Gianna-3

1316 Words
"Pumasok kang secretary ng CEO sa RTV channel 8?" Bulalas ng kaibigan niyang si KC nang makipagkita siya rito sa isang coffee shop para may makausap. Ilang araw na kasi siyang nagmumukmok sa bahay, at walang makausap. Baka matuluyan na siya kung hindi pa siya lalabas ng bahay. Isang linggo na rin mula nang hindi siya siputin ni Calvin sa kasal nila, hindi pa rin siya maka move on, sa tuwing naiisip ang kahihiyang sinapit niya. Oo wala siyang naririnig sa ibang tao, pero tiyak na pinagtatawanan siya pag nakatalikod na. "Yes, at natanggap ako," taas mukhang tugon niya sa kaibigan at umunom sa mamahaling kapeng nasa cup. "Pinayagan ka ng Papa mo?" Hindi pa makapaniwalang tanong nito. "Hindi agad-agad pero pumayag din siya nang maipaliwanag ko," she said. Totoo iyon tutol ang Papa niya sa pagpasok niyang secretary sa TV station ng mga Ramirez. Hindi daw siya nababagay maging secretary lang, dahil isa siyang Saavedra. Inalok pa nga siya ng Papa niya na bibilhan na lang siya ng malaking shares sa RTV station at iyon ang i manage niya, kesa mamasukang secretary ni Calvin. Ngunit umayaw siya. Dahil ang nais niya malapit siya kay Calvin, alam niya bawat galaw nito, kaya nga napaili niyang posisyon maging secretary ng lalake. Pinaliwanag niya sa mga magulang na nais niyang magsimula sa mababa. Nais niyang makita ang sarili na mag grow. Para na rin makita niya ang totoo abilidad niya, lalo na't wala pa talaga siyang karanasan sa outside world dahil prinsesa nga ang tingin niya sa sarili dahil ganoon siya pinalaki ng mga magulang niya, isama pa ang napaka protective niyang kapatid ang Kuya Gideon niya na nagwala rin sa ginawang pamamahiya sa kanya ni Calvin. Wala rin naman nagawa ang mga magulang niya sa pagnanais na maging secretary ni Calvin Ramirez sa kilalang TV station sa bansa. Pumayag rin ang mga ito, matapos ang mahabang usapan. Kaya sa susunod na linggo lang tutungo na siya sa Maynila at magkikita na sila ni Calvin sa ikaapat na pagkakataon at kauna-unahang pagkakataon matapos siya nitong hindi siputin sa araw mismo ng kasal nila. "Oh my gosh! Hindi ako makapaniwala na secretary ang una mong magiging trabaho," maarteng sabi pa sa kanya ni KC sabay takip pa ng malalantik nitong kuko sa bibig nito. Matagal na niyang kaibigan si KC since elementary hanggang sa mag college sila magkaklase pa rin sila. Parehong fine arts ang kursong kinuha nila, dahil pareho silang hindi pa sigurado kung saan patungo, at naghihintay lang ng kanilang prince charming. Alam lahat ng kaibigan ang drama niya kay Calvin Ramirez. Sinabi pa nitong mahirap ngang pakawalan pa ang isang Calvin Ramirez. Hindi lang basta gwapo, kundi tagapagmana pa. Nag-iisang anak lang kasi si Calvin at tamang nasa marrying age na rin ito sa edad na twenty eight. At wala siyang balak na pakawalan si Calvin gaano man kasakit ang ginawa nito sa kanya. "But, anyway hindi ka naman na magiging lugi pa, dahil makakasama mo ng madala si Calvin," sabi pa nito na tila kinikilig pa. "Iyon nga ang gusto ko, kaya ko pinili ang maging secretary niya. Nais kong masundan ang bawat galaw niya, para makita ko kung saan siya mahina,' she said and smirked. "Wait, Gianna, may balak ka bang pikutin si Calvin?" Exaggerated nitong tanong sa kanya. "Why not," taas kilay niyang tugon na kinatili ng kaibigan ng malakas. Sinaway pa nga niya ito dahil umaagaw na ito ng atensyon sa mga naroon. Balak niyang akitin si Calvin iyung tipong mananakit na ang puson nito at magmakaawa ito sa kanya para maangkin siya. Pag nangyari iyong iiwan niya ito sa ere, para maramdaman rin nito kung ano ang ginawa nito sa kanya. Ibabalik niya ang sakit na binigay nito sa kanya. Ang kahihiyan na binigay nito. "Is this kind of a revenge, Gianna?" Kunot noong tanong sa kanya ni KC. "I guess so," she answered at uminom sa kape niya. Gagawin niya lahat makuha lang ang nais niya kay Calvin Ramirez. "Sa bagay na iyan Gianna, kakampi mo ko. Hindi ko rin gusto ang ginawa ng Calvin na iyan sa iyo. Basta ka na lang niya iniwan sa ere. Tama lang na gantihan mo siya," litanya ni Kc sa kanya. "I know that," she answered. "Anyway alam na kaya ni Calvin na ikaw na ang magiging secretary niya simula next week?" KC asked. "I don't know kung may alam na siya. Hindi kasi siya nagpaparamdam sa akin until now,' she answered. Kinagabihan nagyaya si KC na mag bar muna sila at mag enjoy. Sinabi kasi niyang baka itong araw na ito na ang huling pagkikita nila, dahil magiging busy na siya at marami siyang aasikasuhin sa para sa pagtungo niya sa Maynila. Doon na kasi siya mag stay kaya marami siyang dapat ayusin. Kasama na roon ang bahay na titirhan niya. Simula next week mamumuhay siyang mag isa. Walang kasambahay na maghahanda ng pagkain niya. Maglalaba sa dami niya at maglilinis ng silid niya. Magiging independent na siya, kaya kailangan kayanin niya ang lahat. "For your revenge," hiyaw ni Kc at tinaas pa ang kopitang hawak nito na may lamang alak. "Yeah, for f*cking Calvin Ramirez!" Mura naman niya at tinaas ang hawak na kopita. Pinaguntog nila ang kanilang mga kopita at sabay na ininom ang alak sa kani-kanilang kopita. Hindi sila madalas mag bar ni KC dahil ayaw nilang matawag na cheap at hindi eleganteng mga babae. Mataas kasi ang standard nila at tingin nila sa kanilang mga sarili. Hindi sila basta-basta sumasama sa mga hindi nila kasingyaman. Masasabi mapagmata silang magkaibigan, dahil nga kapwa sila pinanganak na may kutsara sa bibig. "Huwag mong kalimutang tawagan ako ah, para naman malaman ko kung anong stage ka na sa revenge mo kay Calvin," sabi pa ng kaibigan sa kanya, matapos maubos ang laman ng kopita nito. Kapwa sila hindi sanay ng kaibigan sa pag inom ng alak. Tiyak na mamaya lang bulagta na ito kung hindi pa ito titigil sa pag inom. "Oo naman ikaw pa. You are my only best friend, KC," tugon niya sa kaibigan at sumimsim sa alak. Medyo mahina siya pagdating sa alak, kaya pakonti-konti lang siya kung uminom. Wala siyang balak malasing, baka magpasuray-suray pa siya pauwi. Para sa kanya ang bumaba ang tingin niya sa mga babaing umuuwi ng lasing. Habang nag-uusap silang magkaibigan umagaw sa atensyon niya ang dalawang lalaking kapapasok pa lamang sa loob ng bar. Nabitin pa sa ere ang balak niyang pag inom muli sa kopita nang mapako ang mga mata niya sa isang lalake. "Calvin," tagis bagang niyang bulong. "What?" Tanong sa kanya ni KC na narinig pala ang pagbulong niya sa pangalan ni Calvin. "Calvin is here," she announced. Binaba ang kopitang hawak habang hindi nag-aalis ng tingin kay Calvin na agad sinalubong ng dalawang babaeng naroon. "Oh my gosh, si Calvin nga at may kasama pa siyang babae agad-agad," bulalas ni KC sa kanya. "Ang kapal ng mukha niyang mag bar dito sa San Sebastian after ng pamamahiya niyang ginawa sa akin at sa pamilya ko," mariin niyang sabi habang nakatuon ang buong atensyon kay Calvin na, nakikipag beso-beso pa sa mga babaing kakarampot na tela lang ang tumatakip sa katawan. "Pakitangan mo nga iyang mayabang na iyan, Gianna. Kumpara naman sa mga mala p*rn star na kasama niya eh mas hamak na maganda at desente ka. Napaka elegante mo kaya," litanya ni KC sa kanya. "Papakitaan ko talaga ang hambog na iyan,' she said at tumayo. "Oh! anong gagawin mo?" KC asked. "Ipapakita ko lang kay Calvin na mas basura ang kasama niya kesa sa akin," taas kilay niyang tugon sa kaibigan. "Go girl!" Agad na sabi da kanya ng kaibigan at nagtaas pa ng kamao. "Ipakita mo kung sino si Gianna Saavedra," KC also said. "Sure thing," she answered. Taas ang mukha siyang lumakad palapit sa kinatatayuan ni Calvin at mga kasama nito. "Damn you, Calvin Ramirez."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD