"Damn it!" Malakas na mura niya at napapalo pa sa mesa. Ilang araw na siyang hindi makapag concentrate sa trabaho mula nang makabalik siya Maynila. Wala kasing ibang laman ang isip niya kundi si Gianna. Nababaliw na yata siya dahil hanggang tingin lang siya kay Gianna at hindi man ito malapitan at mahawakan. Pag gising niya noong araw na iyon wala na si Gianna sa tabi niya. Nag expect pa naman siyang gigising siyang may katabing babae. Unang beses pa naman sana niyang magigising na may katabing babae sa kama. Marami na siyang nakasiping na babae pero wala pang natulog sa katabi niya. Pinapaalis niya agad ang bawat babaing makasiping niya pagkatapos niyang magparaos at maglabas ng init sa katawan. Kahit saang lugar hindi niya hinahayaang matulog siya na may kasamang babae. Tanging si Giann