"Ako ang may gustong magtrabaho dito, Calvin. Nag apply ako at hindi ko alam na magiging secretary mo ko. Wala kaming ano mang plano ng Mama mo," mataray na tugon sa kanya ni Gianna. "I see," tugon na lang niya para hindi na humaba pa ang usapan nila, sa taray ni Gianna alam niyang hindi niya ito mapapaamin sa gusto niyang malaman kung bakit narito ito sa RTV. Tahimik na silang kumain ni Gianna nang dumating ang order nilang Japanese foods na mismong chef pa ang naghanda para sa kanila. "Mauna ka na sa opisina, kakausapin ko lang si Mama," sabi niya kay Gianna matapos nilang mag lunch. "Sige," tanging tugon nito sa kanya at sabay na silang lumabas ng restaurant. Inihatid na muna niya si Gianna sa elevator bago ito iniwan. "See you later, Gianna," sabi pa niya, tumango naman ito sa kan