Gianna-6

2003 Words
"Ihahatid na kita sa inyo, Gianna. Late na rin naman, baka hinahanap ka na ng mga magulang mo," sabi niya nang makalabas na sila sa VIP na pinasukan nila sa loob ng bar. Doon niya dinala si Gianna nang lapitan siya nito. Pansin kasi niyang marami mga lalaking nakasunod ng tingin at mukhang hindi iyon napapansin ni Gianna. Hindi naman niya masisisi ang mga lalaking tignan si Gianna. Maganda naman kasi talaga ang dalaga, may magandang katawan at malakas na appeal na mapapalingo ka talaga pag nadaanan ka. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Gianna sa bar. Halos isang linggo palang nang hindi niya ito siputin sa araw ng kasal nila. Alam niyang malaking kahihiyan sa mga pamilya nila ang ginawa niya. Ginawa lang naman iyon para maipakita sa mga magulang niya na hindi siyang pasunurin ng mga ito. Na walang karapatan ang mga ito na makialam sa buhay niya. Siya dapat ang mamimili sa babaing pakakasalan niya at hindi ang mga ito. Iyon lang ang dahilan niya kung bakit hindi niya sinipot si Gianna. Wala siyang balak saktan ang inosenteng dalaga. Nagrerebelde lang siya sa mga magulang niya. Hindi niya sinasadyang madadamay pa si Gianna. Bago naman ang kasalan pinakiusapan niya si Gianna na tumanggi sa engagement nila, dahil hindi naman sila personal na magkakilala, ngunit hindi ito pumayag at pinilit pa rin na maikasal ito sa kanya. Kaya nagawa niyang iwan ito sa ere. Mukha namang naka move on na ito dahil nasa bar na ito at nagsasaya na marahil. Nasa bar lang naman siya dahil ang kaibigan niyang si Brian ang may ari ng bar at sinabi nitong may ipakikilala itong babae sa kanya. Sa dami ng ganap sa buhay niya kailangan niya ng babaing magpapasaya at mapaglilibangan, kaya siya sumama sa bar para maglibang muna kasama ang babaing ipakikilala sa kanya ni Brian. Naudlot lang ang lahat nang lapitan sila ni Gianna. Nakausap at nahalikan na niya ang babaing muntik na niyang maging asawa. Natanong na rin niya kay Gianna ang bagay na matagal na niyang nais malaman tungkol sa babae. Marami kasi siyang naririnig na wala pa daw pumapasa sa taste at standard ni Gianna pagdating sa lalake. Wala pa daw itong naging boyfriend o naka date man lang, masyado daw kasing mataas ang tingin nito sa sarili nito kaya napakataas daw ng standard nito sa mga lalake. So no doubt birhen pa si Gianna. Kaya naman siya na mismo ang nagtanong rito kung birhen pa ba ito o hindi. Sinagot naman ni Gianna ang tanong niya, at aaminin niyang natuwa siya sa sinagot nito sa kanya. Kinatuwa niyang sa edad nitong benye anyos ay birhen pa rin ito at wala pang ano mang karanasan pagdating sa pakikipagtalik. Sa panahon kasi ngayon bibihira na lang sa mga kabataan ang birhen pa, dahil sa napakapusok na mundong ginagalawan ng mga ito. Napakaswerte na sana niya kung natuloy lang ang kasal nila ni Gianna. Bigla tuloy siyang nagsisisi sa hindi niya pagsipot sa kasal nila ni Gianna. Kung sakaling natuloy ang kasal nila ni Gianna ay baka hanggang ngayon nasa honeymoon pa sila ay pinaliligaya ng husto ang sarili sa magandang katawan ni Gianna. "Huwag na kasama ko naman ang kaibigan kong si KC. Isa galit sa iyo sina Papa, baka ano pa ang magawa sa iyo pag nakita ka," Mataray na tugon sa kanya ni Gianna. "Hindi ka na pwedeng mag stay pa dito, Gianna, marami ng lasing at baka mabastos ka pa," he said. Nag-aalala lang siya rito. Tiyak na hindi palalampasin ng sino mang lasing o matino ang ganito kagandang tulad ni Gianna. Siya nga hindi niya napigilan na halikan ito kanina. Nasampal na nga siya kanina pero ninanais pa rin niyang mahalikan ito muli. Matinding pagpipigil lang ang ginawa niya para hindi ito halikan. Bukod pa roon naramdaman niyang nagising sa ganda ni Gianna ang alaga niya na nagnanais pang makawala kanina. "Ayaw mo kong mabastos. Why, Calvin gusto mo ikaw lang ang nambabastos sa akin?" Taas kilay nitong tanong sa kanya at huminto pa sa pag hakbang. "Gianna, hindi sa ganoon. Ako alam ko ang ginagawa ko. I know when to stop. Baka makatagpo diyan ng manyak talaga. Hindi lang halik ang gagawin sa iyo," he said. Hindi naman sa tinatakot niya si Gianna, iniiwas lang talaga niya ito sa crowd. "You know what, Calvin stop acting na concern ka sa akin. Baka nakakalimutan mo hindi mo lang ako pinahiya sa maraming tao, sinaktan mo rin ako. Kaya huwag ka nang umarte pa diyan na nag-aalala ka sa akin. Stop the hypocrite," matalim nitong sabi sa kanya. Bago pa siya makapangatwiran agad na itong humakbang palayo sa kanya. "Gianna," tawag niya rito, pero hindi man siya nito pinansin. Nagtuloy lang ito sa pag hakbang. "Damn," mura niya at mariing pinikit ang mga mata. Nais na rin sana niyang umuwi at makapag isip-isip tungkol sa kanila ni Gianna. Pero mukhang kailangan pa niyang mag stay para bantayan ito. Hindi naman siya pwedeng umalis ng bar at basta na lang iwan si Gianna roon. Nagbuga siya ng hangin habang nakasunod ng tingin kay Gianna patungo sa isang mesa kung saan may isang babaing nakaupo. Marahil iyon ang kasama ni Gianna kanina. "Calvin, pare, saan ka ba nanggaling? Kanina pa naghihintay iyung chicks sa iyo," sabi sa kanya ni Brian nang lapitan siya nito. "Pass na muna ako Brian," tugon niya sa kaibigan habang nakatingin pa rin kay Gianna. Ayaw niyang alisin ang mga mata sa dalaga, natatakot siyang baka malingat lang siya at sumalakay agad ang mga manyakis sa paligid. "Sayang naman maganda pa naman at makinis iyon. Isama pang game na game," sabi pa sa kanya ni Brian. "Next time," tanging sabi niya. "Sino ba siya?" Tanong ni Brian sa kanya na nakasunod pala ng tingin sa tinitignan niya. "Siya iyung babaing lumapit kanina sa iyo diba?" Tanong ni Brian sa kanya. Tango lang ang naging tugon niya. "Siya ang babaing pinagsisisihan kong pinakawalan ko pa," seryosong tugon niya. "Ano?" Tanong nito. Wala ni isa sa mga kaibigan niya ang nakakaalam na na engaged siya kay Gianna Saavedra, dahil hindi siya proud noong una sa bagay na iyon. Pero ngayon nais niyang ipagsigawan sa lahat na muntik na niyang maging asawa ang isang katulad ni Gianna Saavedra. "Nothing," tanging tugon niya sa kaibigan. "Tara uminom na lang tayo," anyaya niya kay Brian. "Paano iyung kinuha kong chicks sa iyo?" "Pauwiin mo na o di kaya ipasa mo iba, wala ako sa mood makipaglaro ngayon," tugon niya. Napailing na lang ang kaibigan sa kanya sabay kamot sa ulo. Pumuwesto siya sa bar mismo kung saan nakikita niya si Gianna at babaing kasama nito. Ilang beses niyang nakita si Gianna na napasulyap sa kinauupuan niya. Nagtaas pa siya ng kopita ito, inirapan lang siya nito. Napansin niyang umiinom si Gianna kasama ang kaibigan nito. Wala siyang idea kung kaya nga ba ni Gianna na uminom, kaya naman mas lalo niyang hindi inaalis ang mga mata kay Gianna. "Bakit hindi mo pa kasi lapitan, kesa sa para kang asong naglalaway sa masarap na putahe diyan," sita sa kanya ni Brian nang lapitan siya ng kaibigan. "Ano?" Tanong niya. "Calvin, pare mukha kang asong naglalaway sa pagtitig mo sa babaing iyon," sabi sa kanya ni Brian. Hindi niya alam na ganoon na pala siya ka obvious sa pagtitig niya kay Gianna. "Lapitan mo na kasi," sulsol pa ni Brian sa kanya. "Kumukuha lang ako ng tyempo," he said. "Bahala ka baka maunahan ka pa ni Drew niyan," sabi ni Brian sabay nguso nito sa lalaking nasa isang mesa di kalayuan sa mesa nina Gianna. "Sinong Drew?" Tanong niya at hindi inalis ang mga mata sa lalaking nakatingin nga kay Gianna. Umigting ang panga niya, hindi niya gusto ang uri ng tingin ng lalake kay Gianna. "Taga kabilang bayan iyan. Parang mg gangster iyan," Brian said. "Gangster?" Ulit niya sa sinabi ng kaibigan. Pansin niyang tila grupo nga ang nasa mesang iyon at lahat mukhang hindi mapagkakatiwalaan. "Gabi-gabi dito ang mga iyan. Pag may nagustuhan iyang si Drew tiyak take home niya," sabi pa sa kanya ni Brian. Hindi siya kumibo, hindi niya inalisan ng tingin ang lalaking ngisi palang halatang manyakis na at walang babaing sinasanto. "F*ck!" Mura niya sabay tayo mula sa pagkakaupo. Nakita kasi niyang tumayo ang lalaking tinawag ni Brian na Drew, naglakad ito patungo sa mesang kinauupuan nina Gianna. "Calvin, sandali," pigil sa kanya ni Brian. Hindi niya pinansin ang kaibigan. Nagmamadali siyang lumakad palapit sa mesa nina Gianna dahil doon din patungo ang mukhang manyakis na si Drew. Umigting ang panga niya at kinuyon ang mga kamao nang makitang hinahawakan ng lalake sa balikat si Gianna nang makalapit sa mesa ng mga ito. Kitang-kita niya ang gulat sa magandang mukha ni Gianna. "P*cha! Huwag mong babastusin ang asawa ko!" Mariin niyang sabi. "Asawa?" Tanong ni Brian narinig pala nito ang sinabi niya. Tumayo si Gianna sa pagkakaupo para umiwas sa lalake. Ganoon rin ang kasama nitong babae. Mukhang may sinabi ng hindi maganda ang lalake sa dalawa. Nasa magandang mukha na rin ni Gianna ang takot. "Hoy gago!" Malakas niyang tawag sa lalake nang makalapit sa mesa. Saktong paglingon ng lalake isang malakas na suntok ang pinadapo niya sa magaspang nitong mukha. Nagtitili si Gianna at kasama nitong babae. "T*arantado ka ah. Sino kang g*go ka?!" Galit na tanong ng lalake habang hawak ang putok nitong labi at akmang gaganti ng suntok sa kanya nang maunahan niya ito na agad nitong kinabagsak sa sahig. Nagtitili na naman sina Gianna at kasama nito saka mabilis na lumayo sa lalaking nakahiga sa sahig. "Boss!" Tawag ng tatlong lalaking agad na lumapit sa lalaking nakahiga "Gianna!" Tawag niya kay Gianna at hinila ang kamay nito. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Gianna. "Banatan niyo!" Narinig niyang utos ng lalaking napuruan niya na hindi magawang makatayo sa mga kasama nito. Sinulyapan siya ng mga ito. Bago pa siya masuntok mabilis na niyang hinila si Gianna palayo sa mga ito. "Brian ikaw na ang bahala!" Utos niya kay Brian na may kasama ng mga bouncers ng bar. Nagtatakbo sila ni Gianna palabas ng bar habang hawak niya ng mahigpit ang kamay nito. Napansin din niyang nakasunod sa kanila ang babaing kasama ni Gianna. Habang hinaharap naman ng mga gangster na iyon ang malalaking bouncers ng bar. Hinihingal na si Gianna nang makalabas sila ng bar sa may parking lot. "Sandali wala na sila," habol hiningang sabi pa ni Gianna sa kanya. "Are you ok?" He asked her. "Yeah," tugon nito sa kanya. "KC ikaw ok ka lang?" Tanong ni Gianna sa kasama nito. "Yeah, I am ok," hinihingal na tugon ng babae na tinawag ni Gianna na KC. "Umuwi na tayo, baka masundan pa tayo," sabi niya nang makahinga na ng maayos ang dalawang babae. "Right. I need to go home, ayokong masali sa trouble, malalagot ako kay Daddy," sabi ng kaibigan ni Gianna. "Sasabay na ko sa iyo, KC," Gianna said at sinubukan bawiin ang kamay nitong hawak niya. Hindi niya iyon binitiwan. "Calvin, let me go," sabi pa ni Gianna sa kanya. "Uuwi na ko. Sasabay na ko kay KC. Thank you for saving us," Gianna said. "No, Gianna ako na ang maghahatid sa iyo sa bahay," pormal niyang tugon at ayaw pakawalan ang kamay ni Gianna. "Sige na Gianna sa kanya ka na sumabay," sabi ni KC at agad na ring tumalikod bago pa makasagot si Gianna rito. "KC-" "Ako na ang maghahatid sa iyo Gianna," he said at hinila ito muli palapit sa kotse niya. "Pero, Calvin. Hindi ka gustong makita ng parents ko. Baka magkagulo pa sa bahay pag nakita ka nila," Gianna said. Hindi niya ito pinansin patuloy lang siya sa paglalakad palapit sa kotse nang makalapit binuksan niya ang passenger seat para kay Gianna. "Sakay," utos niya. "Calvin ayoko ng gulo!" Gianna said. "Walang gulong mangyayari Gianna. Just get in the car!" Muli niyang utos sa babae. Masamang tingin ang pinukol sa kanya ni Gianna at inis itong sumakay sa passenger seat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD