Malapad ang ngiti niya sa labi nang bumalik sa desk niya. Natuwa kasi siya sa naging resulta ng paghaharap nilang muli ni Calvin kanina. Kitang-kita niyang ang gulat sa gwapong mukha nito nang makita siya at malaman na siya na ang bago nitong secretary. Planado niya ang lahat kaya walang duda na mananalo siya sa larong ito. "Sa akin na naman ang score ngayon, Calvin," nakangiting bulong niya. Para sa kanya may dalawang puntos na siya, dahil sa kanya ang puntos sa nangyari sa kanila sa penthouse ni Calvin, at pangalawang puntos ang nakita niyang pagkabigla kay Calvin. "Nagsisimula palang ako Calvin, kaya kung ako sa iyo magsisisi ka na," dagdag pa niya at sinimulan na ang magtrabaho sa desk niya habang wala pang iniuutos sa kanya si Calvin. Hindi pa nga rin siya nito tinatawag, para papa