Kinabukasan pag gising niya punit-punit na wedding dress ang nakita nakita niya sa sahig at magulang mga gamit.
"Damn," mura niya at humugot ng malalim na paghinga. Naalala niyang sa sama ng loob niya kay Calvin nagawa niyang punitin ang mamahaling wedding dress na pinagawa pa sa New York ng Mommy ni Calvin. Nasayang lang tuloy ang magandang wedding dress dahil sa hindi pagsulpot ni Calvin sa kasal nila. Alam niyang malaki ang ginastos ng mga Ramirez para sa kasal nila ni Calvin, at lahat ng iyon ay nasayang iyan, dahil sa paglalaro ni Calvin.
Bumangon siya at sinipa-sipa ang pa ang nagkalat sa sahig. Lumakad siya patungo sa bathroom maliligo na muna siya para mahimas-masan at makaisip ng paraan kung paano niya haharapin ang malaking kahihiyan.
Ang mga magulang ni Calvin ang mga magulang niya ang nagpasya sa kasal na ito. Pinagkasundo lang sila ni Calvin pagkagraudate niya. Hindi siya tumanggi dahil sa edad niyang bente madali siyang na attract kay Calvin. Sino ba naman ang hindi maa-attract kay Calvin eh napaka gwapo nito, malakas ang appeal. Gentleman din naman ito noong una niyang makilala. Ngunit napansin niya ang unti-unting pagbabago nito, at sinabi naman nito sa kanya na ayaw nitong magpakasal sa kanya o kahit kaninong babae. Iyon nga lang matigas din ang ulo niya at ayaw na niyang mapakawalan pa ang isang Calvin Ramirez kaya kahit anong pakiusap sa kanya ni Calvin na umayaw sa engagement ay hindi niya ginawa. Kaya naman ang sabi nito ito na raw ang gagawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila. At iyon nga hindi nga natuloy ang kasal nila.
Nakilala niya si Calvin noong magtungo ang mga magulang nito kasama si Calvin sa bahay nila. Isang family dinner ang naganap sa bahay nila kasama ang mga Ramirez at doon na nga napag-usapan ang engagement nila na agad niyang sinangayunan kahit bente anyos lang siya at bente otso naman si Calvin. Walang taon ang agwat nila sa isat-isa. Para sa kanya hindi hadlang ang agwat ng edad nila. Lalo na't mula pagkabata ay iisa lang ang pangarap niya, iyon ay ang makahanap ng lalaking mala prinsepe, na kayang ibigay sa kanya ang lahat. Unang kita palang niya kay Calvin alam niyang si Calvin na ang lalaking matagal na niyang hinihintay. Ang prinsepeng pinapangarap niya.
Sa loob ng dalawang buwan mula ng ma engaged sila ni Calvin ay tatlong beses lang niya itong nakita. Unang noong ipakilala sila ng mga magulang nila sa isat-isa. Pangalawa nang official silang ma engaged. Pangatlo nang puntahan siya ni Calvin sa bahay nila para lang sabihin na gumawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila, bagay na tinanggian niya, kaya nagbanta itong ito ang gagawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila. Panalo naman na ito ngayon.
Ni minsan hindi sila nakapag date ni Calvin. Kahit ilang beses ng nag set up ng date ang Mama ni Calvin para sa kanila. Laging busy si Calvin or di kaya out of town. Kaya hindi sila nagkaroon ng pagkakataon para magkakilala ng lubusan. Ganoon pa man hindi nagbago ang pagtingin niya sa binata. Ninais pa rin niyang maging Mrs. Calvin Ramirez. Kaya kahit may mga signs na siyang nakita at naramdaman na hindi si Calvin ang lalake para sa kanya ay wala siyang ginawa.
Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa Colegio de San Sebastian sa kursong fine arts, hindi pa kasi siya sigurado kung ano ba talaga ang gusto niya sa buhay. Lumaki siyang mala prinsesa ang buhay, sanay na nakukuha ang lahat ng gusto, sanay sa luho. Ni minsan hindi nakaranas ng paghihirap sa buhay. Iyon nga lang dahil na rin sa mala prinsesang trato sa kanya sa bahay nila, wala siyang alam na trabaho, ni wala siyang alam na gawain sa bahay maliban sa paghuhugas ng plato. Sa pagluluto naman itlog ay hotdog palang ang kaya niyang iluto. Handa naman niyang pag-aralan ang lahat kung kinakailangan. Kaya buong isip niyang isang prinsepe na kaya siyang bigyan ng magandang buhay ang lalaking pakakasalan niya and that's Calvin Ramirez for her.
Matapos maligo nagbihis lang siya at sinuklay ang mahabang buhok saka na lumabas ng silid. Hindi na niya linigpit pa ang mga kalat niya sa silid. May kasambahay namang maglilinis non.
Habang pababa siya ng hagdan narinig niyang may nag-uusap sa sala. Namataan niya ang mga magulang ni Calvin na sina Mr and Mrs. Ramirez kausap ang mga magulang niya. Nagdalawang isip siya kung tutuloy pa, ayaw muna kasi niyang makipagusap kung kanino sa ngayon. Iyon nga lang napalingon na sa dako niya ang Mama ni Calvin at agad siya nitong tinawag.
"Gianna," banayad na tawag sa kanya ng Mama ni Calvin. Hindi na siya makakaiwas pa. Si Calvin lang naman ang may kasalanan sa kanya, hindi siya dapat magalit sa mga magulang nito.
Humugot siya ng malalim na paghinga, at ngumiti ng bahagya, saka nagtuloy sa pagbaba ng hagdan.
Tumayo pa ang Mama ni Calvin para salubungin siya. Niyakap siya nito ng mahigpit.
"I am sorry, sa nangyari Gianna," paumanhin nito sa kanya habang nakayakap ito sa kanya.
Hindi na lang siya kumibo. Hindi naman kasi tamang sabihin niyang ok lang iyon. Dahil hindi naman talaga ok ang nangyari. Hindi lang naman siya ang napahiya sa nangyaring iyon, kundi pati ang mga magulang nila Calvin.
"How are you, Gianna?" Tanong ng Mama niya sa kanya nang makaupo siya sa may sala kung saan nag-uusap ang mga ito.
Alanganing ngiti ang naging tugon niya. Hindi naman kasi siya ok.
Muling humingi ng tawad sa kany si Mrs. Ramirez sa nangyari, pati na si Mr. Ramirez humingi rin ng tawad sa kanya. Tango lang ang naging tugon niya.
"Don't worry Gianna, once na makausap namin si Calvin, hindi naman mapapalampas ang ginawa niyang ito," sabi pa ni Mr. Ramirez sa kanya.
"Hayaan na lang muna siguro natin ang mga bata, masyado din kasi natin silang minadali kaya ganya ang nangyari," pormal na sabi ng Papa niya.
"Siguro nga masyado tayong na excite para sa kanila. Hindi man natin sila nabigyan ng pagkakataon para magkakilala muna," sabi naman ni Mr. Ramirez.
"Nangyari na ang nangyari. Sana na lang ay hindi makaladkad sa kahihiyan ang anak ko Christopher," seryosong sabi ng kanyang ama.
"Walang balitang lumabas sa station namin, pinigilan ko. Pati na ang mga tabloids or any business news, sinabihan kong huwag ibabalita ang nangyari sa anak ko at sa anak mo Gael. Ayoko ring malagay sa kahihiyan ang anak ko at ma eskandalo ang mga bata," paliwanag ni Mr. Ramirez.
Tahimik lang siyang nakikinig sa mga ito. Habang ang isip niya ay na kay Calvin. Nais niyang makaharap ang lalake at ipakita rito kung sino ang tinanggian nito. Nais niyang magsisisi si Calvin at iniwan siya nito basta sa ere. Nais niyang pahirapan ang walanghiyang lalake.
"Nasaan ho ba sa tingin niyo si Calvin ngayon?" Tanong niya nang magkaroon ng pagkakataong makasingit sa usapan ng mga ito.
"Ang sabi ng secretary niya nasa Manila daw, dahil nag report naman daw ito sa opisina," tugon ng ama ni Calvin sa kanya.
"Can I have a favor?" She asked.
"Anything Gianna," mabilis na tugon ni Mr. Ramirez sa kanya.
"Gusto ko pong magtrabaho sa TV station niyo. Bigyan niyo po ako ng mataas na posisyon," lakas loob na sabi niya sa mag asawang Ramirez.
"Gianna! Ano iyang sinasabi mo," saway sa kanya ng ama.
"Oo nga hija, ano ba iyan,' secunda ng Mama niya.
Nais niyang makaharap si Calvin, at ang nais niya ay iyung madalas silang magkasama ni Calvin para maipakita niya sa lalake kung ano ang nawala rito. Nasa Maynila lang ito kung ganoon, bakit iniisip ba nitong matapos ang kahihiyan niya kahapon ay magbabalot na siya at magtatago sa ibang bansa? Pwes nagkakamali si Calvin, dahil ang nais niya ay ang mapalapit sa lalake para mapahirapan ito at makaganti siya sa pagpapahiya nito sa kanya.